Pages

Thursday, November 20, 2008

Kailangan ko ng bumitaw.....


“Kung hindi mo mahal ang isang tao, huwag ka ng magpakita ng motibo para mahalin ka niya.”- Bob Ong


Kelan ka ba matututo? Kelan ka ba magtatanda? Parang nakalimutan mo na ang mga pinagdaanan mo ng minsan kang magmahal ng kaibigan. Naaalala mo ba si PB? Oo, iba ang kuwento pero may pagkakatulad sila ni NJ. Pareho silang straight, TUWID sa tagalog. Kaya suicide yan bakla! Suicide na mainlab ka kay NJ!!!

Kahapon, Miyerkules(nov19) maagang natapos ang klase ko. Alas-dos ng hapon ng maiwan kami ni NJ sa T-spot. Buong maghapon kong hindi nakita si Cinder sa school. Panay ang landi ko kay NJ. Yakap. Bulong sa tenga. Himas sa hita. Pisil sa braso. Kesehodang bawal ang PDA sa campus, walang takot ang bayot mahuli ng guwardiya. Uuwi na sana ako ng magyaya si NJ sa dorm nila. Lakad kami sa loob Malacanang. May mga tiangge ngayon dun, hanggang Nov29 daw. Ang daming paninda. Tumingin-tingin kami ni NJ, may magandang Hello-Kitty wall clock, 200 pesos daw. Maharlika. Pero may bawas pa ayon sa tindera. Balikan ko nalang po. Nasalubong namin si Cinder, papasok palang ng school. Wala pala siyang klase pag miyerkules ng umaga. Napansin kong hindi sila masyadong nag-usap ni NJ. Baka hindi pa sila nagkakaayos mula ng mahuli ni NJ na nakipag-date si Cinder sa manliligaw niyang si Glen. Pagdating namin sa dorm, higa kami sa futon. Tutok sa amin ang electric fan. Naisipan ni NJ magsalpak ng DVD, Matrix Reloaded. Ilang ulit na niyang napanood, pero gustong-gusto niyang inuulit. Hindi ko alam kung bakit. Kung bakla lang siya madaling sagutin iyon. Heleeeer, Keanu Reeves. Umupo siya sa futon, nakasandal ang likod sa dingding. Umupo ako sa tabi niya. Ang ulo ko sa balikat niya. Ang kanang kamay, nakayakap sa bewang niya. Mukha naman siyang kumportable. Ayoko ng pelikula kaya nagpokus nalang ako sa paglalambing sa kanya. Nilaro ko ang dibdib niya. Hinahagod. Pinasok ko ang kamay ko sa ilalim ng polo shirt niya. Hindi siya kumilos. Nilaro ko ang pusod niya. Nakiliti. Humagikhik. Nilaro ko ang kanang utong niya. Kaliwa. Balik sa pusod. Bumulong ako kay NJ, “maglaro nalang tayo.” Humagalpak siya ng tawa. “Wala akong sofa,” sagot niya. Tumawa na rin ako. Joke kasi yun na matagal na naming pinagpasahan sa text.

May dalawang lalake na nakaupo sa sofa. Bored na bored.
Guy1: laro tayo pare taguan. Pumikit ka at magtatago ako. Pag nahanap mo ako chuchupain kita.
Guy2: pano kung hindi kita mahanap?
Guy1: wag kang tanga. Dito lang ako sa likod ng sofa.


