alam mo yung pakiramdam na katext mo yung taong mahal mo buong magdamag. siempre moment niyo yun, kayong dalawa lang, kaya kilig to death ka. tapos kinaumagahan, mapapansin ng mga kaibigan mo na puyat ka dahil sa por kilong eyebags mo. tatanungin ka ngayon, sino katext mo kagabi? sasagot ka "yung mahal ko.." "tarayful, ano naman pinag usapan niyo at inabot kayo ng umaga?".... bigla kang malulungkot at bubulong "yung mahal niya..." aaaaaw DUROG!!!so yun nga, nagpahinga ako sa bahay buong maghapon ng miyerkules(102308). kaso pagdating ng alas-siete ng gabi bigla na akong naurat, kaya dinalaw ko nalang ang kaibigan kong si Ray sa G.Tuazon. tambay kami sa parlor ni bakla, medyo busy, may nirerebond si Rhea at may ginugupitan si Red. ngayon ko lang napansin na puro R pala ang simula ng pangalan ng mga bayot hahahaha. nag-dinner kami ni Ray sa katabing karinderya ng parlor. chikahan, update sa mga boylet, karir at biznes, kunyari lang may karir at biznes, pero puro boylets lang talaga pinag usapan namin. pagkatapos ng iisa pa lamang, nagpasya na akong umuwi, biglang pumasok si Mac. boylet na pinakilala sa akin ni Ray ng minsang magkainuman kami. tangina, mas guapo siya ngayon at lalong pumuti. ewan ko ba kung bakit biglang rumehistro agad sa isip ko yung bulitas sa titi ng gagoh. ngiti ang loko, nangumusta. ngiti naman ako, pasweet, at tinanong ko kung bakit d na siya nagtetext. "eh sumabog cellphone mo d bah?"... okay good point. pero may bago na akong phone, at hindi naman ako nagpalit ng number. so kinuha niya ulit ang number ko, at nagpaalam na, dahil may pupuntahan daw sila ng dalawang kasama niya. "kala ko ba bored ka? bat d mo siya niyaya sa bahay mo? tanong ni Ray sakin. "wala ako sa mood magpakantot," sagot ko sabay beso, at labas ng parlor.
pagdating ko sa bahay, binuksan ko agad ang computer para magsend ng birthday message sa kapatid kong si Jenny sa Japan at magbasa ng mga blogs. maliban sa pangtanggal stress, lalo na yung mga nakakatawang magsulat, ang dami ko pang natututunan. at take note, hindi lang kalandian ha! nang biglang mag text ang isa sa mga TL boys, si Gilbeys, siempre hindi niya tunay na pangalan yan noh. sa totoo lang, sa anim na boys sa grupo at siempre hindi kami kasama ng bayot na si Lou, eh wala ka talagang itulak-kabigin. si Gilbeys yung tipikal na cutie-cutie, mahilig sa mga pantalong konti nalang eh pagkakamalan mong leggings sa hapit. masyadong vain, kaya madalas pinagkakamalang bading. kung mukha lang ang pagbabasehan, mas maraming mas guapo sa kanya, pero hintayin mong maghubad. tutulo hindi lang laway mo, kundi lahat ng puwedeng tumulo sayo. malupit ang katawan ng gagoh. pero higit sa lahat, sweet siya sa mga bading. kumportable. minsang nagkainuman kami sa pad ni Ken, na isa pang Tl boy, para kaming item ni Gilbeys nun, panay ang yakapan pero hanggang dun lang naman. kaya nga hindi lang minsan kong naisip na kung maiin-love ako sa isa sa kanila, hindi malayong kay Gilbeys. hangang sa bigla siyang nagtext na gusto na daw niyang magquit sa grupo. siempre tinanong ko kung bakit, madami pang pasakalye hangang sa...
Gilbeys: because...i'm falling inlove with one of the TLs...and that one is falling inlove with me also....(sheeet, binasa ko ulit, hindi niya binangit na TL girl...one of the TLs lang. naisip ko bigla na baka ako ang sinasabi niya, sineryoso kaya niya ang mga pa-i lab u-i lab u- ko sa kanya sa text?)
Yj: huh? ur crazy!!! kanino ka naman inlove? (please tell me na ako...fingers crossed ang bakla)
Gilbeys: hulaan mo muna para exciting?
Yj: utang na loob, eh hindi naman ako si Madam Auring... just say it....!(excited ang bakla)
Gilbeys: sayo! hehehehe (tangina bakit may hehehehe? hindi ito seryoso...)
