Pages

Thursday, October 30, 2008

Peke... ang nararamdaman

Kung madalas ka sa Greenhills o Divisoria o kahit sa mga tiangge section ng mga malls, nakikita mo sila. Yung mga walang pakundangang nakadisplay na Prada, Gucci, Louis Vuitton, Coach, Cartier, Diesel, at marami pang iba. Bag, relo, alahas, damit, pantalon, sapatos, kahit underwear. Tingnan mo, huwag mo lang hahawakan, dahil iba ang salat nila, magaspang, at kapag susuriing mabuti, hindi pulido ang yari. Hindi pala orig, peke. May level pa ng pagkapeke yan. First class imitation mas mahal at low class daw, kaya mas mura. Nakakatawa, anong pinagkaiba? May pera ka, kaya bibili ka ng bag na nagkakahalaga ng isang ektaryang lupa sa probinsiya. Excited kang gamitin, dala mo sa iyong pagdalaw sa bahay ng iyong amiga. Masasalubong mo ang katulong nila na mamamalengke, pareho kayo ng bag na dala. Nakakaloka. Hindi ko lang maintindihan, kung may isang libo ka, kaysa bumili ka ng foreign brand na peke sa ganung halaga, bakit ‘di ka nalang bumili ng local brand na original? Ewan ko ba, hindi ako mapanghusga(okay, laitera lang,pero normal sa bakla yan), kaya lang may side ako na talagang NO! NO! sa pagpapatronize ng mga fake items. Naaalala ko nung bata ako, mahilig ako noon sa mga relo na may disney characters dahil nga nasa Japan pareho ang mga magulang ko. Gustong gusto ko silang gamitin noon. Second year high school na ako nang makita ko sa unang pagkakataon ang relong Rolex sa isang fashion magazine. Gandang ganda ako sa relo. Tinanggal ko ang relong may mukha ni Mickey Mouse sa kamay ko. Mula noon hindi na ako nagrelo. Dalawang buwan na ako noon sa Japan nang mapansin ni Papa na hindi ako gumagamit ng relo. Tinanong niya ako kung bakit. “Hindi ako magrerelo kung hindi Rolex,” sagot ko sabay ngiti. Tumawa siya,”e ‘di mamamatay kang hindi makakapagrelo.” Kung iisipin ko ngayon, mukhang magkakatotoo ang sinabi ni Papa. Pero di bale na, may orasan naman ang luma kong Nokia.

Okay so nakapag enroll na ako, nung lunes pa. kasabay sina NJ at Maine. Nakita rin namin si Ken sa school, na kumuha din ng grades kahit halatang bangag pa. Dahil poverty kami ni NJ, nilibre ako ni Maine ng lunch sa Mcdo. Dahil si NJ lang ang kasama namin, pinagtripan namin siya. Kasi naman magdodorm daw siya ngayong second sem. Nagbayad na siya ng downpayment sa nakitang kuwarto sa tabi ng dorm ni Ba na boyfriend ni Asia(TL girl). Ayon kay NJ, napapagod daw siya sa biyahe dahil sa Paranaque siya umuuwi. Halleeeer, may kaklase ako uwian sa Bulacan pero ‘di naman nagrereklamo. Alam na alam naman namin ni Maine kung bakit siya magdodorm eh. Si Cinder kaya ang magiging roommate niya. Magkakaroon na sila ngayon ng pagkakataon na makapagchukchakan kahit anong oras na gustuhin nila.

“That’s not true,” pacute si NJ.

“Oh yeah? Everyday will be a fuckfest extravaganza. Cum here, cum there, cum everywhere!!!” may halong selos kong pangungutya sa kanya. Tawa naman ang Maine.

“Whatever Yj ,” halatang pinipigilang mapikon, ang cute niya.

Dalangin lang namin ni Maine, sana walang magkabuntisan. Pag nagkataon….


Sa kabilang dako, eto ang nangyari kahapon. Mga alas-diyes ng umaga nagtext ang Gilbeys. Nagtatanong kung pwedeng tumambay sa bahay ko at gusto daw uminom. Pinapunta ko siya, may limang bote pa ng redhorse sa ref ko, laklakin niya lahat. Linis ako ng konti dahil talaga namang nagmumukha ng basura ang bahay ko. Iniisip ko tuloy kung tama ba ang desisyon ko na pauwiin na ang katulong ko at huwag ng pabalikin, sayang kasi ang perang pinapasuweldo kung kaya ko naman mag-isa. Dumating ang Gilbeys, may mga tighiyawat ang mokong, pero cute pa rin. Nakuha daw niya sa kapupuyat. Galing daw siya sa school, nag-enroll. Ayaw pang umuwi sa bahay nila dahil wala namang gagawin. Tinanong ko kung nasan ang kanyang Daddy na miyembro ng PSG. Hindi daw niya alam. Silang dalawa lang kasi ng kanyang Daddy ang magkasama sa bahay na tinitirhan nila sa loob ng Malacanang Park. Ang Mommy niya ay nasa Saudi. Minsan biniro ko si Gilbeys at tinanong kung kelan niya ako ipakikilala sa Daddy niya. “Gusto mong barilin tayo pareho nun? Pero sabagay pwede ko namang sabihin na hindi muna ako mag-aasawa ng babae, kaya lalake muna,” ganting biro niya. Mula noon sa tuwing napaguusapan namin ang Daddy niya, parang nakakarinig ako ng putok ng baril. Bang! Bang! Pinakialaman ni Gilbeys ang mga DVD ko sa ilalim ng TV. May hinahanap. “Nasan na yung sinasabi mong magandang gay movie? Brokeback Mountain? Kala ko ipapahiram mo sa akin?” “Mamaya, hanapin ko.” Hinanap niya ang bagong bili kong Hellboy na sapatos. Pinakita ko. Sinukat niya, maliit daw. Nagtaka ako, mukhang pareho lang kami ng laki ng paa. Kinuha ko ang kanan ng converse ko at kaliwa ng converse niya, pinagdikit ko. Weird, mas malaki yung sa akin. Tinanong ko siya bakit ganun ang sizing ng shoes niya. “Fake yan eh.” Ah, okay. At kung ano man ang nararamdaman ko para kay Gilbeys, naglaho ng parang bula. Hindi pala siya yung lalakeng hinhintay kong sabihan ng, I wish I knew how to quit you. Hindi pala siya….

At ilang minuto lang, tumawag ang Daddy niya, pinapauwi na siya. May limang bote parin ng redhorse sa ref ko, at nakalimutan ni Gilbeys ang gay movie niya.











walang kinalaman ang litratong ito sa post ko. naaalala ko lang ang abs ni Gilbeys sa larawang ito.













No comments: