Pages

Sunday, March 22, 2009

Salamat....


Friday (March 20 2009)… Pigang-piga ang utak ko. Lahat ng exam ko, tatlong majors, religion na feeling major, at SocArts, nagsabay-sabay. Pero by 2:30 tapos na lahat. Tambay na kami sa Tspot. Waiting for my honey. Habang naghihintay ng ibang TLs, nagyosi muna kami ni Puff sa labas ng school. Napag-usapan ang lagay namin ni NJ, at ng lagay namin ni AG at ang kagustuhan niyang subukan namin ulit.

"Mare, bakit d mo subukang bigyan ng pagkakataon ulit si AG kesa naghihintay ka sa wala kay NJ?" tanong niya.

"At kung magiging kami ni AG, how long bago niya maisipang mag=settle down, nasa edad na kami na yan ang pinag-iisipan...." sagot ko.
"Ang sa akin lang naman, si AG, bigas na yan, isasaing mo nalang at ma-eenjoy mo na. Si NJ, binhi palang, mag-aararo ka pa, magtatanim, maghihintay maging palay, at sa kalaunan, d ka pa sigurado kung magiging maganda ang ani mo."

At sinong mag-aakala na may pagka-makata ang babaeng dragona? Napaisip tuloy ako. Dumiretso na ng uwi si Puff, susubukan daw niyans sumunod sa bahay later.
Sa bahay ang venue ng celebration ng last day ng second sem. Balak talaga namin na sandali lang, tutal maaga kaming magsisimula. By 3:30 fly na kami sa savemore sa Nagtahan. Asia, BBB, NJ at ako. Yung madali lang lutuin, chicken and pork adobo. Mga chichiria. Food trip nanaman itoh. Nung nagcelebrate kami ng last day ng first sem, sosyalan. Absolut citron at chivas regal ang nomo. Ngayon, dahil purita mirasol kaming lahat, granma. Mga present:

Maine
LA
Asia
EllaB
Honey
BBB
Gilbeys
Bernard
NJ
Yj

Guest of honors:

Sarah (Girlfriend ni Gilbeys)
Bart (Boyfriend ni EllaB)

Hindi na nakasunod sina Puff, RJ, Jhay at ang bayot na si Lou.

Unang pinaikot ang isang litro ng granma. Walang kamatayang icedtea ang chaser. Habang nag-iinuman mega reminisce sa mga kalokohan sa nagdaang sem. Binuksan ni Maine ang celebration with her opening remarks. Yes, may ganun. Siempre pa gustuhin man naming iwaksi ang ala-ala ni Cinder, naging bahagi parin siya ng buhay namin. Kaya naman ang Gilbeys may naisip na kalokohan. Binuksan ang video, hinila ang mga powerpuff girls.

“Ikaw kunyari si Cinder,” utos niya kay Asia.

Hinila niya si Bernard at “Ikaw naman si NJ.”

“Magkakaroon tayo ng reincarnation ng unang inuman natin,” excited na sabi ni Gilbeys. Natawa kaming lahat.

“Tang ina mo, re-enactment!!! Anong reincarnation?” sabi ko.

“Ay oo nga pala,” sagot niyang napapakamot ng ulo. Natatawa lang naman ang super shutiful niyang jowa na si Sarah na medyo nahihiya pa dahil first time niya kaming nakasama.

Ayun na nga, sa gitna ng inuman, nagkulitan. Pagkatapos ng mahaba-habang re-enactment ng kung ano-anong naaalala namin, naglagay kami ng upuan sa gitna ng living room at bawat isang miyembro eh uupo, at sasagutin ang tanong na, “What’s the best thing about being a TL.”

Kanya kanya kami ng drama. Kanya kanya ng moment… kanya kanyang pasasalamat sa bawat isa.

“The world fears time. But time fears TL. For the bond of our friendship will stand the test of time. It will linger long after the pyramids of Egypt had vanished, and the great wall of china is no longer great. Thank You my TL family. I love you so much guys.!!!”

Kulitan Pics....




wet na wet hahahaha


honey ko...



Nipple play with BBB... hahaha char lang

"Yj, please don't leave me...."




Nagkasayawan. Paulit-ulit ang awit kong tumutugtog sa bagong biling ipod ni NJ na nakasalpak sa altec lansing na speaker ko.

I never thought that I'd fall in love, love, love
Because I can't sleep til you're next to me
No I can't live without you no more
Oh I stay up til you're next to me
Til this house feels like it did before
Feels like insomnia ah ah,
Feels like insomnia ah ah,
Feels like insomnia ah ah,
Feels like insomnia ah ah...


Akmang-akma ang song sa nararamdaman ko ngayon. Siempre hindi mawawala ang mga pasabog na pictorials. Naunang umuwi sina Gilbeys at Sarah. Nang maubos ang isang litro ng granma, nagkayayaang magswimming sa baba. More kulitan. Si Bernard lasing na lasing na. Ang ingay ng damuho. Dahil may hyper sensitivity reaction ako to just about anything, hindi ako makapag swimming dahil hindi nga ako pwedeng mababad sa tubig ng matagal. Kami nalang nina EllaB at Bart ang kumuha ng pictures sa mga nakalusong sa tubig. Umuwi sina EllaB at Bart dahil naghihintay na ang mudra ng bilat. Si Honey, nagbihis din after about half an hour dahil babalik pa siya sa ospital. Hinatid nina BBB at Nj si Honey. Naiwan naman ako with Bernard, Asia at LA, na enjoy na enjoy sa pagbababad at pagpictorials. Mga feeling FHM models ang mga bilatsing. Bihis na kaming lahat ng dumating sina BBB at NJ dala-dala ang isang bucket ng chicken joy na pinabili ko. Kumain muna kami bago sinimulang itagay ang natirang isa pang bote ng granma. Apat nalang kaming umiinom. Kami ni NJ at yung dalawang bilat. Ewan ko kung bakit nag-iinarte nanaman ang BBB at ayaw uminom. Si Bernard natulog muna. Pagkaubos ng granma, hinatid namin ni NJ sa labasan yung mga girls. Dumiretso kami sa convenience store para bumili ng dalawang redhorse mucho. Alas kuwatro na ng umaga, si BBB tulog na sa kuwarto ko. Si Bernard nagising at nanood ng mga kalibugan sa net. Kaming dalawa nalang ni NJ ang uminom at nag-usap. Kung ano ang pakiramdam niya na lumaking wala sa piling ng tunay na ama. Kung ano ang pakiramdam ko na lumaki ng wala sa piling ng parehong magulang. Mga plano niya in case na sa kanya nga ang dinadala ni Cinder. Marami kaming napag-usapan. Hanggang sa mapunta kami sa lagay ng relasyon namin…

“Is it wrong for me to think that there is something going on between us already implied but not stated?” tanong ko.

Tumingin siya sa akin, ngumiti, “NO…”

Kung ano man ang mga sumunod na linya sa usapan at kung pano nangyari, gusto ko munang sarilinin. Balang araw, isusulat ko din dito at ng malaman niyo kung gano kaganda ang moment na yun. Basta ang masasabi ko lang, kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng droga sa mga bansa sa latin amerika, hindi kayang pantayan ang “HIGH” na nararamdaman ko ngayon. At hindi na binhi lang ng palay si NJ. Hindi rin bigas. Yang chow na.... hahahahaha. Char lang.

Sa lahat ng mga sumuporta sa akin at kay NJ…. Powerpuff girls, buong TL family, Melo, Ace, Luis, Aris, sa lahat ng mga nagbabasa ng blog na ito (kahit d kayo karamihan hehehehe), sa mga kinilig, sa mga naaasar na dahil puro tungkol kay NJ ang sinusulat ko, SALAMAT NG MARAMI sa inyo.

NJ, honey ko, I know you hate promises, so I won’t promise you this, pero makakaasa ka na gagawin ko… KAHIT KAILAN, KAHIT ANONG MANGYARI, HINDING HINDI KITA IIWAN. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA. MAHAL NA MAHAL KITA. SALAMAT SA PGBIBIGAY MO SA AKIN NG PAGKAKATAONG MARAMDAMAN ULIT KUNG PANO MAGING MASAYA AT KUNG PANO MAGING MALAYA. MARAMING SALAMAT SAYO NJ, HONEY KO.




Saturday, March 21, 2009

In Four Days....








Eat Fresh!!!

Monday ( March 16)… nagsayang lang ako ng uniform at pamasahe dahil wala rin naman akong napasukan. Late ako sa PhySci kaya d ako nakapag quiz. Tapos wala kaming SocArts… kaya naman maghapong nakatambay sa Tspot. Okay lang dahil puro naman kulitan kaya masaya. Masama nga lang ang pakiramdam ko. Buti nalang at magaling na si NJ. Before going home, nagkayayaan na pumunta sa paborito naming kainan ng pansit. Basta malapit yun sa Metropolitan Medical Center. Kung saan naka-confine ang mommy ni Honey for the last three weeks dahil nacoma. Hinatid kami ni Honey sa pansitan at saka dumiretso sa ospital. Si Asia, NJ at ako. Kulitan habang kumakain ng napakasarap na pansit na sinabawan ng halo-halong chili, sweet n sour, oyster at peanut sauce. Sinubukan din namin ang iba’t ibang toppings. Nagustuhan ko yung stuffed tofu. Yummy. Nag-FX na kami ni NJ pauwi.

