Pages

Thursday, November 27, 2008

Volleyball Kiyeme......at si Jose

Wala kaming PE prof kahapon(wed,nov26). Pero dahil nagbihis na kami ng PE uniform at nakakapagod umakyat sa TechCenter gym, sinulit na namin. Naglaro kami ng volleyball. Hindi talaga ako marunong maglaro, kiyemeng laro lang. Si BBB kasi kalaro namin at miyembro siya ng varsity. Kaya tinuturuan niya kami. Ang higad at baklang-bakla sa napakaiksing shorts na suot. Pero sa ganitong pagkakataon mas malakas ang pagnanasa ko sa kanya kesa kay NJ. Kasi naman napaka-manly ng legs ni BBB. Eh, yun pa naman weakness ko, boylet na maganda ang binti. Umabot din ng isang oras ang kiyemeng laro namin. Nasa major class na ako ng mapansin kong namamaga at medyo makirot ang kanang kamay ko. Uuwi na sana ako agad dahil sa dami ng dala kong gamit at sa sakit ng kamay ko. Kaso may meeting pala kami ni Maine sa Religion Department ng 3pm kaya naghintay pa ako sa T-spot. Kaso nacancel din yung meeting kaya umuwi na ako. Iniwan ko yung ibang TL na nakatambay sa T-spot. Inabutan ko si lola na nanonood ng kanyang mga paboritong telenobela. Kapuso si lola kaya deadma ako sa mga palabas. Diretso ako sa kuwarto. Dahil sa pagod, nakatulog ako. Gabi na ng gisingin ako ni lola para kumain ng hapunan. Dumating na rin sisteret ko galing school. Gumagawa siya ng project. Naalala ko yung isang assignment ko sa educ. Sumabay ako sa paggawa sa kanya. Pinakialaman ko yung mga colored sand at stones, mga sequins at glitter glue. Nang matapos ang assignment ko, d maipagkakaila, bakla ang gumawa. Dahil wala na si Ram sa PFF, si Jose na ang bagong bet ko.

Kanina(thur,nov27), maaga palang nagpapakiramdaman na ang mga TL sa pinaplanong bonding ni Puff. Kagabi pa text ng text ang loka kung sino ang gustong uminom. At dalawa lang yata ang nagconfirm. Alas-dos na ng magkaisa na next time nalang ang nomo. Dahil poverty ang karamihan. As usual nagkayayaan kina NJ para tumambay. Nagpabili ako sa kanya ng bibingka ng dumaan kami sa flea market. Sina Asia at Honey bumili ng puto bombom (o bongbong? d ko parin alam). Dumaan din kami sa St.Jude para kumain ng kwek-kwek. Tinuloy lang ni Honey yung hindi niya natapos na Centerstage nung isang araw. Deadma naman si Asia, watch din lang siya. As usual nasa isang sulok lang kami ni NJ. Landian. Pauwi na kami nung dumating si Cinder dala-dala ang anak niya. Pak-ap agad ang byuti namin nina Honey at Asia. Goodlak kay NJ sa pag-aalaga.

2 comments:

Luis Batchoy said...

its puto bumbong

Anonymous said...

MAY ANAK NA SI CINDER? ILANG TAON LANG BA UN?