Pages

Monday, June 29, 2009

Three Hits Minus One.....

HAPPY BIRTHDAY RACHEL......!!!















I was supposed to go to 4 parties last saturday night (june 27)....

1st stop, Somerset Village in Pasig. Birthday ng sisteret naming si Rachel. Hindi ko kinaya. Kasabay ng pagbaha ng alak ang pagbuhos ng mga boylets na puro anak ng diyos. Ito kasing si Rachel at Ez eh mga modil-modilan kaya naman mega-aarive ang kanilang mga boylets na kasama sa ahensiya nila. It's raining men talaga mga ateh. Kainis lang, d pa naa-upload ibang mga pics. Ayoko na sanag umalis dun dahil nakatutuwa ang bangayan ng mga bayotang sina Angel at Jaja. Kanya-kanya silang eksena para mahagip sa ganing yun. Ewan ko lang kung sino ang nag-title dahil kinailangan naming umalis ni Ez at isinama na rin si Tope (badesa bamba in checkered purple).

2nd stop, Club Uno.... hindi ko talaga kilala ang may birthday, pero impernez napaka-accomodating ng mga utaw dun. As in kokoronahan mo silang lahat ng Miss Friendship crown. More cuervo, more fun. Ang dami-daming pinapakilala si Ez na mga friendship niya, mga boylets na chaynez-chaynezan. Mga merlats na parang sa lamay pupunta at uniform talaga sila sa kanilang mga little black dresseseses. Nakakaloka. Hanggang sa ipakilala ako kay M.

Totoo pala ang sinasabi ni Aris. May mga ganitong pagkakataon pala talaga. Yung biglang mararamdaman mong hihinto ang mundo sa pag-ikot dahil hindi na siya bilog.... hugis-puso na. Akala ko pag sinasabi nilang "makalaglag panty", isang eksaherasyon lang, metapora kumbaga. Literal pala.

Hindi na kami nakapunta ng Ascend. Alas-kuwatro na ng umaga kaya hinatid na namin si Ez. Dumiretso kami ni Tope sa Malate para sa white party. Pasabog parin ang aming dinatnan. Full force pa rin ang mga badesa. Alam ko ngenge na ako. Wala na ako sa katinuan.

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa alarm ng nielpon. Shet may susunduin pala ako sa airport. Nakakabulag ang matinding hung over. Pano ako naka-uwi? Dali-dali akong naghubad para maligo. Pagtanggal ng aking pantalon...... punyeta!!! Saan napunta underwear ko? Shet bago pa naman yun.... sayang.....!!!!


HINDING HINDI NA AKO IINOM NG ALAK...... ISASABAW KO NALANG SA KANIN!!! blep:P












Saturday, June 27, 2009

Bakal Bitch

June 20 (Sabado)…. Papunta ako ng RobPlace ng masalubong ko si NJ. Nagbatian naman kami. Hindi yung ganong klase ng bati, BASTOS! Simpleng hi-hello lang. Tapos nagkatanungan kung saan pupunta. Biniro ko siyang ihatid niya ako sa mall, pero naghihintay kapatid niya para sunduin niya, kaya next time nalang daw. Okay…. At least nag-uusap na kami ngayon. Kahit ganun lang….. Huwag ng kumuda yung iba jan. Back to being friends na kami, bakit ba!!!

From the mall, dumiretso na ako sa dentist, dahil babakuran ang mga ngipin ko. Shetness, hate na hate ko noon mga taong naka-braces tapos ngayon ako din pala. Peste talaga. As in super eeeeeeeeeew. Ayoko naman talaga, dahil in the first place hindi naman pangit ang alignment ng ngipin ko. Kaso lately, napapansin ko na laging nagla-lock ang aking panga at hindi nakakatuwa. Isipin mo nalang day, kumakain ka, sarap na sarap ka sa pagnguya tapos biglang…. O kaya, mega hada ka sa nota ng boylet. As in super suck ka as if all day lollipop ang sinusubo mo tapos biglang…. Ewan ko lang kung anong level ng panic mode ang abutin mo. Kaya go agad sa dentista at ang dahilan pala ay ang abnormal na bite ko. Nganga ka, tapos kagat. Kung magkadikit ang upper at lower front teeth mo, swerte mo… kasi ako HINDI. At yun ang aayusin ng dentista…. Iniisip ko palang kung anong hila ang gagawin niya para bumaba ang upper front teeth ko at umangat ang lower front teeth ko, aaaaaaaaaaay ayokong isipin. Shetness talaga…

Dentist: do you remember kung nag tumb sucking ka nung bata ka?

Yj: I swear doc, never po talaga.

Dentist: bakit kaya nagkagayan ang bite mo?

Yj: doc, I therefore conclude, nakakadiskaril ng bite ang pagchupa…. Bwaaaaaah!!!

Dentist: Gago ka talaga. Pag nalagay braces mo, iwas subo ka muna ng kung ano-ano ha!

Gusto ko ng umurong ng marinig ko yun… Pero tarush d ba, ganyan kami ka-close ng dentist ko. Ewan ko lang kung masabi niyo sa dentista niyo yan…..

Buraot to the max talaga. Ang daming bulak na nakasalpak sa bunganga ko at forever ngangey ang drama. After what seemed to be an eternity, natapos din. Nang makita ko sa salamin ang kabuuan ng ngipin ko na puro bakal at alambre na ngayon, gusto kong umiyak. Chaka doll talaga. Pero deadma na, 18 months lang naman daw. As in WTF… 18 MONTHS? AS IN 18 MONTHS? Gusto ko ng panawan ng ulirat….


Bawal kumain within the next 4 hours, pwede liquid basta mag-straw, pag naramdaman mo ng sumasakit inom na ng pain-reliever, yan ang mga bilin ni doc bago ako umalis ng clinic niya. Kaya naman, dalawang oras palang ang lumilipas nasa balor na ako ng mga friendships kong sina Irish at Billy dahil birthday ng baby brother ni Irish na super guapito. Ang cute-cute niya gusto ko ng baklasin ang braces ko ng mano-mano mangitian ko lang siya ng maayos. Ayun laklak ng redhorse ng naka-straw. Tarush d bah? Hanggang alas-kuwatro ng umaga day, more inom parin ng redhorse at talagang more straw, more fun itoh. Nang magpaalam ako para umuwi, ayaw akong payagan ni birthday boy, yumakap sa akin at humalik sa pisngi ko. Huwag daw muna akong umuwi. Sabay kantiyaw pa ng magjowang Irish at Billy. Shetness, kung wala lang akong lakad sa araw na yun….. Tuwang tuwa ako dahil hindi ko man lang naramdaman ang sakit na sinasabi ni doc na normal lang daw sa mga nagpapabraces. Dahil pala sa kalasingan. Pero ng magising ako…… Poooooooooooootang Inaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa………………….!!!

Blep:P

Wednesday, June 24, 2009

Transformers 2 Delivers!!!

Met atty.Ace in robplace earlier. She just got back from her Singapore-Malaysia trip. Ang bruha walang dalang pasalubong dahil ang mamahal daw ng bilihin. Kaya naman, nilibre nalang niya ako ng dinner, coffee and movie. Beggars can't be choosy. Libre na nga, tatanggi pa ba ako? They had about 4 advance screening ng TRANSFORMERS 2 Revenge Of The Fallen..... siempre hindi ko ikukuwento kung ano nangyari.... panoorin niyo nalang.... pero may ise-share akong secret....

may frontal nudity si bumblebee..... kaya lang KUMURAP TALO... kaya dapat hindi kayo kukurap sa kabuuan ng pelikula para makita niyo potutoy niya.... bwahahahahaha




Bukas nalang ako mag a-update.... antok na ako eh.... muahz......
PS... who ever said that Maegan Fox is the next Angelina Jollie is keraziiiiiiiiii.... mag-ahit lang ako ng bigote day, maganda pa ako sa kanya... TSE!
"sometimes, the coward survives...."--- Revenge of the Fallen

Friday, June 19, 2009

First Day High....




Oh d vah, feeling high school lang. Classes officially started last Monday (June 15).... Isa lang ang klase ko at hindi dumating ang prof. Bongga. Inaayos ni friendship Ez ang kanyang schedule na talaga namang pagdurusa gaya ng sked ko. At dahil hindi nakatutuwa ang maglakbay from one college to another lalo nakung kailangan mong mag-pumanhik panaoog sa hagdanan dahil wala namang elevator ang purita mirasol naming school, nagkayayaan nalang kaming mag…. Greenbelt. At unang araw palang ng klase, lagas na ang allowance ko for the whole month. Kasi naman pag kami ni Ez ang magkasama, hindi talaga maiwasang hindi gumastos. Buti nalang at iniwan ko sa bahay ang andalucia na pang open ko ng bagong bank account para sa aking maliit na “business”, at may friendship pa akong kailangang bayaran sa perang pinahiram niya para sa aking puhunan. Gudlak Melo! Echoz….

Dahil ayoko ng gumamit ng shoulder bag, baka kasi pagkamalan akong bading, bumili ako ng backpack. Kailangan yung boyish ang design. Yung pink. Choz. Siempre black ang kulay na pinili ko. Kaya lang napag isip-isip ko na parang boylet na boylet ang aura ko sa design at kulay ng bag, kaya para magkaroon naman ng touch of girliness, kinabitan ko ng keychain….






At hindi pa diyan nagtapos ang gastos, more pasok pa kami sa kung ano-anong shop. Hanggang sa mapunta sa topman. At nagsusumigaw na yung checkered shirt in black and yellow… BAKLA! BILHIN MO AKO! BILHIN MO AKO!.... ako naman si tanga sinukat ko. XS. Ang taray ng fit. May korte pa sa side. Pero may kuda ang Ez…

“Ay hindi bagay sayo… ang itim mo kasi….” ismid ng bilat. Kala mo kung sinong kaputian kung laiitin ang kulay ko. Pero impernez trulili… parang hindi nga bagay sakin. Palabas nalang kami ng shop ng kumuda nanaman ang hitad….

“Ay… try mo tong black and red….”

At dahil favorite color ko ang red, kesehodang chakaru sa akin, buy! Pero ang pinakahighlight ng araw ko ay nang makita ko tong store na to sa greenbelt 5. Hindi ko na nga napansin yung name ng store. Nakita ko kasi yung shoes na naka-display sa gitna ng store. Highcut. Metallic “red”. Supra. Halos lumuwa ang mga mata ko at maghugis puso. Kakainlab ang shoes. Hinaplos ko. Aaaaaaaay.

“Would you like to try them on?” ang shoray ng accent ng nagsasalita.

Sobra akong amazed sa sapatos hindi ko man lang napansin yung boylet na nasa cashier at nagtutupi ng mga damit. Siempre nilingon ko siya. Gusto kong umiyak. Ang guapo ng gago. Anak ng mga diyos at diyosa. Mas nakakainlab pa siya kesa sa sapatos na hawak ko. Dahil iniwan na niya ang kanyang ginagawa at lumapit sa amin, nahiya ako bigla kaya balik sa shoes ang tingin ko. At nakita ko ang presyong nakasulat sa maliit na papel na nakadikit sa suwelas ng sapatos.

9,999.00Php

WTF!.... sampung libo? Biglang naglaho ang pagmamahal ko sa boylet, I mean sa sapatos pala.

“Would you like to try them on?” tanong ulit niya sabay ngiti ng super super sweet.

Dahan dahan kong binalik ang shoes sa lamesa.

“No… thank you,” ngiti din ako ng mas sweet sa ngiti niya. Nag byutipul eyes pa ako. San ka pa?

“No problem,” sagot niya at tumango pa ng bahagya.

Walk out na kami ni Ez. Habang kapi-kapihan kami sa starbucks, kuda nanaman ang merlat tungkol sa mga plano niyang bilhin before the month ends. Ispluk lang siya ng ispluk habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya na kunway nakikinig, pero may malalim talaga akong iniisip…. Kung may sampung libo lang ako, nagamit ko na sana ang linya ni Tristan… “ so do these shoes come with a date?”

Ang saya ng unang araw ng klase….

Blep…:P

Wednesday, June 10, 2009

Oh Well....

I was talking to my mom over the phone earlier and we almost got into a fight, again. It took me all the strenght i could muster to control my temper. Apparently, my brother didn't pass a single subject last semester. How the hell was i supposed to know about this? He lives with his girlfriend in their own apartment. He was doing good in school the year before and that's when they were still living with me. Since I'm the eldest, I made the house rules. I gave them curfews which they broke occasionally. They would usually sneak out at night and come home drunk, I'd get mad and scold them. They probably got sick of this, so they decided to move out and get their own place. I was so against the idea but my mom approved of it. And now she's blaming me for what happened to his studies?






I just had to get out of the house or I would lose my sanity or what's left of it. I sent a GM asking who wants to have coffee, but everybody seemed to be busy or probably resting already since it was half past ten. Ten minutes later and my girlfriend Ez texted me saying she was bored out of her skull and was thinking of going to greenbelt for coffee. Half an hour and we're already in starbucks drinking hot cafe mocha. As if the coffee wasn't enough to calm my nerves (siempre kape kasi ang gawing pampakalma... eh d lalong ninerbiyos... may katangahan talaga ako palagi) i had to lit a stick of frost. Ten, twenty minutes later and i was smiling. Parang adik lang. We just let our eyes feast on the cutie cute guys scattered all over the place. We waited for Ez' husband, Alek, who came from a poker game.






We went to their place for a quick recap. Alek and Ez invited me to sleep over but i decided to go home. I was browsing through some Idol videos and i found this. Surprisingly, i found myself humming to its tune on the second chorus. Humming to the tune of a love song... okay, maybe i'm not totally over him, but this is a good sign. Wala lang..... bangag nanaman eh....


Wednesday, June 3, 2009

Coffee Babies....

This post is long overdue. A lot has transpired during the summer vacation. Who knew that my May would be a blast? Anyhow this is about my babies, my coffee babies. I have to admit that I started blogging because of ‘him’. Para akong grade school girl lang na gustong mag Diary bigla dahil may crush na siya. I wanted to keep a record of everything that happened each time we’re together. Ganun lang. Click here and there, and I discovered other people’s blog. Basa dito basa dun. Hanggang sa makahanap ako ng mga blogs na talagang nakaka-adik. Others found my blog. May mga nagtiyagang magbasa. Yung iba sobrang bored siguro nag comment pa. Hehehe (joke lang). Ayun, masaya pala mag blog. You get to learn from other people’s thoughts. You gain friends, virtually at first. Then you meet them in person and realized that they are real. Na hindi sila aliens. Hihihihi. Now I blog for a lot of reasons. Hindi nalang dahil sa ‘kanya’.




I was with my friend Ez the first time (April 3) I met Herbs. A boy who writes and expresses his thoughts so well that people find his mind to be way ahead of his years. A 16-year old boy who has a lot of insecurities and brave enough to admit them. He reminds me of myself when I was his age, pero ugali lang. Mas maganda ako sa kanya eh, hahahaha. Echoz. We had an early dinner in a sports grill in greenbelt then watched Monsters vs. Aliens which was really good. Then spent sometime in Bed Space dancing around cutie high schoolers to the music of the worst DJ ever (sabi ni Herbs yan, ker ko ba basta magpatugtog siya ng Rihanna keri na).

Two days later, he invited me to another coffee date, this time with three other bloggers. Victor, CB, and ParteeBoy. Herbs was already in Kopiroti (Columns) when I got there. He was toying with his dslr. He took some pics (that he sent to me days later, photoshoped) of me while we were waiting for the other boys. Victor and CB came together. Herbs introduced us to each other. Victor, who’s an Ilocano like me had the most georgeus hair I’ve seen in a long time. Bagsak kasi, tapos parang ang lambot lambot pa. I was a heart beat away from asking him if I could touch it. Hahahaha. Kaso baka mag freak out ang loko. Malakas pa magtrip. When I asked him kung saan siya nagwo-work, sagot niya Mcdonalds. Naniwala naman ako. CB, the boy with the infectious smile and giggle. Galing pa magkuwento, minsan may action at demo pa. Hahahaha. Nakakaloka. It didn’t take long before Parteeboy arrived. Mukhang galing sa gym, may dala-dalang sports bag. Love ko na agad siya. Sabi kasi niya I look younger daw kesa sa tunay kong edad. Hahaha. Plus he’s got perfect skin. Gusto ko tuloy biglang laklakin ang mga bote ng pure white na naka stock sa bahay ko.


More coffee, more fun mode. We spent time talking about some old posts from our blogs, and posts from other bloggers. We talked about unforgettable lines from the best local movies. Ito yung part na nagkwento si CB regarding a scene from Virgin Island ba yun? May kasamang demo kaya tawa kami ng tawa, muntik pa akong malaglag sa upuan. Siempre hindi mawawala ang usapang boylets.

Dahil nagugutom na ang baby gurl namin na si Herbs, transfer kami sa pinakamalapit na Mcdonalds. The boys ordered happy meals. Characters kasi from Monsters vs. Aliens ang featured toys. We spent another hour of talking about religion and a strange but interesting way to fight ageing (courtesy of Victor) na gusto kong subukan, kaso scarry, baka mategi ako. Hahahahaha. Pero powerful daw talaga.

All in all, it was a very insightful and fun night. One I will remember for a very long time. Masaya ako na nakilala ko kayo. Kaya tara na, kape na.

Friday, May 22, 2009

Dahil Dyan....

Ngayong araw na ito, hiwa-hiwalay naming ginugunita ang ikasampung buwan ng aming pagkakaibigan....

Text ni Maine kanina....

GMTL. to comemorate r 10th, heto ang sampung ultimate memories ng TLs:

1. sa pad ni barbie, buo ang katorse... pictures, inuman at kainan galore. may mega sharing din pero ung mga nasa matinong kaisipan lang ang nakinig. c Cinder at NJ nagtatago sa mahiwagang batik na kumot, c LA at BBB may payakap yakap habang nagpipicture. C Yj nag imbita sa bahay nila, may anak na daw siya. Nawala nya ung gucci pendant na nakita naman. C Lou naging alalay ni Barbie. Nagsleep over ang ilan....

2. Dagdag na

Siempre pa hindi ako nagdagdag. Basta nag GM din lang ako ng greeting. Pero bilang paggunita ko sa 10th monthsary ng grupo.... heto ang sampung dahilan kung bakit hindi ko malilimutan ang mga TLs kahit anong mangyari.........

1. Tambay kami sa isang bakanteng room. Full force ang aircon. D pa ako memeber ng TL. Naglalaro sila ng card game sumthing... tinulugan ko sila. Nagising ako, nagyayaya si Maine maglaro ng charade, tinanggihan ko. Pumasok si NJ sa kwarto, hindi ko pa siya kilala nun. Pero crush ko na. Sumali na ako sa laro. Pinakilala ako ni Maine sa lahat ng TLs na nandun. Grupo namin ang nanalo dahil kami ang mas matanda, mas marami kaming alam na pelikula. Yun ang kategoryang pabor samin. Nakilala ko na crush ko...... Dahil dyan, naging TL ako.

2. Lahat kami may mga TL names. Si Bernard, Talinong Langaw. Kasi daw tanga siya. Pero siempre biruan lang yun. Pero minsan nakatambay kami sa Tspot. Napag uusapan ang inuman.

Maine: Next na inuman body shot naman.

Barbie: Oo nga para masaya.

Bernard: Ate ano yung body shot?

Maine: Yung mag iinuman. Tapos ilalagay sa katawan mo yung salt, kunyari sa dibdib, tapos didilaan tapos iinumin yung alak.....

Tuloy ang usapan. Maya-maya pa, napansin ko na si Bernard, nakayuko, nakalabas ang dila na tila inaabot ang dibdib. Inginuso ko siya kay Maine.

Maine: Anong ginagawa mo?

Bernard: Ate hindi ko kayang mag body shot......

Dahil dyan, napatunayan kong may katangahan nga si Bernard. Bwahahahahaha

3. Isang gabi nagtext si Gilbeys. Kailangan daw niya ng kausap. Naguguluhan daw siya sa nararamdaman niya. Naiinlab daw siya sa isa sa mga TLs. Siempre dahil super close kami, inisip ko na ako. Hahahaha. Okay, hindi ako. It turned out na si EllaB. At ang malupit nagkakagusto narin si EllaB sa kanya. Ang mas malupit pareho silang committed nun sa kani-kanilang mga jowa. Ang pinakamalupit naging sila... yata?! Kaso hindi rin nagtagal dahil napagtanto nilang hindi tama. Sikreto yun eh, pero somehow nalaman ng ilan. Pero still, exciting parin. Relasyon na itatago mula sa closest friends? Hmmmmmmmm.... Dahil dyan, nagka ideya ako.... hahahaha

4. Si Asia ang pinakamasayahin sa lahat. Walang araw na hindi siya pumapasok ng hindi nakangiti o nakabungisngis o nakatawa. Lahat maganda para sa kanya. Kung nasan siya, lahat gumaganda, lahat sumasaya. Kahit may sakit na, nakukuha pa rin niyang tumawa. Sa kabila ng mala Romeo and Juliet na love story nila ni Graham, patuloy siyang naging masaya. Walang iniintindi, animo'y walang problema. Pero minsan nag-inuman sa bahay. Pinakahuling dumating si Asia, nagpagupit kasi. Nakabangs ang potah. Yung por kilong bangs. Nagkalasingan. Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Asia nakatuntong sa sandalan ng sofa. Sa tabi ng bukas na bintana. Yakap ang mga binti, ang baba sa tuhod. Umiiyak siya, First time ko siyang makitang umiyak. Pero sa pagitan ng mga hikbi, siya ay kumakanta.... If ever you're in my arms again.... natawa ako sa eksena. Turned out na nag break pala si Graham dahil tinawag niyang pokpok ang nanay ng jowa niya. Pero dahil diyan napagtanto ko, kahit gaano kalakas ang loob ng isang tao sa mga pagsubok sa buhay, kahit gaano kapositibo ang pananaw mo sa buhay, bibigay ka pagdating sa pag-ibig.

5. Nagkaroon ng kaaway si LA. Kaklase rin namin. Nagkaroon tuloy ng mga grupo grupo sa block namin dahil sa nangyari. One time, sumobra na ang mga pasaring na binibitiwan ng kaaway niya. As in below the belt na. Sorry, nag volt in ang mga TL girls at pinagtanggol si LA mula sa kaaway. Isang matinding komprontasyon ang naganap. Umiyak ang kaaway ni LA. Nagsorry ang dalawa sa isa't isa. Wala ng away na naganap sa pagitan nila mula noon. Dahil diyan napatunayan ko na kahit sa gulo, maasahan mo ang mga TL..... girls. Ewan ko lang sa mga boys.

6. Sa dorm nina NJ at Cinder. Nag-iinuman yung iba. Birthday ni BBB. Sumunod kami ni Honey. Inabutan namin sila sa napakainit na kuwarto. Tanghaling tapat kasi. Hindi kaya ng electric fan ang init ng panahon. Sabayan mo pa ang init ng katawan ng mga walang hiya dahil may mga landian na palang nagaganap. Pagkakain namin ni Honey, biglang nagkantiyawan yung mga nauna. Ituloy na daw...... ang alin? Tumayo si Puff, nagsimulang sumayaw. Yung mapang akit na sayaw. Sheeeeeeeet. Bigla siyang pumatong sa nakahigang si Barbie at sinimulang gumiling. Naloka ako. Dahil diyan napagtanto ko din na pwede palang magbalahuraan ang mga magkakaibigan. Ang saya.....

7. Si Cinder ang pinakasira ulong miyembro ng TL. Literal na kringkring ang merlat. May sayad talaga. Pakantot pa. Pero sa kabila ng lahat ng kanyang kapansanan, tinanggap siya ng grupo. Walang halong pag-iimbot. Sa lahat ng kanyang kaaway pinagtanggol namin siya. Tampulan siya ng paninira ng sa kalakhang unibersidad. Dahil sa kalandian niya. Pero kami ang gumawa ng paraan para mapabulaanan ang mga paninirang yan. Dahil sa TL, nagkaroon ng konting respeto ang mga tao sa kanya. Kaso pati kami kinalaban niya. At bago yun, ginawa pa niya kaming tanga. Ayun, ang pakantot na merlat, naging kawawang pakantot na merlat. Dahil nilabas namin ang lahat ng kanyang baho. In and out na baho. Bwahahahahahaha. Narealize ko na kayang kaya namin gawing diyos o diyosa ang isang tao kung gusto namin, at kayang kaya rin naming gawing impiyerno ang buhay ng taong yan pag kinalaban kami. Dahil dyan naranasan ko kung pano maging isang mean girl...... Bwahahahahaha.....

8. Recognition day. Si Lou, BBB, NJ, Maine, LA at ako. Mga awardees. Academic, sports, service, at leadership(yata?!). Dahil dyan, napatunayan ng college namin na ang grupo namin ang pinakabonggang grupo sa school. Sikat kami hindi lang sa kagandahan, kundi sa talino at talent din. Hindi gaya ng iba......... eeeeeeeeeeeeeeew. Hahahahaha echoz lang.....

9. Nabuntis (DAW!) ni NJ si Cinder. Dahil dyan, napatunayan kong mas tanga si NJ kay Bernard.

10. Minahal ko si NJ. Naniwala ako nang sabihin niyang mahal din niya ako. Dahil diyan, napagtanto ko AKO pala ang pinaka-TANGA sa grupo.

HAPPY TENTH MONTHSARY TLs..................

Monday, May 11, 2009

Sorry.........

People have been texting me, asking why i haven't written any post for the last couple of weeks.... medyo busy lang po... salamat sa pagiging concern niyo.....
Three days ago, may dumating akong friend from Japan... thunders na itey, as in malapit ng magsitenta. Ipinasyal ko siya sa probinsiya. Dahil babalik na siya ng Japan bukas, mag u-omise kami later tonight. Shet hindi pa ako nakakapasok sa mga club na may mga babaeng sumasayaw, pero yun ang gusto niya kaya pwes, dun ko siya dadalhin. Salamat kay Dabo, napakalaking tulong ng naibigay niya sa akin. Wala nga kasi akong alam sa mga club-club na yan kaya nagresearch pa yata siya at tinext sakin kung saan makakahanap ng mga GROs from low class, mid, to high class.... TARUSH!!!
Bukas, pagkahatid ko kay thunders sa terminal 2, may susunduin naman sa terminal 1, panibagong visitor from Jafan Jafan sagot sa aking kahirafan....
Hindi lang sa paglalandi ako busy, may lehitimong dahilan ang matagal kong pananahimik. Dumating din si bestfriend from.... JAPAN din.... eh sa mga JAPAYUKI kami eh!!!! Dahil buntis ang lola niyo, mamamalagi siya dito hanggang siya ay manganak. Para naman hindi boring, nagtayo siya ng business... computer shop.... ako ang tumutulong sa kanya sa lahat ng kailangang isagawa. Sa May 18 ang soft opening.... imbayted kayong lahat... pag naka-tatlong oras kayo, may libreng chupa bwahahahahaha......
Anyways, sayonara na muna byuti ko at makikipagkita pa ako kay Dilan.... siya ang may mabuting kalooban na sasama sa akin para ipasyal si thunders sa mga madidilim na kwadra ng mga nakakaasong bilat.... waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.....

Friday, April 24, 2009

Si Olay at Ang Baklang G.I. Jane...

Earlier today, mega browse ako ng friendster at na sight tsina kez ang newly uploaded pics ng mga bayots sa Ray's Salon. Mga mokchurs nila nitong nagdaang holy week sa Mauban Quezon. Matagal na akong niyayayang rumampa ng friendship kong si Ray dahil ang tagal na rin niyang hindi umuuwi dun, pero wala lang talaga akong time. Gaya nitong nakaraan, yung araw na nasa Mauban sila ang siya ding araw na nasa Pangasinan kami ni NJ, kaya hindi ako nakasama. Nawindang ako sa mga mokchurs lalo na kay baklitang Melvin na walang takot magpanty sa tabing dagat kesehodang malaki pa kay Erap ang chanda. Naintriga ako na wititit appear sa mga mokchurs ang mga bayotelang sina Red at Rhea kaya naman dali-dali akong nagfly sa salon para makichizmax.


Inabutan ko silang busy-busy-han sa mga kustomer na merlat na nagpaparebond. Si Inay Yuki ang gumagawa, si Ray may ginugupitan, si Melvin kalmado lang. Kembot. Ang jowa ni Ray na si K, nandun din nakatambay. Mukhang malungkot.


"Nasan ang Red at Rhea?" tanong ko sabay salampak sa sofa.


"Hay naku... mahabang kuwento. Pinalayas ko na..." sagot naman ni Ray. Waing ko na inurirat dahil alam kong madaling pumutok ang fuse ng bakla.


"Kumusta ka naman?" tanong ni Yuki.


"Eto... lungkot-lungkutan... waing na sa buhay ko si NJ...." sagot ko.


"Sure na... iniwan ka niyan dahil sa bigote at balbas mo... Bakla naman. Kahit ako ang lalake iiwan kita dahil dyan eh..." banat ni Melvin.


"Potang ina mo!!!" binato ko siya ng throw pillow, alert ang bakla, nasalo at panay ang tawa.


"Hay naku... ayan ipakuwento mo kay Melvin ang mga nangyari nung holy week. Ang pota may winarla nanaman dun...." sabi ni Ray. At ang Melvin, pumuwesto sa harap ko na akala mo eh huling araw na ng kwento at ang lakas lakas ng boses...


"Bakla huwag kang sumigaw, magkaharap lang tayo oh!!!" pang ookray ko sa kanya. Hininaan naman niya ng konti ang boses niya.....


"Kasi ganito yun....." at nagkuwento na nga ang potah....


Da Adbentyurs of Olay

Isang araw, napagdiskitahan ng mga bayotelang sina Ray, Yuki at ang pinakabatang si Melvin na mag-semana santa sa probinsiya nina Ray. Sa Mauban Quezon. Dahil nauna ng bumiyahe ang mga kapamilya ni Ray, sumabay nalang sila sa bunsong kapatid niyang isang pulis at sa asawa nito. Gamit ang karamba ng kapatid, bumiyahe na nga ang mga bayot. Pagdating sa bahay nina Ray na nasa gitna ng palayan, eksayted na bumaba ng kotse ang mga bakla. Sinalubong sila ng mga pinsan at nagkumustahan sa labas ng bahay. Nawindang ang mga bakla ng malaman na hindi pa dumarating ang mga kapamilyang naunang bumiyahe. Dahil dito nagkaroon ng konting commotion...

