Pages

Sunday, November 30, 2008

Banda rito....banda doon....

Umaga palang ng Biyernes(nov28) nagyayaya ng manood ng Twilight si RJ. Kaso nga poverty ang mga TL. Hanap ng ibang option. Either punta sa pad ni RJ sa Vito Cruz o manood nalang ng contest sa school, may singing, dance, at band contest. Coordinated ng university student council at sponsored ng kung anik-anik na kumpanya. Bago ako pumasok ng huling klase ko, kausap ko si NJ sa t-spot at nagmamaktol, wala daw siyang kapera-pera at bored na bored na. Sinabi ko nalang na umuwi na siya ng dorm at matulog para makapagpahinga. Umoo naman. After class, tambay kami ni RJ sa T-spot. Dumating si Maine. Hinahanap si NJ. Bago pa ako makasagot, sinabi ni RJ na umalis daw kasama mga kaklase niya at nanood ng Twilight. Nagulat kami ni Maine. Imposible. Wala siyang pera. Pero kahit pa ilibre siya ng mga kaklase niya, sure na, hindi siya sasama. How could he? Twilight’s supposed to be our thing. Text ni Maine si NJ, pero d sumagot ang loko. Naghintay nalang kami ng alas-singko para magstart ang event sa activity center. Bongga naman ang production para sa contest. Planado. Bongga ang sound system, hindi tunog lata. D ako nakapanood ng elimination round last week. Finals na pala ngayon. Tig-apat nalang ang mga contestant sa bawat category. Tabi-tabi kami, LA, EllaB, Maine at ako. Nasa harap namin sina Hector at Raphael na excited mapanood sumayaw ang kanyang crush na si Kyla. Nagsimula ang event sa pagrampa ng mga modelo na puro estudyante ng school namin. Suot ang pinakabagong collection ng isa sa mga sponsor. Nagtatanong si Maine kung bakit wala si NJ sa mga rumarampa. Pag nagkataon siguradong ilalampaso niya lahat ng boylets na rumampa. Nagpaalam si EllaB. Nasa gate daw jowa niyang si Bart. Magsisimula na ang singing contest ng may umupo sa pagitan namin ni Maine. Si NJ. Nakangisi ang gago. D ko siya pinansin. Si Maine ang nagtanong kung saan siya galing, at nagsabi kung bakit ako galit sa kanya. Umakbay sa akin si NJ, ginulo ang buhok ko, at bumulong, ‘d ako nanood ng Twilight.’ Okay. Nag-away daw sila ng lehitimong jowa niya kaya pinuntahan niya para makipag-ayos. Naniwala ako siempre. Unang kumanta ang representatib ng Dentistry. Natawa kami ni NJ, kamukha ni Pooh. At kung nakakapanood ka ng mga shows ni Pooh, kaboses din niya. Kaloka. May kumanta ng This Is My Life, na talaga namang feeling niya eh sa Tanghalan ng Kampiyon siya kumakanta. Sumunod ang kumanta ng And I am Telling You. Iba naman ang eksena ng bilat, babuyan ng song portion ang nilahukan nito. Maganda naman ang boses, pero hindi lang talaga niya kinaya ang mga high notes. Sana Bawal Na Gamot nalang ni Willy Garte kinanta niya, baka nanalo pa siya. panghuli ang representatib ng college namin. Better Days ang kinanta ni ate at impernez, bongga! Sumunod ang dance contest. Panghuli ding sumayaw ang representatib namin. Grupo nina Kyla. Tuwang-tuwa si Raphael. Panay ang sigaw at palakpak. Bago magsimula ang mga banda, umuwi na sina LA, Raph, at Maine. Hinatid ni NJ si Maine sa sakayan. Pagbalik ni NJ, humihingal, pagod na pagod. Parang takot na takot. Nakakita daw siya ng white lady kaya tumakbo siya. Inisip ko nalang na nagti-trip siya kaya d ko pinansin. Watch nalang kami ng banda. Ang guapo ng lead guitarist/vocalist ng Dentistry. Pang-huli as usual ang banda namin. Dalawa sa banda ang kaklase ko. Yung drummer at vocalist. Insulto naman kung matalo sila, music major lahat ang miyembro ng banda. Ang resulta, singing-win, dance-2nd place, band-win. Dahil alas onse na ng gabi, sinamahan ako ni NJ sa sakayan ng FX. Pero sa harap ng skul kami dumaan. Takot daw siya sa likod. Natawa ako. Heleeeeeeeer ang laki-laki na niya naniniwala pa sa multo.

