Pages

Thursday, October 23, 2008

afraid for love to fade....


"i can't let you pass me by i just can't let you go. though i know that i am just too shy to let you know. afraid that i might say the wrong words and displease you... afraid for love to fade before it can come true...."
hmmmmmmmm 2nd week na ng sembreak... at boring boringan to death talaga ang drama ko. masaya naman ako dahil nabili ko na ang dream shoes ko pero sobra ko ng miss ang TL family ko. kahapon ng umaga, nagtext sa akin ang isang dating kasamahan sa work, si Marie at nagyayayang uminom daw kami. one on one ang mga bakla. out na raw siya from work at may aayusan lang(d ko na tinanong kung buhay ba o bangkay ang aayusan ni bakla), kaya napagkasunduan naming mag-meet sa gateway ng 3pm. sistema mo, around 11am nag text ang NuJersey(yan ang ipapangalan ko sa kanya) at nagyayaya manood ng sine. ask ko siempre ko kung sino na sa mga TL ang nagconfirm, turned out na si EllaB palang. sabi ko, kailangan kung 12:30 ang meeting time sa glorieta, they have to be there on time dahil may imi-meet pa nga ako sa gateway ng alas tres. so nag back out ang EllaB. text ang NuJersey, Yj pano yan? dalawa nalang tayo? tuloy pa ba tayo? sinagot ko naman ang gagoh, why? are you scared? i'm harmless!!! hahahaha. sagot ulit siya, ano ba pinagsasasabi mo? tinatanong ko lang kung tuloy pa tayo at maliligo na ako. ayan kasi, assuming ang bakla, at gustong gusto inaasar si boylet, pero sagot parin, kunyari hindi napahiya, sige maligo ka na... let's meet there nalang. mabilisan ang ligo at bihis. after an hour nasa taxi na ako, ang trapik sa mandaluyong, talaga namang isusumpa mo ang gobyerno ni Arroyo. hinahanap na ako ni boylet at nasa greenbelt na daw siya. masyadong late na yung MaxPayne kaya naman Tropic Thunder nalang ang papanoorin namin. text ako kay boylet, get the tickets, buy your snacks, just ge me soda. text me the cinema number and i'll meet you there. five minutes bago mag 1:35 sa cellphone kong de uling, nasa movie house na ako ng greenbelt at paakyat ako sa escalator ng makita ko siya. pumayat ang loko. ang guapo sa suot niyang purple at cavalli jeans.... with matching handpainted emo sneakers na purple din ang dominant na color. nakasimangot sa akin.... natatawa naman ako sa sarili ko, kasi alam ko kung bakit siya inis. naunahan ko siya sa pagbili ng hellboy shoes na nakita niyang suot ko. hindi ko pa sana isusuot dahil umuulan pero gusto ko talaga siyang asarin. "nakakainis ka. bakit ka bumili? bibili ako niyan d ba?" bungad niya sa akin with his fake inis na itsura, sabay abot sakin ng coke. "eh anong magagawa ko. ang lakas ng tawag sa akin ng sapatos, nakikiusap na bilhin ko hahahaha," pangaasar ko sa kanya. "basta, bibili din ako niyan." "huwag na. magmumukha tayong tanga pag sabay nating sinuot." " i don't care, it will look better on me anyway," bitter ang gago. so nood na nga kami ng Tropic Thunder. hands down, best comedy film i've ever seen in a long time. mga intro clips palang pasabog na sa katatawanan. star studed pa ang movie, d makapaniwala si NuJersey na napapayag nila si Tom Cruise gawin yung character niya. heler, actor kaya siya!? d ko lang maintindihan kung bakit PG13 ang movie eh napaka brutal ng mga war at fighting sequence... malalaswa pa ang linya. to the point na sinabi ni Jack Black ang linyang "i'll suck your cock, i'll suck it good....." or something to that effect. pero deadma na wala naman akong nakitang viewer na under 18, ewan ko lang dahil tuesday nga. malay ko ba sa weekend kung biglang dumugin yan ng mga teenagers. so natapos ang pelikula na may masama akong feeling, parang kakabagin ako, pero deadma. walang sumamang ibang TL kaya moment namin ito ni NJ(kakatamad i-type ang NuJersey kaya NJ nalang). make the most out of it ika nga. so since pupunta ako sa gateway, tinanong ko si NJ kung gusto niyang sumama, umoo naman. kaya fly kami sa MRT dahil 3:30. ayoko namang paghintayin ang baklang si Marie na numero uno sa cross dressing. ang init sa tren. full pack... lahat yata ng pwedeng pagpawisan sa akin eh pinagpawisan talagah. pagdating namin ng gateway, tawag ako kay bakla.
Yj: hello saan tayo mag-meet? dito na kami gateway.
Marie: mare sakay kayo LRT punta kayo dito sa Recto.