Si Maine namiss yata ang pasabugan ng inbox kaya nagpasimulang magvolt in nanaman sa GM. Topic namin kung sino ang boto na maging kami ni NJ. Sinabi ko naman na kapag naging kami, hindi ko ipagdadamot ang oblique body ng honey ko sa kanila. Siempre pa nanguna ang mga powerpuff girls sa pagboto ng Yes. Si LA ang may pinakamakulit na text:

“Sabi nga nila ang tama ay mananatiling tama kahit wala ng gumagawa nito. At ang mali ay mananatiling mali kahit ginagawa na ng lahat ng tao. Anu’t ano pa man, ang mali ay gagawin nating tama para kay Yj. hahahaha sorry NJ pero kailangan muna kitang isakpripisyo.”

Hanggang sa bago kami matulog, tuloy ang pasabugan ng inbox. Somehow napaka-uncomfortable ng gabi. Si NJ sinisipon parin at masakit ang lalamunan. Ako din sobrang inuubo. Kaya sometime during the night para kaming nagcocontest sa pag-ubo. Nakakaloka.

Tuesday (March 17)… iniwan ko si NJ na natutulog pa. Pasok ako sa school. Dun na kami nagkita during breaktime. Dahil masama ang pakiramdam ko, umuwi agad ako after Creative Writing. Si NJ nagpractice nanaman for the play dahil pasok sila sa final selection ng ipepresent sa March 24 sa school auditorium. Gusto ko mang matulog ng maaga, hinintay ko parin si NJ. Pasado alas diyes na ng dumating siya. Sinundo ko siya sa gate. May inabot siya akin, limang pirasong yosi na nakalagay sa plastic wrapper ng yosi box.

“Ano to?” tanong ko.

“Para sayo,” ngiti siya, “pasalubong.” Simpleng bagay lang at ang babaw pero tunaw na tunaw na ang puso ko sa mga sandaling yun.

“Nagkayayaan mag-inuman eh. Kaya ngayon lang ako,” paliwanag niya habang nasa elevator kami. Niyakap ko nalang siya.

Dahil sobrang init ko na dahil sa trangkaso, yakap yakap niya ako ng mahigpit buong magdamag. Kinaumagahan, bumaba na ang lagnat ko. Sabi nga ni Asia epektib daw talaga ang yakapsul. Ang corny hehehehe.

Wednesday (March 18)…. Tumamabay ako sa Tspot hanggang four pm. Si NJ umuwi ng maaga. By four, akyat na ako sa major class nina Maine kung saan gaganapin ang surprise birthday churvah para sa mga TL girls na sina Asia at Vee. Dahil sa kagustuhan ni Maine, isinama si Cinder. Ayun, pagkauwi ko, halos maglabo-labo pala sila dun ng mag-away away dahil sa isa sa mga friendly friends ni Cinder ngayon eh nagsabing plinaplastik pa daw namin siya. Kinaumagahan ko na nalaman dahil pag-uwi ko ng bahay, mga 6pm, hilata agad ako sa kama. Nagising ako alas sais na ng umaga. Kaloka. 12 hours na comatose ang byuti kez.









Yj, birthday girls Asia and EllaB, LA, and Maine...


Thursday (March 19)…. Demo day ni BBB. Ang saya, at ang guwapo guwapo niyang pre school teacher. Kahit inaasar siya ng mga powerpuffs na mukha daw siyang DI ng ballroom dahil sa suot niyang shirt. Dami-dami niyang mga visuals at teaching materials. Si NJ naki seat-in, at nagging pupil kunyari ni BBB. Panay ang kulitan naming mga TLs. Kinukulit at pilit dinidistract si BBB. Hahahaha. Kaso pokus ang gagoh. Karir kung karir ang kanyang demo. Tinuruan niya kami ng cat clap, dog clap, darna clap at kung anik anik pang kabaklaaan. Dapat pag teacher na siya, magturo siya sa preschool ng mga batang bayotela. Puro kabaklaan ang laman ng demo niya. Gusto kong tumambling!










honey ko doing the dog clap... baw wa waw...


Maaga palang plano na naming mag robplace. Kaso hindi nakasama ang honey ko dahil sa pesteng practice nanaman na yan. Kaya kami nalang ni Asia ang pumunta. Bumili muna kami ng damit niya then fly ng coffee bean para maglunod sa kanilang uber-splendid na ice blended churva. Nakita namin si Ahm dun, manliligaw at kababata ni Maine na ilang beses na rin naming nakasama. Kasama niya ang kanyang pinsan na bilatsing na nagtatrabaho sa rob. Break time lang yata ng girl kaya nung bumalik sa trabaho, nakipag chikahan sa amin si Ahm. Makulit pala ang loko. Mega share niya sa amin na yung pinsan daw niya eh may malaking problema. Yung asawa daw eh nahuling nanlalalake. Yeiz, bayot pala ang napangasawa ng lola. Nakakaloka. Then mega kuwento ang Ahm sa mga eksena nila ni Maine nung mga bata pa sila sa Aklan. Makuwento si Ahm at masarap kausap. Cool na cool pa. Ang dami kong natutunan sa mga kuwento niya. Bago pa namin napansin alas-sais na pala ng gabi. Dumaan lang kami ng powerbooks at naghiwa-hiwalay na.











ako at ang guapo at makulit na si Ahm...

Thursday, March 19, 2009

Minsan Minsan Lang To....

Saturday (March 14)…. Around 8pm ko na nasundo ang birthday girl na si MX. Diretso kami ng columns sa tapat ng RCBC plaza kung saan gaganapin ang birthday niya at ang baby shower ng kanyang pinsan na si MNT. Pagsakay na pagsakay ng bilat sa taxi, naglitanya na.

“Girl, baby shower lang ngayon. Si cuz, hindi napa schedule yung paggamit sa pool para sa party ko. Nagkaroon ng misunderstanding. Kaya bukas na ang party ko sa rooftop ng condo nina R (workmate niya).”

“Okay… pero eto, giblab ko na ang gift mo,” sabay abot ng paper bag. Binasa niya ang nakasulat sa maliit na card.

Happy Birthday sis…. Love, NJ and Yj

“Wow naman. Thank you. Mamaya ko na buksan. Nasan nga pala honey mo?” tanong ni MX.

“Hay naku… may sakit. Trinangkaso sa sobrang pagod…” at namiss ko bigla ang honey ko. Sana gumaling siya agad.

“Ang libog mo kasi…”

“Gagah. Dahil sa kapapractice para dun sa play nila. Teka nga, bakit sa columns na magpaparty si MNT? Kala ko ba tinakwil siya?”

“Okay na. Pinabalik na siya… matiiis ba ng magulang ang anak?”

Napangiti ako. Masaya ako sa narinig ko. Kasi naman ganito yun. Si MNT ang babaeng kaiinggitan ng marami. Graduate ng LaSalle. Mayaman, nuknukan. Siya na nga ang nagmamanage ng kanilang family business na may headquarters sa isang pamosong building sa Makati. May bahay at lupa na, may condo pa. At kabibili lang ng isa pag condo unit. Maganda. Lahat lahat nasa kanya na. Hanggang sa mabuntis. Sa edad niyang 32, ikakatuwa ng sino mang magulang ang sitwasyon lalo pa’t sabik din sa apo ang mga ito. Pero may problema. Problema talaga kung galing ka sa pamilyang gaya ng meron siya. Hamak na guwardiya ang nakabuntis sa lola. Ayun, pinalayas sa bahay. Tinakwil. Sinabihang matatanggalan ng mana. Tinanggalan ng posisyon sa kumpanya. Ang bagong biling condo, pina-hold ng tatay niya. Nakakaloka. Biglang bagsak sa lupa ang isang de-pakpak na diyosa. For the last seven months, according to MX ay tumira ang MNT sa piling ng kanyang jowang guwardiya in a tiny winy apartment. Pero impernez, hindi nagreklamo ang lola niyo at mega adjust kung adjust sa simpleng buhay ang drama niya. Mahirap isipin pero feeling ko yun na ang tinatawag nilang wagas na pag-ibig. Yung handa kang isakripisyo ang lahat para sa taong minamahal mo. Pero siyempre pa para sa mga kapamilya niya gaya ng malditang friend ko na si MX na hindi matanggap ang sinapit ng pinsan, isang malaking kalokohan at katangahan ang ginawa ni MNT.

Katangahan o hindi, masaya ako na tinanggap na siyang muli ng kanyang pamilya. At sureness na babalik na siya sa pagiging presidente ng kumpanya oras na makapagsilang siya ng kanyang baby. Pero wala daw magaganap na kasalan ayon sa mga usap-usapan ng mga miyembro de pamilya at friendly friends na present sa baby shower. Kami ni MX dedz nalang at wa kiyemz. Enjoy nalang namin ang city lights below habang take ng mga pasabog na moktyur.

Dumating sa wakas ang Pot. Miss na miss ko ang bruha. D ko na kasi siya nakita mula ng magresign ako sa pinagtrabahuhan namin. Puro text lang. Ito ang babaeng talaga namang nuknukan ng kulit.

“Nagbabadminton pa ba kayo?” bungad na tanong ko kay Pot.

“Oo naman mare…. Lingo –linggo.”

“Eh bakit parang walang nababawas sa taba mo?” pang-aasar ko.

“Tangina mo naman eh…. Pumayat na ako noh.” Sabay tawa.

“Echos lang sister….. ang seksi mo nga ngayon….” Bawi ko sabay halik sa pisngi niyang lagi mong nakikitang pinipisil sa commercial ng pampers. Parang puwet ng bata…. Sa tambok at kinis hehehehe.

Maghahating gabi na rin nung magpaalam kami. Nagkayayaan magkape. Minsan na nga lang naman kami magkita-kita, i-todo na. Habang naghihintay kami ng taxi…..

“Oh bakit tayo magtataxi? Kala ko may dalang sasakyan si Yj?” tanong ni Pot.

Biglang humagalpak ng tawa si MX. Ang putah at matagal na pala siyang nag press release kay Pot na nag buyla ako ng karamba.

“Ayan oh. Hellboy!!!” sabi ni MX sabay turo sa sapatos ko.

“Tangna ka talaga… topak ka ngah!!! Naniwala ako dun ha…” si Pot na natawa na rin.

Heller naman. Utang na loob. Wala akong pambili ng sasakyan. At takot ako sa manibela. Hindi ako marunong magdrive. Ayoko talagang mag-aral. Kaya kailangan kong yumaman ng todo para magkaroon ng sariling sasakyan at dahil kailangan ko rin ng pambayad sa driver. Unless magkatuluyan kami ni NJ at siya na magiging driver ko habambuhay. Hehehehehe…. Kahit hanggang buwan niya ako ipag-drive… GO!

Anyways…. Ayun at nakakita kami ng picture gallery ng mga local celebs sa greenbelt 5. dahil kasama sina papa Jake at Enchong, moktyur to the max. Inabot kami ng alas-dos ng umaga sa tsismisan over kape at yosi. Siempre pa ang pinag-usapan namin ay ang mga ka-office mates na mahal na mahal naming laiitin. Si Kuto… as in holy dinkydumdum shet, may kuto pa pala ngayon? Akala ko dati super idol lang ng bilat na ito si Madonna at Debbie Gibson back in the 80’s at laging naka tease ang matayog niyang bangs ala Elvis Presley. Pero wag ka super shining shimmering splendid na akala mo ginamitan ng spraynet na punom puno ng glitters. Pero yung spraynet lang pala ang tumama sa akala ko. Dahil yung mga shining shimmering splendid things ay wa pala glitters kundi lisa. As in kuto eggs…. Nakakadiri…..

Isa pa siempre si Nguso… ang baklang laging nakanguso. Ha, anong sinabi ni Diego sa nguso ng baklang toh?! Friendly friends rin naman sana kami nito. Hindi ko lang matagalan ang ugali niyang laging pabida. Lalo na pag break time at kumpulan kami sa yosi area. Kahit hindi niya alam ang pinag-uusapan biglang sisingit yan at mega talak…. Dahil wa relevance ang talak niya sa topic, nganga nalang kami. Kaya mahal lang namin siya pag nasa cubicle na. Lagi kasing tulog….. Katabi ko pa ang potah. Minsan hindi siya pumasok. Tumawag sa bisor namin at nasa ospital daw. Ang gaguh nakagat ng…. of all animals eh PUSA. Tangna, narinig ko nalang sa kwento the next day na dahil daw sa tinapa. Kung pano nangyari? D ko na inalam. Alam ko narin namang dahil sa katangahan.

“Wag ka… wala na siya ngayon sa office. At enjoy na enjoy siya sa bagong trabaho niya somewhere in Ortigas,” pag-a-update ni Pot sakin.

“Ano work niya?” tanong ko.

“Security guard…. Ayun laging tulog ang gaguh. Night shift eh.”

Marami pang kuwento. Hanggang sa mapunta ang usapan sa mga kabalahuraan. Pag nangyayari ito, pak-ap na. Nieta. Balahura na nga kaming lahat, magbabalahuraan pa?

Imperness…. Nag-enjoy ako kahit wala honey ko.

Char lang. Bwah.

Tuesday, March 17, 2009

Puyat bago mag.... Prom Night?

Thursday (March 12)… Maagang nag text sa akin si NJ. Dalhin ko daw ang PE uniform ko. Sinalubong niya ako sa gate ng school. Suot parin niya yung damit na suot niya nang umalis siya kahapon for the commercial shoot.

“Hindi ka pa ba natutulog?” pag-aalala ko. Inangat niya ang kanyang suot na wayfarers. Ang kanyang eyebags, por kilo. Utang na loob.

“Usap tayo mamaya, malelate na ako sa PE,” sabi niya sabay kuha sa paper bag na pinaglagyan ko ng PE uniform kong hiniram niya.

Nagtext bigla sa akin ang girl friend kong si MX – “free your Saturday night. Baby shower ni MNT at birthday celebration ko. Sa columns tayo.”

Nagkita kami ni NJ sa Tspot during breaktime. Pagod na pagod ang honey ko. Dahil nasa house nila sa Paranaque ang isusuot niyang damit for the recognition day sa susunod na araw, dun siya uuwi tonite. Nagpasya nalang kaming pumunta ng robplace para bumili ng damit na isusuot sa columns come Saturday, at para mag-lunch. Sa taxi, kuwentuhan kami tungkol sa experience niya sa commercial. Maaga naman daw natapos ang shoot nung commercial, kaso nag-announce daw sila na magstay yung gustong magstay for the print-ad. Nagstay na daw sila ng caster na si K.

“Magkano naman ibinayad sayo?”

“1700,” natatawa niyang sagot.

“Nagpuyat ka for that? Sana nanahimik ka nalang sa bahay at binigyan kita ng pera,” biro ko sa kanya.

“Ok lang yun. Nahiya naman kasi ako kay K. Tsaka para kunin niya ulit ako pag may ganung raket. Summer pa naman, wala akong gagawin.”

Sa Recipe kami kumain. General’s chicken at mixed seafoods ang pinagdiskitahan namin.

“May sasabihin ako pero huwag mong sasabihin sa iba,” bungad ni NJ habang hinihintay namin ang pagkain.

“What?”

“Si Yj2 nakabuntis din,” at saka siya natawa. Si Yj2 ay yung bestfriend niya sa mga kaklase niya. Kapangalan ko pa. Guapo rin tong lokong toh eh. The konyo type. Chinese-chinesan. Maliit nga lang.

“OMG! Sino nabuntis niya?”

“Taga La Salle… hindi niya girlfriend.”

“Alam ba niya yung tungkol sayo at kay Cinder?” tanong ko.

“Hindi….”

“Ayan… mga gago kayo…. Nag-aaral naman kasi kayo kung bakit tatanga-tanga kayo pagdating jan!!!”

Umismid lang siya….

Pagkakain, diretso kami sa Topman para bumili ng polo shirt. I settled for the light blue na checkered in XS size. Meron din si NJ ng polo shirt nato in dark blue. Yung black sana kukunin ko, pero sabi niya, mukha daw akong sanggano. Then bumili kami ng black slim tie na gagamitin ko bukas. Sa taxi, plakda agad ang mahal ko. Tulog siya ng nakasandal sa dibdib ko habang yakap ko. Ginising ko lang siya ng nasa Lawton na kami, dun kasi siya sasakay ng FX pauwi. Then dumiretso na ako ng school. Late ako sa Creative Writing pero dahil lab na lab ako ng prof ko, ok lang. Tumataginting na flat 1 ang nakuha kong grade for my short story defense. Bungga!!!

Friday (March 13)…. Recognition day na. Maaga ako sa school para mag run ng script. D ko pa actually nakikita ang script kaya wala talaga akong ideya kung pano ako maghohost ng event. Kung bakit kasi nagprisi-prisinta ako eh?! Habang nagpapractice kami ng co-host kong bilat na si M, nagpaalam sakin si NJ. Samahan lang daw niya si Yj2 sa robplace para bumili ng necktie. Ayoko sanang payagan dahil baka malate siya sa recognition pero gusto rin niyang bumili ng bagong belt. Lalo akong napikon dahil nandun na nga kami kahapon d pa niya binili yung belt na gusto niya sa Topman. Pero hindi ko nalang pinahalata. Napaka-sensitive pa naman niya. Kumuha siya sa akin ng isang libo na dadagdagan nalang daw niya. Binigyan ko nalang, papalitan din naman niya.
Master of Ceremonies Yj and M

Nakakaloka, dahil hindi lang pala recognition day itey. May surprise salute to our beloved dean na magreretire na. Kaya naman pati university president, nag-attend. Naloka ako. Lalo akong kinabahan. Peste, basta kung ano nakasulat sa script, yun ang sinunod ko. Walang ad lib ad lib…. Go lang ng go. For a first timer, feeling ko nakapag deliver naman ako ng maayos. Proud na proud kami dahil anim kami from TL ang may award.

Lou – service awardee
BBB – sports awardee
NJ – sports awardee
LA – consistent honor student
Yj – consistent honor student
Maine – consistent honor student (consistent ang lola sa top ng dean’s list)

LA, Maine, Yj and NJ

O d vah… bagay na bagay kami ng honey ko. Siya, smart, guapo, athletic, at yummy. Ako, smart, sexy, fabulous, pretty at SMART ulit hahahaha… although yang pagiging fabulous ko at sexy, hindi galing sakin yan. Si Luis may sabi niyan… minsan lang makatanggap ng bonggang bonggang papuri, wag ng magpahumble hehehehehe. Char lang!

Parang Prom Night Lang Hahahaha

Sina Honey at Asia ang in charge sa personal photo at video coverage namin. After the recognition, bonggang bonggang pictorials ang ginawa namin. Nagmistula pang prom night ang ibang pics namin ng honey ko. Then nagkayayaang kumain. Hindi na kami lumayo, sa KFC nalang sa tapat ng school. Dumating din ang kababata at manliligaw ni Maine na si AHM. Galing daw ng Baguio. Kahit pagod na pagod na, kinailangan parin ni NJ magpractice para sa play nila the following day. Inuwi ko nalang lahat ng gamit niya para wala na siyang masyadong dala.

Pasado alas-dose na ng gabi ng magtext si NJ na pauwi na siya. Inabangan ko siya sa gate. Nang makita ko, parang pinagsakluban ng langit at lupa. Bagsak na bagsak na ang balikat niya sa sobrang pagod. Basang basa pa ng pawis ang damit niya.

“Kumain ka na ba? Iiinit ko yung nilagang baka,” sabi ko habang paakyat ang elevator. Siempre pa yakap ko siya, kahit pawisan, ang bango-bango niya.

“Nalipasan na ako ng gutom eh, papahinga lang ako saglit at maliligo, tulog na tayo.”

Habang pinapatuyo niya ang buhok niya, pinanood namin ang video ng recognition. Panay ang pang-aasar niya sa akin dahil halatang kabado ako. Ang bilis ko palang magsalita. Mabilis pa sa takbo ng kabayong sinilaban ng sili sa puwet. Sabi ko nga sa kanya, hinding hindi na ako uulit mag-emcee. Pakshet na kahihiyan yan. Malamang usap-usapan na ako ng mga inggiterang bading sa ibang course. Hmmmmp. Patulog na kami ng mapasin kong panay ang katikot ni NJ sa nielpon niya.

“Hon, tulog ka na. Mag-aalas dos na oh.”

“Yup. Ito kasing leader namin eh. Gusto alas singko nandun na kami para daw makapag handa at magpractice pa ulit before the play,” reklamo niya.

“Ano? Gago pala siya eh. Madaling araw ka na nga pinauwi, gusto pa niya maaga ka dun? Anong oras ba yung start ng play niyo?” asar-talo kong tanong.

“Seven.”

“Puwes nandun ka na ten minutes before seven, pero hindi 5!!! Huwag magmamaganda yang leader mo dahil makakatikim yan sakin.”

Ilang sandali pa, naghihilik na honey ko. Natulog na rin ako.
***

Saturday (March 14) Alas kuwatro palang naririnig ko ng nagriring ang nielpon ni NJ. Buti nalang at malalim matulog ang kumag. Yung tipong kahit nagkakasunog na at panay ang daan ng maiingay na trak ng bumbero eh hindi talaga magigising. Inabot ko ang nielpon at nilagay sa ilalim ng unan. Manigas yang pesteng leader na yan. Alas sais ko na ginising si NJ. Dahil tulog pa si manang, ako na nagplantsa ng uniform niya habang naliligo siya. Habang nagbibihis, napansin ko na panay ang singhot niya. Ayun, sinisipon na nga. Nakow, pag nagkataon.

Dahil hapon pa ang pasok ko, pinag-usapan nalang namin na uuwi siya ng Paranque after the play at matutulog muna. Sa columns nalang kami magkikita for the birthday and baby shower.

By 12 noon, nakauwi na si NJ sa bahay nila at matutulog daw muna. After NSTP class pumunta kami ni LA sa robplace para bumili ng regalo kay MX at sa baby ni MNT. Nagtext s NJ – “Okay lang ba na hindi ako sumama mamaya, nilalagnat na ako eh.”

Kung pwede ko lang siyang puntahan para ako mismo mag-alaga sa kanya.

“Sige, pahinga ka muna. Pag bumuti pakiramdam mo, sumunod ka nalang, 9pm pa naman yun eh. Kain ka at inom ng gamot.” Reply ko.

“Okay.”
*****
Mga Kulit Pics...

The Editorial Shot




Asia, LA, NJ, Maine, Yj and Honey


Forming Family Ties
Bwah!!!





The Athlete and The Dean's Lister

Monday, March 16, 2009

Coke, Cigarette and the Power Puffs....




Tuesday (March 10)….. May dalawang oras akong bakante bago Creative Writing kung saan ako na nakaschedule sa defense ng sinulat at pinasa naming short stories. Sinamahan ako ni NJ sa hotel ni Luis. Pauwi na sa Iloilo ang aking newfound friendship. Kailangang magbigay pugay bago man lang siya lumipad tungo sa mga bisig ng kanyang minamahal na siyudad. Inabutan namin siyang naninigarilyo at nagmumuni-muni sa kanyang kuwarto. Hhhhhhhhhhhhm nag-iisip kung itutuloy ang pag-uwi. Chikahan portion muna kami. Siempre alam na niya na sa bahay natulog si NJ the night before.

“Pagbalik mo ng Manila, kasal na kami ni NJ,” biro ko.

“Hoy anong kasal? Kailangan nandun ako sa kasal niyo,” pangongorek naman ni Luis. Natatawa lang ang honey ko.

Sinimulan na ni Luis mag-upload ng pics sa kanyang laptop, dala ko kasi ang USB ng camerang ginamit namin sa concert. Si NJ nakahilata sa kama, ako nakahilata sa kanya. Naglalambing. Sanay na si Luis sa amin. Pagkatapos mag-upload ni Luis, browse kami ng ibang mga pics ng kanyang mga kalalakihan, nakikiusyoso lang naman ang honey ko. Hanggang sa maalala ko yung pic ni Luis na napasama sa isang exhibit. Pinagyabang ko kasi kay NJ yun, kaya pinakita namin. Ito yung mega pose ang lola mo sa loob ng isang box in the nude, tapos inedit para silhouette lang ng katawan ang lumabas. Kaya naman mistulang greek god ang drama ng pic. Then naalala ni Luis na may kopya pa pala siya ng mga raw pics. Although nagbababala naman siya na medyo (medyo?) censored ang dating, kaya ok lang. Pinakita sa amin isa-isa ni Luis ang mga ginawa niyang pose sa loob ng box na iyon. At talaga namang buyangyang kung buyangyang ang kanyang kepz, ay nota pala. Hehehehe. Hindi naman talaga malaswa, artistic nga eh. Oha! Kaya lang ang honey ko, mukhang na culture shock na. Sure na, lagi naman siyang nakakakita sa mga bold movies na napapanood niya ng pototoy, pero iba siguro pakiramdam niya na nakikita ang notring ni Luis, dahil kakilala niya ito. Hehehehehe…. Aside from that slight shock in NJ’s eyes, eh mukha namang nag-eenjoy siyang maki-view.

Oist Luis…. Loka-loka, mas nauna pa niyang nasilayan ang kabuuan ng alindog mo kesa sa kabuuan ng balingkinitan kong katawan. Hehehehehe

Then nagbihis na si Luis at fly kami ng robplace para mag-lunch. Forty minutes nalang at start na ng defense ko. Foodcourt kami, pag minamalas ka nga naman, ang daming tao, walang maupuan. Nagkabrasuhan na yung ibang customers. Siempre pa dahil may kalakihan ang kaha ng katawan ni Luis, madali kaming nakakuha ng puwesto. Takot lang nilang makiagaw. Ayun, malungkot kasi uuwi na siya. Tapos binigyan pa niya ako ng fortune plant as a thank you gift. Ito yung maliliit na parang bamboo? Yung cute na halaman. Sabi ni Luis, alagaan ko daw mabuti kasi someday daw mamumunga ito ng lalake. Hahahaha…. Kaya didiligan ko araw-araw para marami siyang bunga balang araw, at bibigyan ko kayo ng bonggang bongga. Dapat lahat tayo tig-isa. Buti nalang nagmamadali kami ni NJ, dahil hinahabol ko nga ang oras. Kung hindi, nakapokus sana ako sa pag-uwi ni Luis at malamang naglulupasay na ako sa iyak. Mamimiss ko kasi ang bruha. Lalo na kakulitan niya.

Nalate ako. Pero okay lang kasi next meeting na daw ang defense. Yes!

So nauna akong umuwi. Sabi ko kay NJ, text nalang siya pag pauwi na siya at susunduin ko siya sa gate. Mag-aalas otso na yata ng magtext siyang pauwi na siya. Akala ko kasi magjijeep or fx siya kaya pumunta pa ako ng kanto para dun siya sunduin. Habang naghihintay ako, tinext ko si Luis. Kinumusta ko ang biyahe niya.

“Namiss ko ang flight ko teh…. Nagpenalty pa ako ng 2k.”

“HA? Asan ka ngayon?” tanong ko.

“Dito galleria. Hinihintay si Charm. Magmemetro-walk kami mamaya.”

Bongga. D nagpaawat ang lola ko. Extend kung extend ang kanyang Manila tour. Hahahahaha

Tapos may humintong taxi sa harap ko, honey ko kasama sina Asia at BBB. Sumakay na ako sa taxi papunta sa amin. Tumambay kami sa poolside. Bumili sina NJ at BBB ng mga chichiria, yosi at isang 1.5 na coke. Walang baso-baso. Straw. Usap kami. Okrayan. Nagpowerpuff meeting pala sila sa jollibee after class. Actually sina Maine, Asia, LA at EllaB lang naman ang powerpuff girls. Kaso lagi lang kasama si BBB kapag may meeting/okrayan/bastusan sila kaya napasama sa grupong PPG itong si BBB kahit boylet siya na may pagkabayot (amoy ko, ayaw lang umamin ng damuho). Minsan nga gusto ko ng budburan ng asin ang loko para lang malaman kung mangingisay siya. Hahahaha….

Ayun, dahil sa kakulitan ni Asia naglaro kami. Lahat ng gusto naming sabihin idadaan sa mga songs…. Banat ako…

“Kung ako nalang sana ang iyong minahal….”

Sagot si NJ… “Bakit ngayon ka lang?... bakit ngayon….”

“Matagal na akong nandito. Hindi mo lang ako napapansin dahil binulag ka ng sarili mong libog….” Pang-aasar ko sa kanya. Natawa lang sina BBB at Asia.

“Eh hindi naman kanta yang sagot mo eh…” sabi ni NJ ng may halong paglalambing.

“Hon mahal mo ako?” tanong ko. Ang Asia at BBB, nanahimik, pokus, pigil ang mga hininga, hinihintay ang sagot ni NJ sa tanong ko.

“Siempre…” sagot niya.

“Yeeeeeeeeeeeeeeeeee-ha!” chorus nung dalawa.

“Gaano mo ako kamahal?” tanong ko parin.

“Hindi ko alam. Basta lab kita…” sabay tingin ng pagkalagkit-lagkit.

Ito na yung pakiramdam na sinasabi ni Santino…. “ANG SARAP SARAP!!!”

Nang medyo nakaramdam ng init, naghubad ng pangitaas si NJ at nag-dive sa pool. Tuloy naman ang chikahan naming tatlong naiwan. Mostly kinukulit nalang ako nina BBB at Asia. Alam kong natutuwa sila para sa akin.

“Ikaw Yj, gaano mo kamahal si NJ?” tanong sa akin ni Asia ng may pakindat kindat pa at ngiting aso.

“Hindi ko rin alam…” seryoso kong sagot.

“Hmmmm dapat alam mo ah!” sundot pa ni Asia.

“Ay naku… tigilan niyo nga ako….” Sabi ko sabay sindi ng bagong yosi.

Hinatid namin sa kanto yung dalawa bago mag-alas dose. Pagpanhik sa bahay, pinaligo ko agad si NJ dahil basa pa ang kanyang boardshorts, baka magkasakit. Okay, I don’t know about you, pero may isang bahagi ng katawan ni NJ na adik na adik ako. Kili-kili niya. Hahahahahaha…. Natulog ako ng nakasuksok ang face ko dun, the whole night. Ang bango-bango kasi eh… ewan ko ba…. Nasisiraan na yata ako ng ulo sa sobrang pagmamahal ko sa damuhong ito.

Kinaumagahan, (Wednesday March 11) nagpaalam sa akin ng maaga si NJ. Susunduin daw siya ni K, isang kaklase niya na kakilala ko rin. Caster kasi itong si K sa mga commercials. At isasama niya si NJ sa commercial na ginagawa para sa isang brand ng alak. Sina Tim Yap, Jake Cuenca at Angelica Panganiban daw ang main endorsers.

“Baka naman paghintayin ka ng pagkatagal-tagal diyan tapos barya lang ibayad sayo ha… bigyan nalang kita ng pera at pumasok ka nalang sa school,” sabi ko.

“Papasok ako sa school, promise. Sandali lang daw to sabi ni K. Tsaka para may pera tayo.”

Ayun… hindi umuwi kinagabihan. The following day ko na nalaman kung bakit. Nagtext ako sa mga PPG….

“Sheeeeeeeeeet sanay na akong matulog ng katabi siya. Hindi ko kayang matulog mag-isa.”

“Tse! Tumigil ka nga…. Para ngayon lang mawawala yung tao eh…” sagot ni EllaB.

Hmmmmmmp hindi man lang ako pagbigyan sa pag-iinarte ko. Natulog na nga lang ako.

Bwahahahahaha……………..
****
Si Asia yang nasa second pic... kuha yan last sem. Noong maisipang mag-inuman at magswimming dito sa bahay.
artwork from steve walker

The first night...






Monday (March 9)… Diretso kami ng Tspot pagkatapos ng SocArts. Inabutan namin si NJ dun. Dahil wala na kaming klase nagkayayaan mag-mall. Saan pa? Robplace. Si LA asar talo, yung ibinayad ni Cinder sa kanyang 500pesos, nawala. May sumpa talaga ang babaeng yun, mantakin mo siya na nga yung may utang, siya pa ang galit magbayad. Nung biyernes kasi na naginarte siya at dinala sa ospital, kay LA siya nangutang ng pampa-ultrasound daw. Dahil nangakong magbabayad kinaumagahan, pinahiram ni LA yung allowance niya for this week. Eh kaso hindi yata nagbayad si Cinder nung Sabado. Sabi ni LA okay lang basta magbayad siya ng Monday para may allowance siya. So kanina nagbayad na nga si Cinder, pinaabot kay Asia.

“Ayan ang 500… baka NAGUGUTOM NA SIYA!” sabi daw ni Cinder kay Asia ng may halong pang aasar. Kaya naman umagang-umaga palang sira na ang araw ni LA. Ayun, nawala pa niya yung pera. CINDER = SALOOOOOOOOOOOOOT!!!

So ending, kaming tatlo lang ang tumuloy sa rob. Asia, NJ at ako. Dumaan muna kami sa dorm ni Asia, magbabayad daw kasi siya. Ewan ko ba sa mga batang to. Gaya nitong si Asia, nagbabayad ng pagkamahal-mahal sa dorm niya, tapos sa jowa naman niyang si Graham siya nakatira most of the time. Nagsasayang lang ng pera.

Yayayain sana naming mag-lunch si Luis pero walang reply ang lola. Baka natutulog pa. Nag-lunch nalang kaming tatlo sa C2. Tinolang binakol, binagoongang lechon kawali, shrimp maruya at bagoong rice. Okay naman lahat ng pagkain maliban sa maruya. Feeling ko, masarap pa pag ako ang gumawa nun. Isa nga lang ang nakain namin sa tatlong maruya, pilitan pa. yung dalawang natira, pinaglaruan nalang ni NJ. Nasabi ko na bang mahilig maglaro ng pagkain yan? At walang nagagawa ang galit ko.

Dahil busog, tumambay muna kami dun. Sarap kasing humilata sa mga upuan nila. Nag moktyur moktyur nalang kami using NJ’s fone. Dahil lagi namang masayang kasama si Asia, panay ang tawa ni NJ. Natutuwa lang naman ako. Nakakalimutan niya problema niya. Nag-ikot muna kami. Tumingin ng puwedeng mabiling damit for the recognition day. Then nagkape nalang sa starbucks. Kuwentuhan. Si Asia nagpapakanerd, gumagawa ng outline ng reviewer using her uber-biggie book na talaga namang pampatulog sa may insomnia. Isang hampasan lang sa ulo at tiyak bagsak ka.

“Nandun kaya sa dorm si Cinder? Ayoko ng umuwi dun…” si NJ.

“Eh d huwag kang umuwi dun. Sa bahay ka nalang muna,” ewan ko kung bakit ko sinabi yan.

“Talaga? Sige…. Pano yung mga gamit ko?”

“Ay naku… kunin mo na mamaya yung pwede mong kunin. Yung iba, ako ng bahala. Hahakutin ko nalang pag wala siya at ilagay ko muna sa kuwarto ni Graham,” si Asia na nakakaloko na ang tingin sa akin.

Dumaan kami sa hotel ni Luis para sana ibigay yung USB ng camera na pinahiram ko sa kanya para makapag-upload agad siya ng pics. Pero d namin siya inabutan. Nakaalis na daw. Nag text siya later at nakipag-meet pala sa friend niyang si Charm. Nag-taxi na kami pauwi ng dorm. Habang nag-iimpake si NJ, nag-upload naman ng mga pics si Asia sa laptop. Pero panay ang tayo at lipat sa kuwarto kung nasan kami para lang mang-asar.

“Hala bilisan niyo. Aabutan kayo ni Cinder dito… d ka na makakaalis NJ,” sabay bubungisngis.

Biglang umulan. Pati yata langit nakikidalamhati na sa mga kamalasang nangyayari sa TLs. Nang tumila ang ulan, dali-dali kaming lumabas. Basta ang usapan, sasabihin ni Asia kay Cinder na umuwi ng Paranaque si NJ. Nag-iwan din ng note si NJ sa nakitang post it na nakakalat dun. Ako pa pinagsusulat niya, pero tinuruan ko nalang siya ng isusulat niya. Heler, alam kaya ni Cinder mga handwriting namin.

“Gone home to Paranaque. I need some time so I could think.” Sabay dikit sa pader.

Paglabas namin ng gate, nagyaya si Asia na sabayan nalang namin siya pabalik ng school at dun nalang daw kami sumakay. Kaso naisip namin na baka makita pa kami ni Cinder kaya naglakad nalang kami patungong Nagtahan. Ayun putang ina. Sa dami ng masasalubong namin, si Cinder pa. Nakita ko na siya eh, malayo palang. Yayayain ko sanang bumalik si NJ kaso nakita na rin niya kami. Lakad kami, ng malapit na kami sa kanya, yumuko na ang bilat.

“Cinder,” bati ni NJ. Huminto naman siya. Pero nakayuko parin. Paawa epek. Best actress talaga ang potah. Sarap sabunutan. Dahil wala ng masabi si NJ at nabibingi na ako sa katahimikan…

“Where have you been?” tanong ko.

“School.”

“How come na galing ka diyan?”

“Sumakay ako kasi ang sakit ng mga paa ko. Hindi ko kayang maglakad,” pa-sweet pa rin ang gagah.

“Okay… see you…” paalam ko.

“Okay…”

At naglakad na ulit kami. Nang medyo makalayo, pinakawalan na ni NJ ang kanina pa niya pinipigilang tawa. Kung minamalas ka nga naman.

Nasa balcony kami, nagyoyosi.

“Tang ina d ko na alam gagawin ko…” si NJ habang pinagmamasdan ang Makati skyline.

“Ikaw kasi eh…. Kung nakinig ka sa amin….”

“Taman na Yj… alam ko na yan… gagoh ako…” halos pabulong nalang ang boses niya.

Niyakap ko siya.

“Sorry… sige na, nandiyan na yan. Huwag na tayong magsisihan,” pang-aalo ko sa kanya.

“Sorry din.”

Nanonood kami ng TV, hinihintay makapagluto si Manang. Nagtext ang Asia.

“Putang ina Yj, si Cinder nagwawala sa kabilang kuwarto. Kung ano-ano binabasag.”

“Sabihin mo na huwag siyang mag-inarte at walang magagawa yan ngayon. Sabihin mo na bigyan niya si NJ ng panahong mag-isip.”

“Sinabi ko na yan. Sagot nga niya, bakit pa daw eh wala namang isip si NJ.”

Nakakapikon ang potah. Bakit siya ba may isip? Nag-isip ba ang potang ina niya nung magdesisyon siyang magpabuntis. Nag-iinarte siya…. Buti sana kung first time niyang mabuntis, eh sanay na sanay naman siya!!!

Ilang minuto ang lumipas. Nag-text si Graham.

“Yj, magpapakamatay si Cinder.”

Potang ina talaga ang babaeng itoooooooooooooooh!!! Tawag ako kay Graham. Si NJ deadma.

“Ano bang eksena nanaman niya?”

“Pagdating ko, binuksan ni Cinder kuwarto nila. Nagbasag siya ng salamin at kumuha ng bubog. Hihiwain niya yung pulso niya. Pinigilan ko.” Kuwento ni Graham.

Alam ko na agad. Kadramahan nga lang niya. kung magpapakamatay ka, hindi ka maghihintay ng audience. Bakit kailangang hintayin pa niyang may dumating sa mga kasambahay niya at kailangang buksan ang pinto para ipakita?

Sinabi ko kay NJ ang kinuwento ni Graham.

“Do you think we should go there?” tanong ko.

“Pag pinuntahan natin ngayon yan, mamimihasa yan. Pabayaan mo siya.” Sagot ni NJ.

Good point. Nang masigurado ni Asia na okay na si Cinder, pinaligo ko na si NJ para makapagpahinga na. Pagkaligo ko, inabutan ko si NJ sa kama, d pa natutulog. Hinintay pala ako. Sheeeeeeeeet pano ako makakatulog nito? Katabi ko siya. Pagkahiga ko sa tabi niya, yumakap agad ako sa kanya. Ang ulo ko sa dibdib niya. Ang braso niya, nakayakap sa balikat ko. Pakiramdam ko binabakuran na niya ako. Shet.

“Good night NJ.”

“Good night Yj.”

Napakadaling dalawin ng antok ni NJ. Ilang minuto lang naghihilik na siya. Pero yung mahinang hilik lang. Yung masarap pakinggan. Nahirapan talaga akong matulog, maya’t maya ang balikwas ko sa kama. Isipin niyo ng weirdo ako pero pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog. Para siyang anghel. Pwomiz.

But somehow, nakatulog ako. Dahil at one point nagising ako. Si NJ nakahiga sa braso ko. Nakayap sa bewang ko. Hinaplos ko yung buhok niya. Isang bagay na hinding hindi ko pagsasawaang gawin. Hinalikan ko siya sa ulo. Naramdaman siguro niya, dahil bigla siyang kumilos. Siniksik niya lalo ang ulo niya sa pagitan ng braso at leeg ko. Hinigpitan niya ang yakap sa akin. Nagmistulang langit ang kama ko sa mga sandaling yun….

Unang gabi pa lang namin yan…… Bwah!

***
Melo, ngayon ka na tumambling hahahaha Char lang!!!
artwork from Steve Walker

Sunday, March 15, 2009

Ang dating starlet... STAR na ngayon!!!



Sunday (March 8)…. Nag attend ako ng NSTP culminating activity. Ang pagtatapos ng isang sem na pagtututor sa mga bata ng Brgy. 598 at 599 sa Sta.Mesa. Masaya ang kabuuan ng program. Sana naintenalize ng mga batang ito lahat ng mga naituro namin sa kanila, higit lalo ang kahalagahan ng edukasyon. Nag GM si NJ sa TLs. Nasa robplace daw siya around 4:30pm.

“I’ll meet you there…” reply ko. Hindi na ako umuwi para magbihis. Dumiretso na ako dun in my college shirt.I met Luis at the foodcourt. Chikahan kami sa mga kaganapan the previous night. Interview ko siya sa mga namiss ko sa lakad nila ni Aris. It turned out na marami pala. Dumating si NJ, at dahil hindi naman kami nagugutom, sinamahan nalang namin si Luis kumain. Then fly kami ng coffee bean. Ice blends at yosi…. Nagpapasama si Luis sa megamall to meet his friend. Kaso house of worship namin ni NJ ang robplace, kaya para kaming mangangaliwa kung pupunta kami sa ibang mall. Hahahaha. May ganyang factor kami….

While having coffee, we can’t help but overhear yung talak ng bilat sa katabi naming mesa…

“Hay naku, ang hirap turuan ng mga elementary…. Buti nalang highschool na tinuturuan ko ngayon,” sabi niya sa mga friends niya.

Ang Luis, bulong sa amin ni NJ. “Gagah, talagang mas bet mo ang mga high school dahil wala kang mahahada sa elementary.” Sabay tawa ng nakakahawa niyang tawa. Pagkaalis ni Luis, nag-ikot na kami ni NJ. We decided to watch The International. Pero dahil may kalahating oras pa kami pumunta muna kaming Topman. Bibili daw ng Dunlop na bag si NJ, yung nakita niya sa MOA kahapon. Yung color gold daw. Ako, mas bet ko yung white and green na kulay.

“Hon ibili mo ako ng bag…. Yung white and green para pareho tayo…” paglalambing ko.

“Sige….” Sagot niya. Yeeeeees!!!!

Kaso nang makita ko yung messenger bag, wala palang zipper. Yung flip-style lang na takip, tapos pag inangat mo, open na siya…. Ayoko!!! Yung bag nalang niya binili niya. Then watch na kami ng movie. Kaloka… ang lalim ng kuwento…. Akala ko pa naman may mga action sequences ala Bourne. Pero wit….. nag enjoy nalang ako sa paglalambing kay NJ sa loob ng sinehan. At some point napapatingin ako sa upuan sa tabi niya, afraid na biglang mag a-appear ang Cinder at sisirain ang moment. Pero wit… ako lang ang kasama niya. Moment ko toh. Ang dating extra, BIDA na ngayon. Sa akin na nakatutok ang lahat ng camera at spotlight. At si NJ ang nag-iisang leading man ko. Kami na ang susunod na blockbuster LOVE TEAM. WALA NG IBA!!!
Naglalakad kami papuntang carpark.

“Hon, magtipid na tayo this week. Mamumulubi na tayo. Dami na nating gastos,” sabi ko.

“Oo nga eh… pero okay lang yan. Masaya naman tayo,” sagot niya. Dahil sarado na ang mall, sa labas na kami naghanap ng kakainan. Nagpark kami sa adriatico circle. Naglalakad-lakad, naghahanap ng pwedeng kainan. Nakakita kami ng grill. Order ng grilled pork chop at gizzard, adobong sitaw at kangkong, at canton-bihon. Tig-isang bote ng san mig light. Although kung ako masusunod, ayoko sana siyang uminom dahil magmamaneho pa siya. Pero isa lang naman… sige na nga.

On the way, pinag-uusapan namin ang nalalapit na recognition day ng college namin. Host ako at awardee for academics, si NJ awardee for sports. Wala pa kaming mga isusuot na damit for the event. Kung ano-ano lang pinag-uusapan namin, pero iniiwasan kong mabanggit ang problema namin kay Cinder. Ngumingiti na siya ulit, tumatawa. Ayokong nakawin ang karapatan niyang yun, kahit ang kapalit eh ang panandaliang paglimot sa nagbabantang responsibilidad niya.

Alas onse na ng maihatid niya ako sa bahay. After about half an hour nag text na siya….

“Dito na ako house…goodnight.”
***
artwork by Steve Walker

Saturday, March 14, 2009

Eheads.... at ang guapong si Aris....

Saturday (march 7)…. Pumunta kaming robplace. Asia, EllaB, NJ at ako. May dalang sasakyan si NJ, at dahil natural na sutil ang dalawang bilat, tabi kami ni NJ sa harap. Pero natural nalang yun, ano pang naging honey ko siya. Enjoy lang, ngayon pa na wala na sa eksena ang pokpokitang si Cinder…bwah.

Lunch sa Dencios. Dumating ang jowa ni Asia na si Graham. Pinapunta na rin namin si Luis para sumabay mag lunch. Kaso naglilipat daw ng hotel room ang lola ko. Dahil gutom na gutom na talaga kami, nauna na kaming kumain. Pagdating ni Luis, manghang mangha ang EllaB. D daw niya lubos akalain na may pagkabadesa si Luis. Mukha daw kasing sanggano hehehehe….. sangganong mahinhin…. Aliw na aliw ang mga friendly friends sa aking blogging buddy. D lang pala siya pabulosa sa writing, sa pagkakomedyante din. Bentang benta ang mga banat niya lalo na sa dalawang powerpuff girls.

Umuwi muna si EllaB. Ang Asia at Graham, bumalik ng school. Dumiretso na kami sa MOA. Dahil medyo maaga pa naman, rumampa muna kami. Pero may mga die hard fanatics ng Eheads na talaga namang alas-kuwatro palang ng tanghali eh nakapila na sa concert grounds ng MOA. Kesehodang tirik na tirik ang inang aurora. Die hard fans talaga ang mga itey dahil matitigbak ang mga itey the hard way…. Heller heat stroke?