Sabado(nov29). NSTP lang ang klase ko. Inabutan ko si Honey at LA sa klasrum. Nawawala ang Maine. Ang higad nasa Bohol daw. Binibisita siguro mga kapatid niyang Tarsiers. Dahil wala pa ang prof, chika kami ni LA. Kwento ko sa kanya na napanaginipan ko yung drummer ng college namin. Kaklase namin siya sa NSTP pero d ko alam ang pangalan. Natatawa si LA. Inisip yata ng gaga na may gusto ako dun eh wala naman. Kasalanan ko ba na mapanaginipan ko siya noh! Pwesto kami ni LA sa harap. Nasa likod namin ang mga Masscom students na panay ang chikahan. Nag-start maglecture ang prof about child abuse. Mega notes naman kami ni LA. Sa iba, ‘lang’ ang turing nila sa NSTP. Pero kami, kinakarir namin. May mga kablock kasi kaming Social Work ang major at exposed kami sa mga activities nila. Gusto naming makatulong. At unang hakbang na ang magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga problemang panlipunan. Kaso ayaw tumigil ng mga estudyante sa likod namin ni LA sa katatalak. Ang ingay. Tapunan ko nga ng masamang tingin. Kinse minutos. Ang ingay parin. Umiinit na ulo ko. May mga estudyante rin na magsi-‘shhhhhhhhhhhhh’ sa kanila at bigla silang matatahimik pero ilang segundo lang at babalik sila sa kanilang pag-iingay. Paminsan-minsan lalakasan ng prof ang boses at titingin sa kanila, pero sumuko din ang prof sa kanila at nagfocus nalang sa kanang bahagi ng klasrum kung saan lahat ay nakikinig. Pero dahil nga nasa kaliwa kami ni LA at nasa likod namin ang mga walang pakiramdam na estudyante, d na ako nakapagpigil. Nag-excuse ako sa prof at hinarap ang mga tsismoso at tsismosa. ‘EXCUSE ME! WILL YOU ALL PLEEEEEEEEEEEEEEEASE TRY TO KEEP IT LOW? IT’S VERY ANNOYING! HAVE SOME MANNERS, IT’S FREE!!!’ sabay harap sa prof, ‘please continue.’ E d natahimik silang lahat. Peste. Sa lahat ng ayoko mga taong walang konsiderasyon. Kung ayaw nilang makinig, lumabas sila ng klase, ganun lang naman kasimple yun. Kesa nangbubulahaw sila at nangiistorbo ng mga taong gustong matuto. Mabuti namang kahit isa sa kanila eh hindi nag-react sa ginawa ko dahil pag nagkataon, makikita nila hinahanap nila. SHEEEEEEEET!! Tumataas ang blood pressure ko! After class, sinabihan ako ni Honey na puntahan ko nalang daw si NJ sa dorm. Nagpasama ako kay LA. Dinatnan ko si Cinder na binibihisan ang anak niya. Uwi daw muna sila sa Antipolo. Wala nga kasing klase sa Monday. Hinatid ni NJ ang mag-ina hanggang sa LRT-Santolan. Dumating naman ang magjowang Asia at Graham. Nanood nalang kami ng fisrt season ng Friends. Nagdala ako ng DVD dahil gusto kong mapanood nila, para naman makarelate sila pag nag-uusap kami ni Maine. Kumuha si Graham ng kanin sa kuwarto nila at kumain kami. Nagluto kasi si Cinder ng kaldereta. Sinong mag-aakalang marunong magluto ang hitad. Dumating si NJ after an hour. Naghubad ng college shirt na hiniram niya sa akin at pumuwesto sa tabi ko. Ginamit ko ang t-shirt para punasan ang pawis sa likod niya. Naging komportable na rin ang mga friendship namin sa ganitong eksena namin ni NJ pag magkasama kami. Landian lang naman. Nothing serious. Pero siempre gusto ko rin kung magiging mag-jowa kami, hehehehe. Go kung go. Nagtext si BBB, cancelled daw ang volleyball game niya bukas sa RTU. Nagplano pa naman kaming manonood nina Asia. Kainis naman. Wala pa namang gagawin. Boring-boringan. Nag-ayos ng gamit si NJ. Uuwi siyang Paranaque. Sumabay sa kanya palabas si LA dahil uuwi din ng Isabela. Nag-ayos lang ako ng pinagkainan namin at iniwan ko na sina Asia at Graham.

Eto na nga. Kakaburaot ang Linggo. Buong maghapon akong nganga. Watch ng One Tree Hill. Read ng Twilight. Watch ng TV. Wala ng magawa. Kainis talaga pag poverty. Sana dumating na allowance ko bukas. Para makagala.

Thursday, November 27, 2008

Volleyball Kiyeme......at si Jose

Wala kaming PE prof kahapon(wed,nov26). Pero dahil nagbihis na kami ng PE uniform at nakakapagod umakyat sa TechCenter gym, sinulit na namin. Naglaro kami ng volleyball. Hindi talaga ako marunong maglaro, kiyemeng laro lang. Si BBB kasi kalaro namin at miyembro siya ng varsity. Kaya tinuturuan niya kami. Ang higad at baklang-bakla sa napakaiksing shorts na suot. Pero sa ganitong pagkakataon mas malakas ang pagnanasa ko sa kanya kesa kay NJ. Kasi naman napaka-manly ng legs ni BBB. Eh, yun pa naman weakness ko, boylet na maganda ang binti. Umabot din ng isang oras ang kiyemeng laro namin. Nasa major class na ako ng mapansin kong namamaga at medyo makirot ang kanang kamay ko. Uuwi na sana ako agad dahil sa dami ng dala kong gamit at sa sakit ng kamay ko. Kaso may meeting pala kami ni Maine sa Religion Department ng 3pm kaya naghintay pa ako sa T-spot. Kaso nacancel din yung meeting kaya umuwi na ako. Iniwan ko yung ibang TL na nakatambay sa T-spot. Inabutan ko si lola na nanonood ng kanyang mga paboritong telenobela. Kapuso si lola kaya deadma ako sa mga palabas. Diretso ako sa kuwarto. Dahil sa pagod, nakatulog ako. Gabi na ng gisingin ako ni lola para kumain ng hapunan. Dumating na rin sisteret ko galing school. Gumagawa siya ng project. Naalala ko yung isang assignment ko sa educ. Sumabay ako sa paggawa sa kanya. Pinakialaman ko yung mga colored sand at stones, mga sequins at glitter glue. Nang matapos ang assignment ko, d maipagkakaila, bakla ang gumawa. Dahil wala na si Ram sa PFF, si Jose na ang bagong bet ko.

Kanina(thur,nov27), maaga palang nagpapakiramdaman na ang mga TL sa pinaplanong bonding ni Puff. Kagabi pa text ng text ang loka kung sino ang gustong uminom. At dalawa lang yata ang nagconfirm. Alas-dos na ng magkaisa na next time nalang ang nomo. Dahil poverty ang karamihan. As usual nagkayayaan kina NJ para tumambay. Nagpabili ako sa kanya ng bibingka ng dumaan kami sa flea market. Sina Asia at Honey bumili ng puto bombom (o bongbong? d ko parin alam). Dumaan din kami sa St.Jude para kumain ng kwek-kwek. Tinuloy lang ni Honey yung hindi niya natapos na Centerstage nung isang araw. Deadma naman si Asia, watch din lang siya. As usual nasa isang sulok lang kami ni NJ. Landian. Pauwi na kami nung dumating si Cinder dala-dala ang anak niya. Pak-ap agad ang byuti namin nina Honey at Asia. Goodlak kay NJ sa pag-aalaga.

Wednesday, November 26, 2008

Lovelife according to Raff....

Yesterday(Tuesday,nov25) started with Raphael. I was early in school, so I had breakfast at T-spot. Raphael was an hour early too. He was bragging about having to go on a duty at the library today. Raphael is taking up Library Science. He is special. At first glance, you couldn’t really tell. Untill he speaks. He always carry this child-like manner with him. Like Hector(another special student), he seems always happy. As if nothing bothers him. He took something out of his bag and showed it to me. It was his name written vertically on a piece of paper. Adjacent every letter was a word(supposedly describing his personality) starting with that particular letter. I only remember E-early, and L-lovelife. Clearly, early because he’s never late. I asked why lovelife? He said, because he’s lovelife is going alright. With Kyla (one of my classmates). I had to laugh. He did too. I asked him if he told Kyla of his feelings yet. He gave me this surprised look as if what I said just happened, and mouthed a big ‘NO’. ‘I’m just happy. I’m seeing more of her now,’ he added. Okay. I went to my first subject. I was done with classes by 2:30pm. I was hanging out with the TLs who were on break at T-spot. NJ asked who wanted to watch a movie in their dorm. Honey and I went with him. We dropped by the flea market in Malacanang. I told NJ I was hungry and I wanted to eat ‘bibingka’. Asia and EllaB told me about a booth that sold the best they ever had. There were two bibingka stores. NJ told me he baught from the one farther from us and it didn’t taste that good, so it had to be the other one. I didn’t have any money left so NJ baught it for me. He baught some ‘puto-bombom’ (or is it ‘bongbong’?) for Honey. We passed by a siomai store and he baught some pork siomai and sharkfin dumplings, and a glass of gulaman that we drunk on our way. The bibingka was really good, it somehow tasted like lecheflan, weird but in a good way. Honey browsed through the dvds that NJ compiled in a ziplocked rectangular case. She couldn’t decide so I helped her. Centerstage. NJ told me it’s Cinder’s favorite movie. Uhm, okay. NJ got rid of his white uniform and put on a dark blue sleeveless undershirt. He looked like sex on a stick. Really HAWT! He sat on the futon, legs streched and back on the wall. Honey sat indian-style near the TV. I put a pillow over NJ’s crotch and I lied down, head on the pillow. Half an hour passed and NJ’s back was starting to hurt so we switched. I sat and he lied down, his head on my legs. He threw me his hand so I could massage his left palm that was a little sore. Then his right hand. Once in a while, Honey would look at us and smile condescendingly. NJ and I would give her the ‘What?’ look. It was 5pm when Honey remembered she had choir practice. She got up and rushed us. Nj put on his unform back. He decided to go to Divisoria and get food allowance from his mom. We ran into Cinder outside. She went to the airport to bid her mom goodbye. I think her mom took of for Bahrain. She said she’ll just drop her things at the dorm and go grab dinner. We were already in front of the school when NJ’s mom texted him that she closed the store early. Nj didn’t want to go home to Paranaque, so he went back to the dorm. Honey headed to her practice. I walked to Legarda to catch an fx home. Traffic was really heavy, so the driver turned left to Mendiola. I saw NJ and Cinder walking, heading to Nagtahan, surely for dinner. I started to wonder, what if i never had the chance to get close to NJ? Will it be easier loving someone from afar? Like Raphael, and his secret love for Kyla. I should talk to Raphael more.

Another day in TL landia.

Monday, November 24, 2008

Rainy mondays......

‘Crazy for you… touch me once and you know it’s true….’

Yesterday was uneventful. I slept till noon and spent the rest of the day reading Homer’s The Iliad for my mythology and folklore subject.