Yj: ha? akala ko ba gateway? anong ginagawa mo sa Recto?
Marie: witchelz... gateway lang tayo magkikita pero dito tayo sa Recto iinom. sa **s!
putang ina. hindi ko kinaya. nagregister na sa utak ko ang itsura ng lugar. masikip na bilyaran na tambayan ng madaming estudyante. puro usok dahil mahina ang exhaust, o dahil walang exhaust. lugar kung saan kahit limang beses mong labhan ang damit mo eh hindi matatanggal ang amoy dahil kumakapit talagah. pinandidilatan na ako ni NJ, naririnig niya siempre ang side ko sa conversation. at umiiling iling. no way daw na pumunta siya dun... oo nga pala konyotik nga kasi. isip ng dahilan ang byuti ko.
Yj: mare, pasensiya ka na, hindi talaga kami pwedeng pumunta diyan. ang lapit sa school namin yan d bah? may nakaaway kasi jan na tambay itong kasama ko kaya iwas nalang sa trouble. sorry talaga, next time nalang.
siempre may pilitan portion pa pero ng maglaon eh wala naring nagawa ang bakla, at sinabihan nalang ako na magpalawan nalang daw kami sa sabado. so ending window shopping kami ni NJ at talaga namang lahat ng shops sa gateway eh pinasok namin. punta kami ng Trod, nakita ni boylet ang poster ng Diesel shoes na gusto niyang bilhin. tinanong sa staff kung kelan mari-release ang shoes sa Pinas. baka late December or early January daw. as usual, umiral nanaman ang kagagahan ko. "anong gagawin mo kung pagbalik ko ng school after xmas vacation eh suot ko na yung shoes na yun?" tanong ko sa kanya. inirapan lang ako hahahahaha. ang sarap niyang asarin. cute na cute ako sa kanya pag naaasar siya. nakakagigil. ahmmmmmmmmmm!!!
since mas convenient for both of us pag sa makati kami, bumalik kami ng glorieta para mag dinner. peste, mas masikip ang MRT dahil rush hour na nga. pero keri parin... kasama ko naman ang nag-iisang pantasya ng halos buong college namin sa university. Gerry's grill, kahit may masama na kaming experience sa branch nila sa MOA, deadma na. gustong kumain ni NJ ng inihaw na pusit eh. so yun na nga, one on one na inuman, pero hindi kami ni Marie, kami ni NJ. sheeeeeeeeet talaga. text parin kami sa ibang TL friends kung sino ang gustong sumunod, pero deep inside hoping ako na wala. moment namin itoh!!! may Diyos mga ateh.... at naririnig niya mga dasal ko. wala ngang sumunod. so usap kami ng kung ano-ano. puro kabaklaan ang topic ko, na okay lang naman sa kanya at give lang siya ng opinion niya. puro guy's stuff ang topic niya, cars, gym, girlfriends, ex girlfriends, at kung anik anik pa. ako naman oo lang ng oo, tango lang kahit hindi ko naiintindihan. pero ang highlight ng usapan namin ay yung nangyari sa akin at isa sa mga TL boys about a month ago. sinabi ko kasi kay NJ yung tungkol dun dahil close naman talaga kami, at siya lang yung alam kong makakaintindi sa akin, dahil medyo may sense nga ang gagoh. basta ang eksena ko eh, nagi-guilty ako sa ginawa ko. sabi nga ni NJ, kasalanan ko naman daw kasi, pero kalimutan ko nalang daw dahil hindi naman big deal. kaya keri na... yun ang payo niya eh, d sundin. almost 10pm na nang makaubos kami ng anim na boteng san mig light, isip kami kung saan pupunta. ayokong umuwi dahil wala akong kasama sa bahay at gusto ko pang makasama si NJ. ayaw pa niyang umuwi dahil bored na rin daw siya sa bahay at ang tagal nga niyang hindi lumabas, at siguro gusto parin niya akong makasama hahahaha. since dadalawa lang kami, at ayaw narin naman namin parehong uminom, fly nalang kami sa greenbelt at nagkape sa starbucks. yosi mode ang byuti ko dahil natetense ako. kung ano-ano nalang pinag uusapan namin. fashion, school, TL, at siempre dun kami nag focus sa mga katarantaduhang topic. mga imposibleng mangyari pero pinapanalangin na sana magkatotoo. 12midnight na.... said na kahit whip cream ng mga frap. nag suggest ako mag redbox pero sabi niya hindi naman daw kami kumakanta..... mali! kumakanta ako, on bended knees pa!!!
"laro nalang tayo.... o kaya, laruin kitah" sabi ko. sabay ngisi.
"he... umuwi na tayo." sabay tayo siya.
sige na nga. d na mabiro. lakad kami sa taxi stand. pinauna niya ako.
"text me when you get home. bye, Yj."
"bye NJ, i had fun." and i meant it.


walang kinalaman ang litratong ito sa post ko. pandagdag kulay lang.

No comments: