
Bago ang lahat, hindi ito kuwentong kalibugan. Kaya
Glentot Bansot at
Jepoy Payatot (ayan hindi kita tinawag na tabatsoy ha), kung kuwentong kalibugan ang hanap niyo, sa ibang blog kayo pumunta. Blog is a mirror of one's personality. Kaya wholesome ang blog ko, dahil ganyan din ako sa tunay na buhay. Promise!
Anyhow, may friend ako. Boylet. Sobrang hot. Ipinanganak ang gago na may 6-pack abs. Yeiz. Pagkasilang sa kanya, may abs na siya. Taray di bah. Sobrang tangkad ng friend kong toh. Puro kanto ang mukha, kahit saang anggulo mo tignan parang model lang. May pagka blonde pa ang buhok kasi nga sabi niya half-Pinoy half-Swedish daw siya. Pero feeling ko, half-fish half-bitch lang naman. Feeling ko talaga isa ring sirena ang friend kong to.
Anyhow ulit, mahilig magpamasahe si friendship. Pero hindi naman sa mga mahahalay na massage parlor na lagi kang tinatanong ng "anong gusto mo sir? Sop o moderet?" At kapag tinanong mo naman ng "Ano ba yung kaibahan ng soft at moderate mo?" Sasagutin ka ng "gusto mo ba sir sopsopin ko pa o gusto mo deretso na?" Serbis parlor pala napuntahan mo teh!
Anyhow for the third time. Sa massage parlor na to, may suki ng masahista ang friendship ko. At lalake ang masahista ng higad. Pero isang araw, wala ang suki niya kaya kinailangan ni friendship na mamili ng ibang masahista. Cut the story short nasa massage room na ang dalawa. Nakadapa ang hubad na si friendhip habang sinisimulan nang lagyan ni masahista ng grasa ang kanyang buong katawan. Saka sisilaban. Bongga!
Tapos, karindi na ang anyhow, itong si masahista, mukhang naramdaman na medyo asiwa ang friendship ko sa kanya. Kasi nga first time nila sa isa't isa kumbaga. Kaya si kuya nag try mag fire up ng conversation.
Masahista: Sir may asawa na po ba kayo?
Friendship: Wala pa kuya. Bata pa ako eh.
Masahista: Eh anak sir? Meron na?
Friendship: Wala din kuya.
About this time, medyo feel at ease na ang friendship. Kaya siya naman ang mega ask ng mga tanong.
Friendship: Ikaw kuya may asawa ka na?
Masahista: Meron na po sir.
Friendship: May anak ka kuya?
Masahista: Meron na din po sir.
Tuloy ang masahe. Si friendship nanahimik na dahil wala ng maisip itanong. Nang biglang...
Masahista: Hindi ako makapaniwalang wala pa kayong anak sir.
Friendship: Huh? Kuya wala nga akong asawa pano ako magkakaroon ng anak?
Masahista: Naiintindihan ko naman po yun kung wala kayong asawa. Hindi lang ako makapaniwala na wala pa kayong anak.
Friendship: Bakit naman po?
Masahista: Eh di ba sir, sabi nila kung may stretch mark ka daw may anak ka na?
Bwahahahahahahaha BANG! BANG! yun lang.....
******
Siya nga pala, totoo lahat yan, maliban sa abs, beerbelly kasi meron tong friend kong to.... niyahahahahaha