Ray: bunso wala pa daw sina mama.... sigaw niya sa kapatid

Yuki: natural na mahuli sila... nag commute sila eh...

Melvin: baka nadisgrasya yung bus....

Ray at Yuki: TSE!!!

Nang biglang mula sa terrace ng kapitbahay ay may mamang sumigaw ng: "HOY!!! Ang iingay niyo mga bakla!!!"

Sagot ang Ray: "HOY KA RIN!!! Huwag mo kaming mahoy-hoy dyan ha. At hindi kami maingay noh!!!"

"Buhusan ko kayo ng tubig eh...." nanakot ang mama.

"Sige subukan mo lang... hindi mo ba ako kilala?" hamon ng baklang Ray.

Nanahimik na ang mama at mukhang bumalik sa loob ng bahay. Balik naman sa pag-uusap ang mga bakla. SPLAAAAAAAAAAAAAAAAASH.

"Aaaaaaaaay putang inaaaaaaaaaaaaaaaaaa...." sigaw ang mga bayot.

"Ano ka ngayon ha?" sabi ng mama sa terace ng kapitbahay, may hawak na planggana.

"Bumama kayo dyan!!! Ipapabarangay ko kayo!!!" sigaw ni Ray habang dinuduro ang kapitbahay. "Bunsoooooooooooooooo..." tawag niya sa bunsong kapatid na pulis na dali-dali namang lumabas.....

"Oh anong nangyari?" tanong ni bunso.

Biglang may lumabas na ale mula sa kabilang bahay. "Naku pasensiya na kayo at lasing lang ang
mga iyon...." sabi ng ale at tinutukoy ang mga kapamilyang nag-iinuman sa taas ng kanilang bahay.

"Nakow, at bakit tayo magpapasensiya eh ang iingay ng mga baklang yan!!!" sabat ng mamang lasing na nakadungaw parin sa terrace.

"Tse... manahimik ka. Palibhasa wala kang pinag-aralan...." sigaw ng baklang warlatik na si Melvin na pinakabasang basa sa lahat.

"Hoy ang sakit mo magsalita ha!!!" sigaw ng mamang lasing at tinuturo pa ang bayot.

"Tiyong naman... Si kuya Junjun toh...." sigaw ni bunso sa lalake sa terrace sabay akbay sa kuya niyang si Ray. Mukha namang nagulat sa narinig at biglang nahimasmasan ang lasing.

"Ha? Junior ikaw na ba yan? Anak ng... anong nangyari sayo? Bakit mukha ka ng babae..." tanong ng lasenggo sabay tawa.

"Si Tiyo Ziriaco yan... d mo na ba naaalala? Pinsang buo ni papa yan. Tagal mo kasing d umuwi eh......" sabi ni bunso kay Ray.

"Pasensiya ka na pamangkin.... akala ko kasi kung sinong maiingay na mga bakla eh... ikaw pala.." paumanhin ni tiyo Ziriaco sa mga bakla.

"Tse!!!" sigaw ni bakla at hinatak ang dalawang bayot papasok sa loob ng bahay. Naiwan naman sina bunso, at ang ale, at si tiyo Ziriaco sa terrace.... tumatawa.


Itutuloy......

Tuesday, April 21, 2009

Tama Sila.... Kaya Tama Na....

Inayos kaagad namin ni Gilbeys ang katangahang ginawa namin. Balik na kami sa pagiging magkaibigan. Hindi na masama loob ko sa kanya. Malapit naman kaming magkaibigan tapos kami pa ba ang mag-gagaguhan?

Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng kaibigan ko na dumamay sa akin. Malayo at malapit man kayo sa akin, lagi kayong nandyan. Huwag na kayong mag-alala. Matino na ulit ang utak ko. Wala ng naglalarong katarantaduhan. Basta tanggap ko na... tama kayong lahat. Kaya titigilan ko na rin ang katangahang toh.....

TOPAKZ.... salamat... kinalimutan niyo mga sarili niyong impiyerno para damayan ako sa impiyerno ko....

Salamat sa inyong lahat..... muahz....