Pages

Friday, December 31, 2010

Yj's First Annual STATEMENT OF THE YEAR Awards.... A Year Ender

Okay, mamadaliin ko ito, bilang nasa probinsiya ako at de uling ang bwaka ng inang connection ko. Yes, literal na de uling ang broadband dito, more more paypay ako para umapoy ang baga para hindi ako madisconnect. Bwisit lang.

Ito na ang compilation ko ng mga statements na galing sa mga blogging buddies naten. You know naman ang mga bloggers, they say a lot of things kahit madalas eh non-sense. Char! Pero itong five statements na to ang tumatak sakin sa taong 2010!

Fourth runner up:

"I looked at my pictures during the parties I attended. I saw my dorky self, not my suicidal, quiet and patient self sitting in my mind's lobby waiting to be summoned. Glentot and Glenn became two very different people. You all prefer Glentot. No one wants to know about Glenn."

putang ina, sinong mag aakalang marunong mag emo yang animal na yan!


Third runner up:

"Yeah, yan din ang impression ko sa kanya pag nakikita ko ang mga pictures niya. MUKHA SIYANG MAHIRAP!"

sabi ng The Bonsai Hunter nang sabihin ko sa kanya kung sino ang nilait na blogger bf ko. Nag-walk out ako. Bwahahahahaha


Second runner up:

"Bakit ba kapag downside ko, it's my fault? Kapag downside niya, it's just the way he is? Bakit ganun Yj?"

Siempre hindi ko sasabihin ko sino nagsabi niyan. Pero ramdam na ramdam ko ang lungkot ni kuya nung tinanong niya ako niyan. Waaaaaaaaaaaaaaaa....

First runner up:

"You are so Gaspard Ulliel!"

No other than the Citybuoy himself. Hindi ko na kailangan i-explain ibig niyang sabihin. Baka masira blogging career ni puta. Bwahahahahahaha

And THE WINNER IS:

Nagbabakasyon itong blogger na ito ngayon sa probinsiya. He went home for the holidays. Naiwan sa Manila ang kanyang lovey dovey. Inabutan ko siya sa YM the other day. Since bored ako, nakipag plastikan ako sa kanya sa chat. Napunta sa boylets ang usapan. At buong pagmamalaki lang naman niyang sinabi sa akin na...

winona ryder!
.

  "KAILANGAN KO NA NG TITI. MAMAMATAY NA AKO!"

winner di vah! may kakabog pa ba sa statement niya? wish ko lang hindi ka hiwalayan ng boyfriend mo pag nabasa niya toh! higad ka! sobra akong kinilabutan sa sinabi niya kaya nag sign out agad ako. pero hindi niya ako tinantanan. nagpahabol pa siya sa text ng...

"Shit, ang hot na nung pinsan kong uhugin lang nung huli kong makita. Nietang 6-pack abs yan!"


hinimatay ako!

********

Happy New Year everyone... bwah.

That's all... yaiy

Thursday, December 23, 2010

Dahil Walang Magawa...

at inggiterang crablet akez kay Andy, nagpakalbo din ako.

Nung magpakalbo si Andy, sabi ko sa kanya, hindi siya nakatutuwa dahil mukha siyang naglalakad na roll on.

Mas masagwa pa pala ako dahil sabi ng kapatid ko,

"Mukha kang buhay na burat!"

Bwisit lang!



******

Kagagaling ko lang ng palengke at define WET MARKET! kalowka. Magluluto kasi ako ng pakbet pero gusto ko eh bagoong na alamang ang ilalagay, hindi yung isda. So inisa-isa ko yung mga mini stores sa palengke na nagtitinda mga condiments.

"May barrio fiesta po kayong bagoong?"

Laging wala ang sagot.

Hanggang sa mapunta ako kay lola.

"Lola, may barrio fiesta kayong bagoong?" tanong ko.

"Ano yun anak?" mukhang hindi alam ni lola.

"Yun pong bagoong na alamang na nakalagay sa bote lola," paliwanag ko.

"Ay meron anak, teka lang ha...." sabay talikod si lola at mukhang naghanap.

Maya-maya pa, inabot niya sakin ang fresh na alamang na nakasupot.

"Ayan anak, sampung piso lang yan. Ikaw nalang maglagay sa bote...."

Toinkz!

*****

That's all. Yaiy

Demi Moore in GI Jane Bwahahaha

Tuesday, December 21, 2010

The Next Maria Venus Raj...

NOT ME! Potah ka....

so finally after 48 years eh umuwi ako sa ancestral home namin... ang sarap i-type ng ancestral home. hahaha


Halos buo ang pamilya, kaso hindi umuwi si Mama. So far eh, okay naman. Wala pang nagbabangayan sa aming magkakapatid na madalas mangyari... Siguro eh dahil kahit papaano, nag mature na kami. Lalo na sila, bilang pamilyado na silang lahat. Oh baka dahil magpapasko. Yaiy. Basta, susubukan kong magpa sweetness ngayon. Gusto ko maging masaya ang paskong to.

O baka dahil in-love ako, kaya ambait bait ko ngayon. Promise. Ang bait bait ko na. Di ba sabi nila, if you're in love, you try to be a better person for the one you love. I don't even try. Automatic nalang na nangyayari. Hellooooo Utada!

Anyways... Birthday ng pamangkin kong si Ethan kahapon. Bago ang kiddie party eh nag photo-op muna kami ng mga pamangkin ko. Inuna ko si Nika...

Yj: Nika, tingin sa camera.

Nika: No tito. Dapat sa iba ako nakatingin. Mas maganda. Ganun si Venus Raj sa mga pictures niya.

Tumambling ako. Tatlong taon lang si pechayita.


the next Venus Raj




my constant sources of happiness


Kinakabog ako sa projection!

That's all.Yaiy.

Monday, December 20, 2010

I'm Not Gona Say It...

but I hope you know I do....

I DO!

Saturday, December 11, 2010

A Lifehouse State of Mind...

If pain had a face I think it's gonna look like mine...

If it had a home it would be my eyes....

source


*****

yaiy

Tuesday, December 7, 2010

The Letter V....

kapag nag-cha-chat kami dati ni mama ay ganito:

Mama: hi ganda, kumusta ka na jan?

Yj: okay naman... maganda parin...

tapos magkukwentuhan... hanggang sa:

Yj: ma, wala na akong pera... padala ka na!

*******

Kaya biglang nagbago ang eksena. Umagang umaga mag o-online si mama. Yung sigurado niyang tulog pa ako dahil sa sobrang pagod sa pagtuturo kung pano magsabi ng tamang oras. (yung iba alam na ibig kong sabihin!). Kaya pag nag-online ako sa YM, mababasa ko sa mga off line messages ko ang mga IMs niya.

Mama: hi ganda, maganda ka pa ba?

sasagutin ko naman.

Yj: oo naman, pero wala na akong pera. padala ka na! please... please....

sasagot siya the following day:

Mama: hi anak, nakita ko yung bagong album mo sa FB. maganda ka parin nga. at mukha namang may pera ka pa. byeeee....

kaya ni block ko na siya sa FB.
**********

Kagabi, pag on-line ko, instang buzz talaga sa kin ang babaeng nagbigay buhay sa diyosa ng mga sumpa.

Mama: Kanina pa kita hinihintay!

Yj: nagpadala ka na allowance ko?

Mama: mamaya na natin pag-usapan yan. may chika ako sayo!

Yj: buntis ka nanaman?

Mama: gaga! hindi no! may bago akong TV.... 32 inches.... super flat!

Yj: taray naman....

Mama: oo, bigay ng kapatid mo.... galing siya kanina dito....ni-set up niya sa sala....

Yj: ambisyosa ka talaga... bigay mo na sakin yan, kawawa naman ako, ang chaka ng TV ko, galing surplus!

Mama: ahahahaha hayaan mo na, maganda ka naman. sobrang excited nga ako eh... pumunta ako Tsutaya kanina at nag rent ng dvd.... nanood ako ng Air Vender... ang ganda!

Yj: nyahahahahahaha Vender talaga?

Mama: ay sorry... Vendor ba yun?

*********

nalaglag ako sa upuan katatawa nasipa ko cord ng DSL at natanggal ang saksakan... ayun na disconnect tuloy ako!


HAPPY BIRTHDAY MAMA.... I LOVE YOU!


that's all.... bwah!

Wednesday, December 1, 2010

Today...

is WORLD AIDS DAY...

AIDS has already brought so much pain and suffering.

have you forgotten it is still here?

si superman nga eh!

everytime you look in the mirror. the reflection you see is that of a person who can get it. so be aware.

and let us REMEMBER!

*****

that's all. yaiy

Watchateink?

bilang reyna ng mga attention seeking bitches sa blagosperya... nag-iisip na ako ng pasabog na year ender... yung pak na pak. yung mag gegenerate ng buzz, domino effect baga amongst bloggers. yung magluloklok sa kin sa rurok ng kasikatan. something that will make me the next Mark Zuckerberg... i was not born a Mark but i was definitely born a Zucker! i was born to Zuck baby! ching.

so heto na ang mga pinagpipilian kong year ender....

1. THE TOP TEN BLOGS I HATE THE MOST

bongga di ba! siempre bilang sampu yan, maglalagay ako ng sampung rason kung bakit hate na hate ko sila. with matching visuals that will make you want to stick your fingers right through your eyes and twirl your brains out! at ang main objective ko lang naman ay, to make you hate their blogs, too. (evil laftir)

2. BAKIT WALA KANG KARAPATANG MAG BLOG!

ooooooh ibang iba ang concept nito sa sa number 1. kasi dito, hindi yung blog ang hate ko, kundi yung blogger!!! maaaring bwisit ako sa kanya dahil panay ang pangungulit niya na makipag ex-link. or dahil walang structure ang kanyang mga posts at kung meron man eh bara-bara. waste of time kumbaga. o dahil masyado siyang malandi na lahat nalang blogger eh tinatawag niyang babyboy, or papa, or kuya.

shit bakit parang ako yata ang walang karapatang mag blog? yaiy.

3. WHO FUCKED WHO? (bloggers edition)

ito lang naman ang larong naimbento ko. actually hindi na siya original dahil ang root game nito ay word association. parang dugtungan ba. yeiz... konek d dots. only this time eh mga bloggers ang ikokonek naten. at siempre bilang self-centered akong tao, sisimulan ko sa sarili ko. alangan naman sayo? helleeeeeeeer! parang ganito....

YJ the Manila Bitch fucked (insert blogger's name here) who fucked (insert blogger's name here) who fucked.... so on and so forth....

siempre itatago natin ang tunay na namesung ng mga bloggers na yan pero ilalagay natin ang link ng kanilang blogs. hihihihihi
******

isang malaking joke lang to ha... baka seryosohin niyo.... bilang inaatake ako ng kasaltikan ngayon dahil apat na oras na akong walang iyot! shit!
*****

but cast your votes now. malay niyo saltikin ulit ako at seryosohin ko yan hahahahaha

i only need 10 votes for number 1 for it to be my year ender.

50 votes for number 2 for it to be my year ender.

and

1.5 votes for number 3! yaiy
*****

wala ng makakapigil pa sa minsan ko ng naunsiyaming pagsikat!

that's all. yaiy.

Sunday, November 28, 2010

A Year After...

Yesterday I received a text from THE ONE WHO ALWAYS REMEMBER. And today I read it from his blog. Napangiti nalang ako.

It was the night that Ewik's own version of the HUSH HUSH music video was shown for the first and last time.

That night, Dabo and I finally became Divas... in every sense of the word. J was launched as Mr. Body Beautiful, bilang na over exposed ang kanyang yummyliscious na abs.


That night, the gods and goddesses of the Philippine Blogosphere gathered for fun. A night when all the planets were in perfect alignment and the stars in perfect symmetry. Eyes, cried. Hearts, broken. Hands, reached out. Love possibilities found. Relationships were formed.

Bakit mo nga ibabaon sa limot ang isang gabi dahil lang sa isang pagkakamaling hindi naman sinadya? Eh kung tutuusin ay sobrang daming dahilan para gunitain ang bawat sandali ng gabing yun, na kailanman ay hindi na mauulit pa. Mga dahilan na makakapagpangiti kahit kanino. Gaya nito:

Yj's wonder bra....



Oh lala...



Ang misteryosong Abs...


Hush, Hush....

Thanks again Moi for remembering....

*****




All photos taken from DavidRackens

Monday, November 22, 2010

BiloyBoy......

Sino mag-aakala na magiging magkaibigan tayo?

Kung sa simula palang eh puro pang aasar na ginagawa mo sakin?

Naalala mo pa nang una tayong magkita?

Ako: saan ka nagtatrabaho?

Ikaw: sa mcdo.

Naniwala naman ako. At natawa ka.

******

Kalahating taon kang hindi nagpakita. Masaya ka kasi noon. Nagmamahal ka. Naintindihan naman namin.

At nang magkita tayo ulit? Umiiyak ka na. Napapangiti ako ngayon sa tuwing naalala ko. Hindi dahil gusto ko na umiiyak ka. Pero dahil sa tuwing umiiyak ka noon, laging humahantong sa mga katarantaduhan ang pag-iyak mo. Gaya nalang ng pagsayaw natin ng wowowee dance with matching beach balls, na pakana ng napakahusay na si Nyl, para lang sumaya ka. Para kahit hindi ka lango sa alak ay makalimot ka. Kahit sandali lang.

******

Yung mga panahon na nagsama tayo sa ilalim ng iisang bubong. Kisame pala, dahil wala naman tayong bubong. Sayang. Kasi ang dami sana nating nagawa kung hindi lang salungat ang schedules natin. Sana nakapag host tayo ng napakaraming movie nights, tea parties, at orgies.

******

Madalas nating pagtalunan kung sino sa atin ang pinakamalandi. Walang gustong magpatalo. Gusto natin lahat angkinin ang trono. Pero hindi na importante yun, alam naman nating lahat na IKAW talaga. Nyahahahaha.

******

Sa lahat ng mga ginawa mo para sakin, sa mga tulong na kusa mong binibigay kahit hindi ko hinihingi.  Sa lahat ng tulong na ginawa mo para sakin, na alam kong napilitan ka, dahil bina-black mail kita, maraming salamat. Sana hindi ka magsawang matakot sa mga pamba black mail ko. Yaiy.

*****

Gusto ko mang pahabain pa to at isulat lahat ng mga bagay na ipinagpapasalamat ko dahil sayo, hindi na pwede. Nagtext na yung booking ko, nagpapasundo na sa kanto.

*****

Basta laking pasasalamat ko at nakilala kita. I love you Victor!

Birthday Boy... Biloy Boy





Happy Birthday! Muahz.