Ikutin natin ang MOA. Buy kami ng tarot card at librong matagal ng hinahanap ni Luis sa Fully Booked. Fly ng watsons at buyla ng anik-anik. Chichiria. Wipes. Bottled water. Kyutiks. Make-up. Char lang. At dahil marami pa kaming oras, hanap kami ng puwesto para makapag kape. Bo’s. Dahil walang puwesto sa nyorbakz. Dito na kami nagkaroon ng pagkakataong makaag usap ng may sense at hindi puro kalandian lang. Mega share si Luis ng kanyang mga upcoming stories. Preview kumbaga ng kanyang mga future Palanca entries. Ibang klase talaga mag-isip ang lola ko. Magical ang imagination nito. Pinag-usapan namin si Aris at ang kanyang napakagadang post tungkol sa 'gata'. Si NJ aliw na aliw naman sa pakikinig. Natutuwa ako na palagay na ang loob ng honey ko kay Luis. Wala ng takot si NJ magtanong ng mga bagay-bagay tungkol sa lifestyle nating mga badesa. Patiently, pinaliwanag naman ni Luis lahat ng mga kasagutan sa mga tanong ni NJ. Mga bagay na hindi ko kayang ipaliwanag kung ako ang tatanungin niya.

Pasado alas-siete na ng pumila kami sa silver entrance. Madali naman naming nakita si EllaB at ang kuya niyang dala-dala ang jowang DIYOOOOOOZAAAAAAAAAAAA…. Yan kasi ang tawag ni EllaB sa jowa ng kuya niya.

“Bakit inaaway ni EllaB ang gf ng kuya niya eh mukha namang mabait?” tanong sa akin ni NJ.

“Hindi niya inaaway. Para namang hindi mo kilala si EllaB….” Sagot ko. Kasi naman, ang mga lalake hinding hindi maiintindihan ang mga eksena nating mga bilat at badesa. Na ang panlalait sa atin eh minsan, paglalambing din.

At one point before the concert, lumabas kami para i-meet si Maine. Ang potah at naka-VIP na ticket. Gustong gusto ko na siyang sabunutan. Inggitera ako eh. Pictorials to the max ang eksena namin.

Nang magsimula ang concert, si Luis, parang bata. Hindi na mapigilan ang kanyang tuwa. Talon ng talon. Sigaw ng sigaw. Kahit sina NJ at EllaB, ngising ngisi. Ako, okay lang. Eheads baby din ako. Lumaki ako sa musika nila. Pero sa mga panahong yun, mas patay na patay ako kay Bamboo ng Rivermaya kaya hindi ko masyadong na-internalize ang mga songs ng Eheads. Pero alam kong ang musika nila eh musika ng buhay ng bawat Pinoy. Sabi ko nga kay Luis, kung hindi dahil kay NJ, d naman talaga ako manonood….

“Ang laki pala ng dapat kong ipag-pasalamat kay NJ, dahil kung hindi, wala akong kasama ngayon,” si Luis.

Pinaka high light na ng concert para sa akin ay ng kumanta si Ely ng piano lang ang accompaniment. Pumailanlang ang unang linya ng madamdaming tugtog….

Kailan mo ako hahagkan?

Nagkatinginan kami ni NJ…. Ngumiti siya ng ubod tamis. He stretched out his arms. Lumapit ako sa kanya para yakapin siya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Kung mamamatay ako sa mga braso at dibdib niya, then it would be the sweetest way to die.

“Yeeeeeeeeeeeeeeeeees!!! Panalo!” panunukso ni EllaB sa amin.

Isinama ni NJ si EllaB sa yakap. Ayun kaming tatlo, sumisimbolo hindi lang ng pagkakaibigan naming tatlo kundi ng buong TL. Sa oras na ito, alam ko na kahit anong mangyari nandun kaming lahat para sa isa’t isa. Si Luis, matama kaming pinagmamasdan, habang ninanamnam ang tamis at pait ng musika ng isang nagmamahal. Para siyang diyosa. At kagustuhan niya na ang mga nangyayari sa amin ni NJ ngayon.

At nagpatuloy ang awit….

matagal na akong naghihintay
nakadungaw sa bintana
mga dahon lang ang kumakaway

kailan ko mararamdaman
pagdampi ng iyong labi
tinatanaw ko ang mga bituin
mga luhang humahalik sa aking pisngi

kailan ako tatahan
higpit ng yakap ng iyong dibdib
nakatingin ako sa salamin
may guhit ang noo't mapait ang ngiti

kailan ko mararamdaman
pagdampi ng iyong labi
tinatanaw ko ang mga bituin
mga luhang humahalik sa aking pisngi

kailan ko masisilayan sa araw-araw
aking mahal mula paggising hanggang sa pag-idlip
kagandahan mong walang patid

kailan mo ako hahagkan
matagal na akong naghihintay
nakadungaw sa bintana
mga dahon lang ang kumakaway

kailan ako lalaya
sa anino ng pag-iisa
mga rehas lang ang tanaw
nanginginig sa seldang maginaw

Para sa akin…. Yun ang pinakamagandang bahagi ng final set. Magical…..

Natapos ang concert. Iniwan ang mga tao sa alapaap. Hindi makapag get over sa experience. Lalo na si Luis. Habang naglalakad kami papuntang carpark, panay ang yakap sa akin….

“Thank you sister…. Ang saya saya ng birthday ko…” paglalambing niya.

Natuwa ako na may pinatunguhan ang lahat ng pagod niya. Mantakin mong nilipad niya mula Iloilo hanggang Manila para lang dito? Sa kotse on our way to Malate, panay ang paglalambing ko kay NJ, habang nagmamaneho siya. Panay naman ang banat at tukso sa amin ni Luis. Sa hotel room ni Luis, habang nasa banyo si NJ….

“Nag enjoy ka ba? Parang kami lang nina EllaB at NJ ang nag enjoy...” si Luis.

“OO naman noh. Mag-araro ako ng bukid for all I care basta si NJ ang kasama ko, mage enjoy ako… hahaha…” sagot ko.

“Ate ingatan mo yang puso mo…. NJ’s a good guy. Pero basta… mag-iingat ka. ” paalala ni Luis sa akin.

“Huwag kang mag-alala…. D ako paiiyakin niyan. Paiyakin man ako, dahil sa sobrang kaligayahan,” paninigurado ko sa bago kong kaibigan.

Freshen up kami ni Luis. Imi-meet namin si Aris sa Silya. Alam kong hindi sanay si NJ sa gay scene at alam kong hindi siya kumportable pero hindi naman niya pinakita ito sa mga kilos niya. Alam kong pagod na siya. Gaya ko, hindi parin siya nakakabawi ng tulog dahil sa napakaraming requirements for finals. Idagdag mo pa ang problema niya kay Cinder. Naglalakad kami ni NJ ng may nadaanan kaming isang grupong nakapalibot sa isang mesa sa silya. Napatingin ako sa isa, pakiramdam ko si Aris yun. Guapo. Maganda ang mga labi, yun ang una kong napansin dahil prominente. Tumayo lang muna kami sa isang tabi. Hinihintay si Luis na makontak si Aris. Si Luis nakatayo sa tapat ng Silya, biglang lumapit sa lamesang nadaanan namin. Tumayo yung lalakeng may magandang mga labi, matangkad pala. Bigla niyang niyakap si Luis. Si Aris nga. Lumapit kami ni NJ. Pinakilala ako ni Luis kay Aris. Niyakap niya ako. Natural, kumportable, malayang yakap. Friendly si Aris. Hindi mo kakikitaan ng ano mang pretentions. Pinakilala ko si NJ kay Aris. Pinakilala kami ni Aris sa mga kaibigan niya. Friendly at accommodating. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming kaibigan si Aris. Yun ang unang pagkakataon na nagkita kami pero pinaramdam niya na parang ang tagal na naming magkaibigan.

Gusto ko mang mag-stay para sana makachika ko rin si Aris, pero ang dami pang projects na naghihintay sa akin. Si NJ pagod na rin. Nagpaalam kami sa kanila. Pero sinigurado ko kay Aris na magkikita ulit kami. Tutal lagi lang naman daw siya sa Silya. Dadalhin daw niya si Luis sa Bed at dun sila rarampa at sasayaw ng bonggang bongga.

Ihahatid na sana ako ni NJ nang may madaanan kaming Mcdo. Nakaramdam ng gutom kaya kumain muna kami. Pinag-usapan ang Eheads concert. D rin siya maka get over. Dahil alam kong pagod na siya, hindi na ako nagpahatid. Pinasakay nalang niya ako ng taxi.

“Hon magtext ka pag nakauwi ka na ha.” Paalala ko. “Ingat sa pagmamaneho. Huwag mong tulugan yang manibela.”




I love you....

***

Aris…. It was a pleasure meeting you…. Natutuwa akong malaman na totoo ka pala. Na hindi ka lang kathang isip ng isang magaling na manunulat. Next time…. tayo naman ang magchichika to the max……

Wednesday, March 11, 2009

Tuliro...


Friday (march 6)… Kasumpa-sumpa ang unang kalahati ng araw na ito. Nalaman namin ang mga panggagago sa amin ni Cinder. Kahapon, sinabi niya sa aming buntis siya at kami palang daw ang nakakaalam. Natural na protektahan namin siya alang-alang kay NJ. Kung hindi lang dahil kay NJ, ano bang pakialam namin sa kanya? Kaso, nalaman namin na kami pala actually ang huling pinagsabihan niya dahil alam na pala ng buong block namin ang kalagayan niya at alam na rin nilang si NJ nga ang ama. At yung pagkakaroon niya ng anak na sikretong iningat-ingatan namin para sa kanyang kapakanan, kadramahan lang niya. Dahil alam din pala lahat ng mga kaklase namin ang tungkol dun. Pinaikot niya kami. Napakalaki niyang sinungaling.