Today(nov24), I woke up around 6am. Showered, dressed up, then had breakfast with my sister and lola. The maid hasn’t arrived yet. I was expecting her last Friday. I always leave home an hour before my first subject, but today, I didn’t anticipate the traffic would be that heavy. The fx got stuck for almost thirty minutes in Pureza. These are the times na isusumpa mo talaga ang gobyerno ni Gloria. Kaloka talaga. My physical science professor was already in the room when I got there. Good thing she hasn’t started the discussion yet. Social arts was my next subject with most of the TL girls. The prof talked about the basic foundations of a relationship. Trust, Loyalty, Sincerity, Acceptace, and Affection. She gave them in that particular order. If it was up to me, Acceptance would have been next to Trust. Not that my opinion matters anyhow. Maine, Asia, Cinder, LA, NJ and I went to mcdonalds for lunch. We had great laughs. Especially Maine and I, when we were reliving our most favorite Friends episodes. But none of the others could relate to what we were talking about ‘cause not one of them was into the series. I told them I’d lend them my DVDs if they ever want to watch it. I saw my sister with her friends on the other table and we exchanged hand waves. All of us were done with our classes so the girls took off to meet EllaB somewhere. NJ and I went back to school. I returned the Homer book in the library then accompanied NJ at the accounting office to get his refund from the subject he dropped ten days ago. But he was told the money will be released on the 27th. He was actually thinking he could go to Glorrieta and buy the shoes he’d seen two days ago at the shoe salon. So we went to T-spot to hang out for a while. Lou was there coloring some of his artworks for his major, Pre-school. I love the Pre-school guys, they’re really artistic. Unlike me. Lou introduced us to this really cute guy named Clarence. Apparently, he’s the nursing student that Lou has been dating for quite sometime now. Lou told us that Clarence has a twin brother. I asked Clarence if they’re identical, he smiled and nodded. He’s really charming. I can understand now why Lou’s so into him. Jhay arrived, then Cinder, followed by Puff who spent a lot of time in the library surfing the net. NJ told them how pissed off he was for not getting his refund. He really wanted to buy the shoes today. Cinder had extra money so he gave it to NJ before she went to her class. NJ asked me to go with him to glorrieta. Then it rained. So we waited for the rain to stop. Clarence’s twin brother arrived and Lou introduced us, but I didn’t get the name. He was, if possible even more beautiful than Clarence. Or maybe it was just the hair, he wore it in a more trendy manner, spikey. ‘Can you just imagine what they could do to each other for fun?’ I whispered to NJ. He laughed but gave me this rather disturbing look, ‘you’re crazy, you know that?!’ I laughed. Maybe I am crazy. The rain stopped. We took a cab, and all the way to Makati, we listened to his cousin’s french lullabies in his i-pod. He talked about his 2-year old cousin, who is half-french and how he speaks Tagalog with his yaya, english with his mom, and french with his dad. I once saw a picture of the boy, really angelic. NJ’s proudest when he talks about his family. We went straight to shoe salon. The shoes’ design was identical to the hellboy except for the color. It was plain white except for the blue stripes. It was so him. Had its stripes been red I would have bought it for myself. He was so happy when we left the store. Window shopping. Boutique after boutique. Rustan’s. Luxury items for the luxurious people. For NJ maybe. Not for me. Times have changed. I’m poor now. But maybe not for long, hah! We got hungry. NJ said he’d treat me. I missed onion rings. Burger king. While he was in the counter, I opened his shoe-box and took the adidas logo bronze-finished keychain that came with the shoes. I attached it in my bag’s zip. He then came with a tray full of food. Chicken sandwiches. Iced tea. Onion rings. We talked of random stuff. Nonsense things. We went to national bookstore to get some plastic covers and tapes. We dropped by the comfort room before heading to the taxi stand. I carried all his stuff while he was in the CR. Then he took all the stuff so I could go pee. We took a cab back to their dorm. We talked about our plan of enrolling at the Loreal Hair academy in Ortigas this summer. Just for fun. Since we love styling hair. We talked until the conversation shifted to his girlfriend. The legitimate and official one. The Beda girl. I told him that I find her pretty and she seems nice. He answered yes, she’s really nice and that he couldn’t ask for more. So I asked him how come then he’s cheating on her? He told me he couldn’t answer that. Not jus now. And I thought I was already fucked up. Kaloka. We dropped his things in the dorm where Cinder was busy studying. At least she looked busy. NJ and I walked to Nagtahan where he will take a ride to Divisoria to get his clothes for the week from his mom’s store, and where I will take the fx home. I noticed the keychain missing from my bag's zip. 'NJ, where is my new keychain?' ' Haha, i got it back when you were in the comfort room. Kala mo ha!' 'Kainis ka!'It started to rain again, just showers. So NJ opened his umbrella. We tried to make ourselves fit under it. He started singing, I’m crazy for you, touch me once and you know it’s true…




‘Really,’ I asked condescendingly.
He just laughed. I held his arm and we continued walking. Stupid I know, but please let me enjoy this. Kahit sandali lang.

artwork by Steve Walker

Sunday, November 23, 2008

Blurry weekend... and RAM

We spent the whole Friday(nov21) at T-spot, playing this game that EllaB, Maine and Asia thought of. Each will ask a question and everybody will answer. We started with the basics like, who’s the hottest of the TL girls? Boys? Till Maine asked if you could fuck one of the TLs, who wouldit be? I wasn’t surprised of the answers but the reasons they gave, crazzzzzzzzzy. NJ and Cinder are already doing each other, so clearly it had to be somebody else. I wanted NJ (heler), NJ wanted Puff (hmmmm), Cinder wanted me (eeeew). But most of the girls picked Joseph. Guapo naman talaga kasi. Anyways, we went to KFC for dinner. Asia’s bf Graham dropped by. So did Bart, EllaB’s bf. It was already seven when we went home. I found 2 empty bottles of beer in the kitchen. Turned out my brother and his wife came to visit earlier. I wished they waited for me. I miss them. Ram's out of PinoyFearFactor, and i am sad.

Saturday(nov22), no NSTP class. LA, Maine and I took a cab to centerpoint. Maine was going to meet up with her father’s second wife. It’s all complex. But then that’s what makes life exciting, I guess. Its complexities. LA and I went window shopping to give Maine time and the woman talk. It lasted half an hour. We went to robplace afterwards. I had to pick up my hardbound copy of twilight at powerbooks. I wanted to read it before watching the movie. It was already 8pm when I reached home. I went to bed and started reading. Next thing I knew, my sister was waking me up. It was past midnight, she said my friends Ray and Melvin was at the door. Turned out that they were visiting a friend in the neighborhood. I went with them. We just hung-out. I left around four and went back to sleep.

Thursday, November 20, 2008

Kailangan ko ng bumitaw.....


“Kung hindi mo mahal ang isang tao, huwag ka ng magpakita ng motibo para mahalin ka niya.”- Bob Ong


Kelan ka ba matututo? Kelan ka ba magtatanda? Parang nakalimutan mo na ang mga pinagdaanan mo ng minsan kang magmahal ng kaibigan. Naaalala mo ba si PB? Oo, iba ang kuwento pero may pagkakatulad sila ni NJ. Pareho silang straight, TUWID sa tagalog. Kaya suicide yan bakla! Suicide na mainlab ka kay NJ!!!

Kahapon, Miyerkules(nov19) maagang natapos ang klase ko. Alas-dos ng hapon ng maiwan kami ni NJ sa T-spot. Buong maghapon kong hindi nakita si Cinder sa school. Panay ang landi ko kay NJ. Yakap. Bulong sa tenga. Himas sa hita. Pisil sa braso. Kesehodang bawal ang PDA sa campus, walang takot ang bayot mahuli ng guwardiya. Uuwi na sana ako ng magyaya si NJ sa dorm nila. Lakad kami sa loob Malacanang. May mga tiangge ngayon dun, hanggang Nov29 daw. Ang daming paninda. Tumingin-tingin kami ni NJ, may magandang Hello-Kitty wall clock, 200 pesos daw. Maharlika. Pero may bawas pa ayon sa tindera. Balikan ko nalang po. Nasalubong namin si Cinder, papasok palang ng school. Wala pala siyang klase pag miyerkules ng umaga. Napansin kong hindi sila masyadong nag-usap ni NJ. Baka hindi pa sila nagkakaayos mula ng mahuli ni NJ na nakipag-date si Cinder sa manliligaw niyang si Glen. Pagdating namin sa dorm, higa kami sa futon. Tutok sa amin ang electric fan. Naisipan ni NJ magsalpak ng DVD, Matrix Reloaded. Ilang ulit na niyang napanood, pero gustong-gusto niyang inuulit. Hindi ko alam kung bakit. Kung bakla lang siya madaling sagutin iyon. Heleeeer, Keanu Reeves. Umupo siya sa futon, nakasandal ang likod sa dingding. Umupo ako sa tabi niya. Ang ulo ko sa balikat niya. Ang kanang kamay, nakayakap sa bewang niya. Mukha naman siyang kumportable. Ayoko ng pelikula kaya nagpokus nalang ako sa paglalambing sa kanya. Nilaro ko ang dibdib niya. Hinahagod. Pinasok ko ang kamay ko sa ilalim ng polo shirt niya. Hindi siya kumilos. Nilaro ko ang pusod niya. Nakiliti. Humagikhik. Nilaro ko ang kanang utong niya. Kaliwa. Balik sa pusod. Bumulong ako kay NJ, “maglaro nalang tayo.” Humagalpak siya ng tawa. “Wala akong sofa,” sagot niya. Tumawa na rin ako. Joke kasi yun na matagal na naming pinagpasahan sa text.

May dalawang lalake na nakaupo sa sofa. Bored na bored.
Guy1: laro tayo pare taguan. Pumikit ka at magtatago ako. Pag nahanap mo ako chuchupain kita.
Guy2: pano kung hindi kita mahanap?
Guy1: wag kang tanga. Dito lang ako sa likod ng sofa.


“May pintuan naman eh,” sabi ko. Lalo siyang tumawa. Sa pagkakataong ito, inisip kong ok lang kay NJ kung medyo mag-lelevel up ako ng konti. Pinatong ko ang kamay ko sa pagitan ng mga hita niya. Tiningnan niya ako, “anong ginagawa mo?” Seryoso yung mukha niya. Hindi naman nakasimangot. Galit kaya? “Okay, I’ll stop.” Binalik ko ang kamay ko sa pagkakayakap sa bewang niya. Nag-hang ang DVD. Tumayo siya at pinalitan. Sinalpak niya yung binili niya sa Divisoria nung Lunes. Trainspotting. Nasa Japan pa ako nung mapanood ko ang pelikula. Pero gusto ko dahil makulit, at nakakatawa. Pinapakiramdaman ko si NJ, pagkatapos niyang i-play, bumalik siya sa tabi ko. Inakbayan niya ako. Hindi siya galit. Niyakap ko ulit siya. At kasabay ng yakap na iyon ang pagtanggap ko na hanggang dito lang ang magiging pisikal na relasyon namin, bilang magkaibigan. Ngayon alam ko na. Mahal niya ako, pero hindi sa paraan na gusto ko. Lahat ng pinapakita niyang paglalambing, iyon ay dahil likas sa kanya yun. Mali lang ang interpretasyon ko. Komportable lang siya sa mga gaya ko. At hindi ko dapat abusuhin yun. Dapat nga magpasalamat ako, dahil may mga lalakeng gaya niya. Lalo tuloy lumalim ang paghanga ko sa kanya. Kung ibang lalake to, baka boogie wonderland ang inabot ko. Sheeeeeeeeet. Natapos ang pelikula ng hindi siya umaalis sa tabi ko. At pag may mga special moments sa pelikula, lalong humihigpit ang akbay niya sa akin. Tumayo kami. Kinuha ang mga gamit niyang dadalhin sa Paranaque. Uuwi siya. palabas na kami nang dumating si Cinder. Tinanong ko kung ok lang siyang matutulog mag-isa. Ok lang daw. Humalik si NJ kay Cinder bago lumabas. Humalik ako kay Cinder, at nagpaalam. Naglakad kami ni NJ hanggang sa Nagtahan kung saan kami naghiwalay.


Kanina, alas-tres na ng matapos ang klase ko. May mga breaks ako in between classes at nakailang balik ako sa T-spot. Pero buong maghapon kong hindi nakita si NJ. Paranoid ako bigla. Hindi kaya umiiwas siya dahil sa nangyari kahapon? Sheeeeeeeet. Tinanong ko si Honey kung nakita niya si NJ. Hindi rin daw. Pero pumasok daw siya, nakita daw ni EllaB sa T-spot. Okay at least pumunta pala siya sa T-spot. Na-empty bat pa naman ako. Dahil nasa klase yung iba, pumunta kami ng SM Centerpoint. Si Honey, Asia at ako. Kain sa food court. May dumating na boylet, friend daw ni Asia. Pero bago dumating ang boylet, sinabihan niya ako na wag babanggitin ang name ng jowa niya. Hmmmmmm kaloka. may ginagawa kayang kababalaghan ang fotah? Hindi kaya ang boylet na ito yung kinukwento niya dati na dreamboy niya sa probinsiya nila? Pagkatapos naming kumain, humiwalay na ang Asia at ang boylet. Nagbayad lang ako ng PLDT bill at saka kami naghiwalay ni Honey. Babalik daw siya sa school, rarampa.

Pagdating ko ng bahay, charge agad ang cellphone. Text kay NJ.
“I didn’t see you the whole day. Are you okay.”
“Um, yup,” sagot niya.

Okay. Kala ko kasi…..

Tama si Luis. Kailangan kong alamin kung ano yung makabubuti para sa akin, at yung makabubuti narin para sa buong TL. Kailangan kong pag-aralan kung pano mahalin si NJ, gaya ng pagmamahal niya sa akin. Walang labis, walang kulang. Pagmamahal ng isang kaibigan.

artworks by Steve Walker

Wednesday, November 19, 2008

Kung pwede lang, hindi kita bibitawan....


Masarap hawakan kamay ng mahal mo at isiping kayo lang dalawa sa mundo. Pero pano kung kabilang kamay niya, hawak pala ng iba? Bibitaw ka ba? O hihigpitan mo pa ang hawak sa kanya?

Noong lunes(nov.17) nagsimula ito eh. Nagkayayaang pumunta sa Divisoria. Fisrt time kong pupunta. Puff, Asia, Honey, BBB, NJ at ako. Dahil ang daming tao, at siksikan sa mga daanan sa pagitan ng mga tiangge, hawak ako sa braso ni NJ. Ang Puff kay BBB umangkla. Pero tinigilan ang panglalandi kay BBB nung dumating ang asawa niya. Pagkatapos naming maghanap ng shorts na pwede naming gamitin sa PE, pumunta kami sa food court para kumain. Kabisado ni NJ ang lugar, kasi nga may puwesto sila ng mga children’s party needs. Kumain na ako sa school kaya sila nalang ang nag-lunch. Habang kumakain si NJ, panay ang landi ko sa kanya. Hinihimas ang hita niya sa ilalim ng lamesa, nilalaro ko yung buhok niya, hinahagod ang likod. Wala lang, naglalambing lang. “Hon, gusto ko ng ice cream,” okay ewan ko kung saan galing yung hon. Pero ngumiti lang siya at nginuso yung isang corner kung saan may selecta booth.
”Dun oh, wait lang ibibili kita.”
“Huwag na, ako nalang. Kumain ka lang jan.”

Bumili ako ng naka-cup. 40pesos. Kaso walang barya yung tindera sa 500 ko kaya naghanap pa siya, kaso nahirapan yata. Sumunod sa akin si NJ, natagalan yata sa akin. Bumalik yung tindera walang dalang barya. Bumalik si NJ sa lamesa at nanghiram ng pera kay BBB. Bumili din siya ng ice cream sa cone. Balik kami sa table. Naglalandian sina BBB, Asia at Honey. Tuwang tuwa sa mga sintonadong kumakanta sa videoke na nakapwesto sa gitna ng food court. Si Puff at ang mister niya, naglalandian din sa kabilang mesa. Kami ni NJ, enjoy sa pagkain ng ice cream. Palitan kami. Kain siya sa cup ko, kagat ako sa cone niya. Ang saya. Nag-ikot pa kami hanggang sa magkapaguran. At sa lahat ng pagkakataon, hawak ko ang braso ni NJ. Eh kung mawala ako….

Nov18, Tuesday. HAPPY BIRTHDAY NJ. Your TL Family loves you so much. I love you soooooooooooooooo much!!! Umaga palang, puno na ang inbox ko ng mga GMtl text from TLs. Mga pagbati sa minamahal naming metrosexual wahahaha. Alas-tres na ng hapon ng magsama-sama kami. Hindi kumpleto dahil wala sina Jhay at nakauwi na si Barbie. Tambay kaming lahat sa T-spot. Bumili sina NJ at Bernard ng Pizza sa yellowcab. Pagdating nila, may bitbit na dalawang boxes ng pizza at dalawang 1.5 liter ng softdrinks. Ang NJ, handa. May dalang mga disposable plastic cups para sa softdrinks. Ang pizza, parang dinaanan ng bagyo. Maliban sa pang-aasar, pagkain na ang susunod na paborito ng lahat ng TLs. Mapababae, mapalalake, mapabeki. After eating, nagyaya manood ng sine si NJ. Siempre sama ako. Dahil sa kakulitan namin ni Lou nalaglag ang pizza sa damit ko. Sheeeeeeet, papaluin ako ng lola ko. Ayaw na ayaw niyang namamantsahan ang damit ko, puti pa naman. Lagot. Tinanggal ko nalang ang polo ko dahil may undershirt naman ako. Walang ibang sumama sa amin. Si Cinder umuwi na kasabay ng iba. Si Maine may hinihintay. Nagtaxi kami ni NJ papuntang robplace. Parang malungkot siya kaya tinanong ko kung okay lang siya. Ok lang naman daw. Hinawakan ko kamay niya. Nilaro mga daliri niya, lately nagiging hobby ko itoh. Usap-usap hangang sa mapunta kay Cinder ang usapan.

‘Nakipagdate kagabi yun eh,’ biglang lumungkot ang boses niya.

‘Ha? Kanino?’ tsismosa ako eh.

‘Kay Glen. Nakakainis nga. Nagtext sa akin manonood daw ng sine kasama yung friend niyang si Kristine. Tapos tinanong ko kung gusto niyang mag-dinner sa dorm. Oo daw. Kaya nagpasama ako kay Asia sa wendy’s para bumili ng burger na pinabibili niya. Tapos nasalubong namin siya kasama si Glen.’

‘Oh my God! Ano ginawa mo? Why would she lie? Eh hindi naman kayo exclusive d ba? She’s allowed to see other boys naman d ba? Why would she lie?’ siempre ang dami kong tanong.

‘Kaya nga eh. Kainis. Binilhan ko pa naman siya ng burger. Hmmmmp kung alam ko lang sana d ko na siya binili,’ gusto kong matawa. Napakachildish ng reaction ng gagoh. Pero part ng charm ni NJ ang pagka childish niya eh. Hinigpitan ko lalo hawak sa kamay niya.

‘Well, hindi naman natin kasama si Cinder ngayon. You can get even. It’s your birthday at ako kasama mo. Para ka naring nakaganti, we can do more if you want?’ biro ko.

‘Heh!’ sabay tawa siya.

‘NJ, please don’t tell me that you guys actually say “I love you” to each other…’

Hindi siya sumagot. Tumingin sa labas. Alam ko na. He’s probaly starting to care for Cinder. I mean ‘really’ care. Ewan ko kung matutuwa ako o magseselos. Pwede bang mix?

‘You’re crazy,’ bulong ko.