Yj: panong ako? eh sabi mo that one is falling inlove with you too. eh hindi naman ako inlove sayo!!! (sheeet sabihin mo na yun yung pakiramdam mo)
Gilbeys: okay, pero please huwag mong sasabihin kahit kanino. kasi magulo pa sitwasyon. i trust you Yj.... inlove ako kay EllaB. (one of the TL girls na super biggie size talaga ang boobies at kakabugin talaga si Ruffa Mae at Keana Reeves kahit pagsamahin)
Yj: what? (pero may feeling na talaga ako na si EllaB ang sasabihin niya). pano mo nalaman na inlove din siya sayo?
Gilbeys: napag usapan namin one time. magkatext kami. kaya lang, magulo pa. nasa relasyon ako, may bf din siya. ayoko makasakit.
Yj: at least rational ka pa palang mag-isip. tama yan, dapat lang na walang masaktan(tama nang ako nalang). at sige, kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako. pero huwag kang hihingi ng advice dahil wala akong ibibigay. makikinig lang ako kung gusto mo ng kausap. ok....
Gilbeys: thanks
sabay nagtext ang EllaB, nagyayayang mag DVD hunting sa Quiapo bukas. umoo naman ako. sa isip-isip ko, ang suwerte mo girl, nainlove sayo si Gilbeys ng wala kang kaeffort effort.... sheeet palagay kaya akong dede? yung singlaki ng avocado, pero utong palang yun? sheeeeeeet talaga....
Okay so Huwebes(102408) na. nagkita kami ni EllaB sa jollibee sa Mendiola. kasama namin kuya niya sa Quiapo. mega ask ang loka kung bakit ako mukhang puyat na puyat. sabi ko nagbasa ako ng blogs. at kakulitan si Gilbeys sa text. hindi narin naman siya nagtanong kung anong pinag-usapan namin ni boylet. sinabi lang niya na sila rin daw, inumaga sa pagtetext. hindi narin ako nagtanong kung ano pinagusapan nila. baka umamin din ang bilat, at wala pa ako sa mood makinig sa mga ganyang eksena. si EllaB ang isa sa mga pinakapaborito kong TL girls. kalog, prangka, at hindi mapagpanggap. pag kami ang nagsasama, talagang walang dull moments. lahat yata ng bagay eh nagagawa naming katawa tawa. bumalik kami sa mendiola para kumain sa mcdonalds pagkatapos ng mga isa't kalahating oras na paghahanap ng mga piniratang DVD na hindi ko naman talaga binibili dahil ayoko nga sa mga peke, pero anong magagawa ko, gusto ko ng mapanood ang usap-usapan nilang Gossip Girl churvah! Ok lang naman sakin na hindi ako makarelate pag pinag uusapan nila yun, kaso nakita ko si Chase Crawford sa cover ng Vman, at nalaman kong isa siya sa mga boylets sa Gossip Girl kaya nagkainteres narin ako. dumiretso kami sa bahay nina EllaB dahil may ipapahiram daw siya sa aking mga DVD. alastres na yata nang makarating ako sa bahay. kakahiga ko palang sa sofa sa sobrang pagod ng magtext si NJ, nagyayayang manood ng sine sa Robplace, Strangers daw. kasama daw niya ang TL girl na si Cinder, na nuknukan ng libog (walang halong pangungutya yan mga ate, malibog talaga ang bilat). pagkatapos ng mahabang pilitan, bihis nanaman ako at fly ng ermita. dahil hindi ko inabutan ang oras ng Strangers, MaxPayne ang pinanood namin. at least this time, nawala na ang mga pantasya ko kay NJ, dahil back to normal na kami. may kasama na kaming iba, at hindi na mistulang date ang labas na ito. kain kami sa pizzahut pagkatapos ng movie at umuwi na pagkatapos. kahit pagod na ako pagdating sa bahay, hindi rin agad ako nakatulog. kaya sinimulan ko ng panoorin ang mga DVD na hiniram ko kay EllaB. sinimulan ko ang season three ng Desperate Housewives. nakaka tatlong episode na ako ng magtext si Mac, nagyayayang uminom. madaling araw na, inom? d na ako nagreply, pretend nalang na walang load, wala parin ako sa mood magpakantot!!!
1 comment:
bongga...
kinabog ang lola...
sino bang ella b na iyan..
kaka-hurt naman.
lolz.
Post a Comment