“May pintuan naman eh,” sabi ko. Lalo siyang tumawa. Sa pagkakataong ito, inisip kong ok lang kay NJ kung medyo mag-lelevel up ako ng konti. Pinatong ko ang kamay ko sa pagitan ng mga hita niya. Tiningnan niya ako, “anong ginagawa mo?” Seryoso yung mukha niya. Hindi naman nakasimangot. Galit kaya? “Okay, I’ll stop.” Binalik ko ang kamay ko sa pagkakayakap sa bewang niya. Nag-hang ang DVD. Tumayo siya at pinalitan. Sinalpak niya yung binili niya sa Divisoria nung Lunes. Trainspotting. Nasa Japan pa ako nung mapanood ko ang pelikula. Pero gusto ko dahil makulit, at nakakatawa. Pinapakiramdaman ko si NJ, pagkatapos niyang i-play, bumalik siya sa tabi ko. Inakbayan niya ako. Hindi siya galit. Niyakap ko ulit siya. At kasabay ng yakap na iyon ang pagtanggap ko na hanggang dito lang ang magiging pisikal na relasyon namin, bilang magkaibigan. Ngayon alam ko na. Mahal niya ako, pero hindi sa paraan na gusto ko. Lahat ng pinapakita niyang paglalambing, iyon ay dahil likas sa kanya yun. Mali lang ang interpretasyon ko. Komportable lang siya sa mga gaya ko. At hindi ko dapat abusuhin yun. Dapat nga magpasalamat ako, dahil may mga lalakeng gaya niya. Lalo tuloy lumalim ang paghanga ko sa kanya. Kung ibang lalake to, baka boogie wonderland ang inabot ko. Sheeeeeeeeet. Natapos ang pelikula ng hindi siya umaalis sa tabi ko. At pag may mga special moments sa pelikula, lalong humihigpit ang akbay niya sa akin. Tumayo kami. Kinuha ang mga gamit niyang dadalhin sa Paranaque. Uuwi siya. palabas na kami nang dumating si Cinder. Tinanong ko kung ok lang siyang matutulog mag-isa. Ok lang daw. Humalik si NJ kay Cinder bago lumabas. Humalik ako kay Cinder, at nagpaalam. Naglakad kami ni NJ hanggang sa Nagtahan kung saan kami naghiwalay.


Kanina, alas-tres na ng matapos ang klase ko. May mga breaks ako in between classes at nakailang balik ako sa T-spot. Pero buong maghapon kong hindi nakita si NJ. Paranoid ako bigla. Hindi kaya umiiwas siya dahil sa nangyari kahapon? Sheeeeeeeet. Tinanong ko si Honey kung nakita niya si NJ. Hindi rin daw. Pero pumasok daw siya, nakita daw ni EllaB sa T-spot. Okay at least pumunta pala siya sa T-spot. Na-empty bat pa naman ako. Dahil nasa klase yung iba, pumunta kami ng SM Centerpoint. Si Honey, Asia at ako. Kain sa food court. May dumating na boylet, friend daw ni Asia. Pero bago dumating ang boylet, sinabihan niya ako na wag babanggitin ang name ng jowa niya. Hmmmmmm kaloka. may ginagawa kayang kababalaghan ang fotah? Hindi kaya ang boylet na ito yung kinukwento niya dati na dreamboy niya sa probinsiya nila? Pagkatapos naming kumain, humiwalay na ang Asia at ang boylet. Nagbayad lang ako ng PLDT bill at saka kami naghiwalay ni Honey. Babalik daw siya sa school, rarampa.

Pagdating ko ng bahay, charge agad ang cellphone. Text kay NJ.
“I didn’t see you the whole day. Are you okay.”
“Um, yup,” sagot niya.

Okay. Kala ko kasi…..

Tama si Luis. Kailangan kong alamin kung ano yung makabubuti para sa akin, at yung makabubuti narin para sa buong TL. Kailangan kong pag-aralan kung pano mahalin si NJ, gaya ng pagmamahal niya sa akin. Walang labis, walang kulang. Pagmamahal ng isang kaibigan.

artworks by Steve Walker

1 comment:

Anonymous said...

ace here. sis, a simple advice: "LOVE IS ALWAYS OPEN ARMS. IF YOU CLOSE YOUR ARMS ABOUT LOVE YOU WILL FIND THAT YOU ARE LEFT HOLDING ONLY YOURSELF.- Leo Buscaglia"