Nanood kami ng isa sa pinakawalang kwentang pelikulag napanood ko. At siempre sinisi ko si NJ dahil siya ang namili ng The Passenger/s. sabi ko na kasing yung Walang Kawala nalag panoorin namin eh. Kakainis. Ikot kami sa mall. Hanap ng school shoes dahil nasisira na ang sapatos niya. Habang nag-iikot, nanlalait kami ng pwede naming malait. Past time ba. Para lang may mapagtawanan. D naman nila alam eh kaya ok lang. Pagkatapos ng napakahabang paghahanap, binili niya yung nasa Wade, maganda na mura pa. Tsaka pang-school lang naman, keri na.Sinigurado muna niyang credit card niya yung dala niya at baka card ng daddy niya ma-swipe niya. Mag-aaway nanaman sila. Gusto kong kumain ng ice cream, meron yung ice cream stand sa 1st floor ng midtown wing ng robplace na gustong gusto ko. Yung ang ganda ng kulay ng mga ice cream. Pero parang jebz ang itsura pag nasa display palang, pero mukha ng ice cream pag nasa lalagyan na. Kaso nagyaya ng mag-dinner si NJ, may mga free meals daw siya sa greenwich kaya yun nalang ginamit namin. Naglalakad na kami papuntang taxi stand ng may masalubong kaming dalawang beki na crossdressers. Impernez, shutiful ang mga fotah.
‘Hi boys,’ sabi pa ng isa sa amin ng malagpasan namin sila. Natawa si NJ, ako din. Bakit hindi, eh pagkamalan ba akong boylet. Baklang bakla kaya ako. Heleeeeeeeeeeeeeeer!!!


Art by Steve Walker

Sunday, November 16, 2008

Nipple Play at ang Demonyang si Mrs. Nogud




So finally nakatulog na ako ng mahaba-haba. Kahapon nag attend ako ng NSTP class. After namin kumain sa mcdo, dumiretso kami ni Honey sa dorm nina NJ at Cinder. Inabutan namin si Gilbeys dun, nanggugulo. At some point, lumabas sina Honey at Gilbeys para bumili ng pagkain. Playtime na. Lagi namang ganito pag kaming tatlo ang magkakasama. Panggulo lang talaga ako. Pero ok lang. Pampalipas oras kumbaga. Higa kami sa dalawang futon na pinagpatong. Gitna ang topless na si NJ. Ang problema kay Cinder, masaydong malibog. Uulitin ko, walang halong eksahersyon yan mga ate. Sakit niya. Basta matipuhan ang boylet, go siya. Until medyo nakakaseryosohan na nga sila ni NJ. Pero dahil puro kami demonyito at demonyita sa TL, nagpupustahan kami kung ilang buwan bago tuluyang bumigay ang bilatsing sa isa sa mga boylets na umaaligid sa kanya. Habang naghahalikan ang dalawa, nilalaro ko naman ang katawan ni NJ. habang panay ang hawi ko sa kamay ni Cinder na panay ang himas sa katawan ko. Yuck!!! Bago pa maglevel up ang laro, may kumatok sa pinto. Si Asia at ang jowa niya. Ilang saglit lang, dumating na rin sina Gilbeys at Honey. Okay, tapos na ang laro.

Pero hindi talaga yan ang gusto kong i-blog ngayon…. Kundi yung nangyari last Friday. Nag attend ako ng religion14 class for the first time. At ito ang masasabi ko. Maldita ang propesor. Bastos at walang modo. Bilang education student, ayokong magkaroon ng gurong kagaya niya dahil baka maimpluwensiyahan ako ng kawalang-modo niya. Bilang presidente ng education 2nd year level, aapila ako sa dean’s office bukas para palitan ang walang kwentang guro na si Mrs. Nogud. Kailangan mga ate. Dahil sa taray kong to, baka kung ano magawa at masabi ko sa kanya sa klase. Imagine, isang meeting palang kami pero nagawa niyang pakuluin ang dugo ko. Kaimbey talaga. Buti sana kung kagandaha ang bilat. Kaso chaka doll talaga. Sa thunders niyang yun, wala siyang pinagkatandaan. Siya ang tipo ng taong madaling basahin ang personalidad. Punong-puno ng lungkot ang buhay niya. Hindi siya masaya sa ginagawa niya. Ang sa akin lang kung ano man ang dinadala niya, huwag niyang dalhin sa klase. Dahil pati mga estudyante niya madadamay sa pagdurusa niya. Gusto kong sumigaw.....

Buti nalang nagyaya si NJ manood ng sine that afternoon. Manlilibre daw siya. Ay lalo akong sumaya. Kahit papano nabawasan ang badtrip ko kay Mrs. Nogud. Habang naghihintay ng taxi sa tapat ng schoolgate, naglaro kami ni NJ. Si Cinder ang panggulo sa mga oras na ito. Dahil kung may makakakita sa amin, iisipin na kami ni NJ ang magsiyota sa sweetness namin at alalay lang ang bilat. Laro namin? Pitikan ng nipples. Kaloka. May 3 chances ang bawat isa sa amin na pitikin ang utong ng bawat isa. Paulit-ulit lang. Punyeta, naninigas na utong ko sa lakas ng pitik ni NJ wala pang taxi. Sumuko na ako. Nagtext ang BBB, nasa school pa daw naglalaro ng volleyball, varsity player ang guapo. Puspusan ang ensayo dahil sa nalalapit na laban. Isang oras nalang daw ay tapos na ang laban, kung mahihintay daw namin siya, sasama siya. Dahil gutom na kaming tatlo, fly kami sa jollibee. Kain. Alas-siete na ng gabi d pa tapos si BBB sa practice. Naextend daw ang oras nila. Nauna na kami sa robplace sa Ermita. Mabilis ang paghihintay ng taxi kumpara kanina. Nasa entrance kami ng rob at mega check ang sekyu sa mga bagelya namin. Nasa likod ko si NJ at may tatlong beki sa likod niya. Nasa pila ng mga bubog si Cinder. Hintay kami ni Cinder habang nasa chekpoint ang NJ, pagkatapos macheck ang bag niya, bigla niya akong niyakap at humagalpak ng tawa. Ang gago maluha luha sa katatawa. Narinig daw kasi niya ang tatlong beki sa likod niya na pinag-uusapan ang aking Hellboy shoes.

Beki1: uy ang ganda ng sapatos nun oh….
Beki2: oo nga ang ganda ng kulay….
Beki3: ay day, bibili ako niyan. Meron yan sa kartimar 350 pesos lang.

Okay… hindi ko alam kung ano ang kartimar at kung saan yun pero heleeeeeeeeeeeer!!! Utang na loob!!!