Nasa major class ako, nag GM si Maine, kitakits daw sa Tspot. Shot daw sa bahay nina EllaB. Kailangan da ni NJ ang TL family niya. D ako nagconfirm. Ayoko pa siyang kausapin. Pauwi na ako ng makasalubong ko si Maine. Hinahanap daw niya ako.

“Pare, kailangan mong sumama. Ikaw ang gustong makausap ni NJ. Kaninang umaga ka pa hinahanap. Kanina pa tanong ng tanong kung sasama ka.”

D ako nagsasalita. Ayoko talaga…

“Sinabi ko nga sa kanya na hindi ka lang nagsasalita at nagpapahalata pero ikaw ang pinaka apektado sa lahat dahil mahal na mahal mo siya. At sabi niya mahal ka din daw niya….”

Okay fine. Sige na sasama na nga ako. Sabay na kaming pumunta sa Tspot ni Maine. Inabutan ko si NJ dun kasama yung iba. Halatang tuliro na ang gago. Parang pagod na pagod ang itsura niya. Kung kaya ko lang pawiin lahat ng pangambang nararamdaman niya sa mga oras na iyon gagawin ko. Kaso hindi eh, niyakap ko nalang siya.

“Iiyak mo na kasi yan…” pang-aasar naman ng mga TL girls.

Fly kami kina EllaB. Sa garahe kami nag inom. Timpla ang mga bilat ng sarili nilang inumin. Tatlong red horse mucho ang pinaghatian namin ni NJ. Kahit may problema pinilit parin naming maging masaya. Kung ano-anong naiisip naming strategy for damage control. Palalabasin talaga naming hindi si NJ ang ama ng bata. Tang ina niyang si Cinder bahala siya sa buhay niya. Hanggat hindi lumalabas ang bata at walang patunay na si NJ ang ama, mananahimik muna siya. Basta sa pagtatapos ng inuman, declared na, hindi na bahagi ng TL si Cinder. Hindi na namin siya kaibigan. Plinano niya lahat-lahat ng ito. Siya ang nagbigay ng problema sa sarili niya. Magdusa siyang mag-isa… itong si NJ, nagsorry sa akin at panay ang halik sa pisngi ko. Panay ang sorry niya sa aming lahat. Alam niyang apektado kaming lahat sa nangyayari. After all siya ang baby boy namin. Hinding hindi namin siya pababayaan. Ang LA, sa kalasingan napaamin pa na minahal daw niya si NJ kaya hindi rin niya matanggap na nabuntis si Cinder. Hahahaha ang alak nga naman. Pero siempre pa mega deny ang LA na sinabi daw niya yun. For the record tatlo kaya kaming nakarinig. Kaloka ang power puff na itoh.

Kahit lasing, fly ng robplace sa malate. Dumating na si Luis mula Iloilo. Sinamahan ako nina NJ, BBB at Asia. Inabutan kong naghihintay si Luis sa amin sa labas ng starbucks. Nakilala ko agad siya. Artist na artist ang aura ng lola ko. Ewan ko ba, basta parang pakiramdam ko ang tagal tagal na naming magkaibigan. At alam kong ganun din ang feeling niya. Mega hug namin ang isa’t isa, then pinakilala ko siya sa mga TLs na kasama ko.

“May dahilan naman pala para maloka ka sa kanya (NJ)” bulong sa akin ni Luis.

Natawa lang ako. Dahil gutom na siya, sinamahan muna naming siyang mag-dinner. Then fly kami ng Jack’s Loft para magkape. Mega chika kami ni Luis tungkol sa mga kalalakihan at mga blogging buddies. Yung tatlo, busy sa paglalaro ng kung anong game sa laptop na dala nila. Before midnight, nagpaalam na yung tatlo. Maaga pa kasi ang pasok bukas. Pero bago sila umalis, picture taking muna kami. Since balak ko naman talagang mag-absent, sinamahan ko muna si Luis na tumambay sa starbucks sa malate. More chika, more fun. Pinapaalalahanan niya ako na magiging kumplikado na ang buhay ni NJ kaya mag-isip daw akong mabuti kung gusto ko ba talagang maging bahagi nun. Nakadalawang oras yata kami sa pag-uusap. Sobra naman akong nag-enjoy. Masayang kasama si Luis. Lahat ng bagay napapansin ng loka. At lahat ng bagay nagagawa niyang katawa-tawa. Kaya nga siguro madali kaming nagkapalagayan ng loob. Pareho kaming laitera… Char lang! Bumalik kami sa hotel room niya para iwan ang laptop at para makapag bihis siya. Gigimik pa pala ang loka. Gustuhin ko mang samahan pa siya. D na talaga kaya ng katawan ko. Ilang araw na rin kasi akong walang tulog dahil sa mga requirements ko for finals. Tsaka kailangan kong mag beauty rest para sa Eheads concert come Saturday night.

Ganun talaga yun… kapag may nawawala, may dumarating. Nawala man si Cinder sa buhay ko, mas bonggang bongga namang friendship ang pumalit…..

It was nice meeting you in person Luis……

Thursday, March 5, 2009

It's really college all over again...



Almost nine years to this date, nag drop out ako from school. Sa sobrang sakit ng nararandaman ko noon. Sobra ko siyang minahal kahit alam kong may kahati ako sa pagmamahal niya. natural na lang naman yun sabi ko sa sarili ko. Kaso nabuntis niya yug babae. D ko kinaya. Kayang kaya kong maging Maricel sa Love Story. Pero wit ko kering mag ate Shawie sa Madrasta. Fast forward. Eto ako, back to college na. Sabi nga nila, natututo daw tayo sa mga sakit na pinaparamdam sa atin ng buhay. Sa tuwing nakakaranas tayo nito, unti-unting tumataas ang bakod na binubuo natin para protektahan natin ang ating mga puso sa mga tao at bagay-bagay na maaaring makasakit pa sa atin. Kaso dumating siya. Isang ngiti lang niya at durog na ang bakod na parang sementong di pa man tuluyang natutuyo, inulan na.

Nakatambay ako sa t-spot. Nakita kong papalapit sa akin si Maine at Cinder. Umupo si Cinder sa tapat ko. Si Maine nakatayo lang sa gilid ng mesa, sa pagitan namin ni Cinder.

“Sabihin mo na kay Yj ate,” si Cinder. May inabot sa aking papel si Maine. Hindi ko kinuha. Alam ko na. Gusto ko ng tumayo at maglakad palayo. Pero kinailangan kong marinig ang katotohanan.

“Ano yan?” patay malisya kong tanong.

“She’s pregnant,” si Maine.

“Kanino?” tanong ko. Bastusan na. Tang ina eh. Hoping ako na by miracle eh sabihin ni Maine o ni Cinder mismo na hindi si NJ ang ama.

“Kanino pa?” sabi ni Maine, “kay NJ.” Gusto kong maiyak. Pero nagpigil ako. Hindi ko ipapakita kay Cinder na apektado ako sa larong ito na matagal na niyang minamanipula.

“I don’t care! Bakit sa akin niyo sinasabi yan?” sagot ko.

“What? We have to support them… nanjan na yan,” si Maine na pinakamatanda. Laging tinitimbang ang mga pagpipilian kahit sa pinakamalala ng sitwasyon.

“What are you talking about? Support them? Kung gusto mo silang suportahan sa mga katarantaduhan nila, GO! Pero huwag niyo akong idadamay!!!”

Gustong gusto kong sabihin kay Cinder lahat ng nararamdaman ko pero nagpigil ako. Gustong gusto kong sabihin:

Masaya ka na? Hindi ka pa nakuntentong buhay mo lang ang sirain mo? Nandamay ka pa ng ibang tao. May tawag sa mga kagaya mo Cinder. KAMPON NI SATANAS!!! Tang ina ka, wala kang konsiderasyon sa pakiramdam ng ibang tao. Sobra-sobrang sakit ang pinaranas mo sa mga magulang mo ng mabuntis ka almost three years ago. Pero pinatawad ka nila. Kinupkop nila kayong mag-ina. Pinag-aral ka ulit. Pero anong ginawa mo. Puro paglalandi. HALIPAROT KA! TALIPANDAS! Yung anak mo, ni hindi mo makuhang alagaan. Tapos ngayon buntis ka nanaman? Wala kang konsiderasyon sa pakiramdam ng ibang tao. Dapat sayo iniiwasan. Dapat ilagay ka sa isang lugar kung saan wala kang mapeperwisyo. Dapat itali ka sa isang giant kwitis at sindihan ng bonggang bongga para lumipad ka na sa kawalan… POTAH KA!!!

Tumayo ako para pumasok sa major subject. Hinabol ako ni Maine. Nasa hagdanan kami.

“Talk to me…”

“Wala akong sasabihin.”

“But are you okay?” tanong niya.

“Naman. Hindi naman ako ang buntis eh.” Sagot ko.

“Yj, alam ko kung anong nangyari sa iyo noon at kay AG.”

“Iba yun… I was in love with him. Si NJ….. wala lang,” at iniwan ko na siya.

Later that afternoon, inaasar na ako ng mga power puff girls na sina Asia at LA.

“Yj iiyak mo na yan….”

“Ha! Bakit ako iiyak. Tang ina, laking tuwa ko lang pag lumabas ang bata at negro.”

“Hahahaha… oo nga. Malay ba natin kung talagang kay NJ yun,” sabi ni LA.

Alam na raw ni NJ. Pero hindi pa niya alam na alam na naming lahat sa grupo. Wala pang nagsasalita. Parang okay lang naman siya. Hindi ko nakikitaan ng pagkabahala. Ang tapang ng mga kabataan ngayon, hindi mo kaiinggitan. Manlulumo ka. Matutulog na ako. Bukas sana mapagtanto ko na masamang panaginip lang ang lahat ng ito.