Sa sampung pelikulang pagpipilian, isa lang ang hiyang, at least sa akin. Walang Kawala by direk Joel Lamangan. Pero kahit anong pilit ko ayaw ni NJ. Ending, City of Ember ang pinanood namin. Dahil last full show, ikot muna kami habang hinihintay si BBB. Pagdating ni BBB, angkla agad ako sa braso niya. Amoy pawis, pero yung mabangong pawis… alam mo yun, hindi maasim. Pero alam mong pawis. Lalo kong hinigpitan ang hawak sa mga braso niya. Hanggang ganun lang naman kami ni BBB, holding hands, yakap yakap, halik sa batok, sa pisngi, sa leeg. Hmmmmmmmmm wala pa namang nangyayaring halikan sa labi. Fotang ina, narealize ko lang, halos lahat ng TL boys komportable sa ganitong set-up sa akin. Minsan iniisip ko na okay lang kasi pinagti-tripan ko lang naman sila. Naisip ko lang ngayon, hindi kaya ako ang pinagti-tripan nila? Sheeeeeeeeet. Anyways, pambata ang pelikula. Pero okay lang kasi nagenjoy naman si BBB. Mababaw kasi kaligayahan niya dahil bata pa. sheeeeeeet hindi ako nakapanood ng Pinoy Fear Factor. Okay lang d naman kasali sa bottom three si Ram.

Gagawa pa akong assignment sa social arts, kaya tatapusin ko na ito. Basta hindi ko na muna isusuot ang sapatos ko, hanggang makaget over ako sa kartimar comment na yan. At Mrs. Nogud, please die. Yun lang.


Wednesday, November 12, 2008

Ram and the Birthday Boy


BBB celebrated his 18th birthday last Monday. Pero dahil wala siyang pasok tuwing lunes, kahapon siya nanlibre. At walang pilitang naganap hehehe. After classes, pumunta kami sa dorm nina NJ at Cinder. Naloka ako. Nasisiraan na nga yata ng ulo ang dalawang toh. Ang liit ng kuwartong inuupahan nila. Since wala pa silang gamit, salampak kaming lahat sa futon na nilatag sa sahig. Ang tv nasa sahig din, ang dvd player nakapatong sa tv. Siempre attack agad kami ni Honey sa bucket ng KFC. Dumating si Asia at si Bernard galing daw ng convenience store. May dalang mga bote ng alak. Sheeet wala ako sa mood uminom. Dahil d naman kami kumpleto, nagpasya ang iba na hintayin yung iba na nasa school pa. kaso nabagot naman sa paghihintay yung iba, kaya unti-unti eh nag-uwian din. Maaga pa nga naman ang klase namin kinaumagahan. May nag-iisang dvd na nakita si Maine. Season 1 ng Dexter, siempre pirated itoh. Tinulugan ko. Alas-siete na ng gabi ng magising ako. Apat na bilat ang iniwan ko sa kuwarto at dalawang bote ng alak. Bahala sila kung ano gusto nilang gawin. Ang NJ hindi pa dumarating. Nasaan kaya ang loko?

Earlier sa school, nag attend ako ng creative writing class, major 7. may quick overview ng subject at kung anik anik pang kachurvahan. Bago natapos yung klase, sinabihan kami ng prof na isulat kung ano yung naglalaro sa mga isip namin sa mga oras na iyon. Sulat daw namin. Simulan daw namin sa mga salitang madaling intindihin, simple kumbaga. Subok nga lang naman. Eto ang nasulat ko… ano kaya masasabi ni Luis at ng Wandering Boi? Natatawa ako, nakakahiya.,…..

How long has it been? A year? No, two.
Have I moved on? I think I have.
School, friends, old and new.
Coming home has proved to be the best decision
I’ve ever made in a long time.
Even better than leaving you.

Ewan ko. Yan yung nasa isip ko ng mga sandaling yun eh…. Chakah hahahaha.

Anyways…. Siempre watch ako ng Pinoy Fear Factor noh. 55 years na tayo kapamilya. Wahaha… oo… kapamilya po ako. Bet na bet ko si RAM. Taena, ang guapo. Yummy!!! Hmmmp kung may txt txt churvah lang yan… mag-uubos ako ng load manalo lang siya. Yun lang…. wushuuuuuuu

HAPPY BIRTHDAY BBB…….. u know, of all the TL boys, I love you tha most.

Tuesday, November 11, 2008

Bending The Bamboo...


Second sem officially started yesterday.... during our social arts, we were asked by the prof to introduce ourselves, tell why we chose our chosen course, and think of an object that best describe our personality and why? there was this guy two rows behind me. i don't think i've seen him around, cause i'd surely remember. tall, slim... almond eyes. the one you see walking down a runway. he said his name is Richmond, cute name. so here is how i introduced myself....






hi everyone. my name is Yj. so unless you call me that, i will not respond. Education is my third course. not that i finished the first two, but i'm going to pursue this one no matter what. i chose education because somehow i knew it's going to make me rich, just don't ask how. if i have to compare my self to something, i'd say, a bamboo. i'm 100% drama free, and that's a good thing. but with everything i have been through, i have come to realize that i have this distinctive personality that makes me stand out even at the toughest and most difficult times of my life. so all you haters out there, hate me all you want, it doesn't matter. i'm a bamboo. you can make me bend but you'll never break me. i gave this condescending look to Richmon and added, of course if you're a hot gorgeous guy, i'll bend for you anytime you want. wushuuuuuuu!!! blush ang loko.






well, it's social arts after all. ha! i would like to take this oppurtunity to welcome Puff. the newest addition to our ever growing TL family. after social arts, we went to T-spot, our litle world in the campus' friendship area.






Puff: fotang ina. kanina pa ako kating kati sa Richmon na yun. ang guapo!!!! kailangan nating pagtulungan yun mare... kailangan natin siyang matikman!!!!






i just smiled.... ang mga babae talaga. kahit kailan, bubog sa landas nating mga bekz....




photo via ohlalamag.com. Christofer Fawcett somehow reminds me of Richmond.