Pages

Wednesday, May 26, 2010

Dahil Sa Lahat Ng Mga Naging Jowa Ko....

emoterang shrek
Kaka-break lang ng friend kong si Shrek sa kanyang boylet na si Raphy. Kaya naman bonggang bongga lang ang mga emote niya sa kanyang mga Face Book status, gaya ng mga sumusunod:

Raphy is always on my mind. (april 11)

Malungkot ginawa sa akin ng taong pinakamamahal ko. Sabi ko may sasabihin ako sa kanya, nag-reply ba naman, "SABIHIN MO NALANG SA IBA!"Finally nagising na talaga ako. Hindi niyo na maririnig pangalan niya mula sa bibig ko!!! (april 17)


PAANO BA ANG MAKALIMOT????? (april 19)




I can't sleep 4am na. Everytime I close my eyes ikaw ang nakikita ko, pag may nagtext, pagtingin ko sa CP ko picture mo ang wall paper ko. Pag nag-iinternet ako, lahat ng account ko, pangalan mo ang password ko. Ano ba pinakain mo sa akin? (april 20 4:55am  )


Unti-unti ko ng tinatanggap na mawawala ka na sa akin. (april 20 11:20pm)


Sabi niya ayaw daw niya akong makita. OUCH! (april 22)


Namimiss ko siya. 1 week ko na siya hindi nakikita. Akala ko kaya ko na. Ngayon nangangati ang daliri ko. Gusto ko siya i-text pero natatakot akong ma-reject ulit. (april 23)


Im proud to say okay na ako. Nagkita kami kagabi. Naupo siya saglit pero umalis din agad. Habulin ko sana pero naisip ko HUWAG NA. "WALA AKONG KAILANGAN SAYO!!!" (april 27)


28 pala ngayon. Magpapainom ako dahil monthsary namin. SHET! (april 28)


Mismong kaibigan na niya nagpayo sakin. Maghanap na daw ako ng iba. (april 30)


Im so happy bati na kami. Sabi ko kahit friends nalang kami okay lang, masaya na ako. Desperado pa rin ba ang dating? (may 1)


Naisip ko, bakit sa dinamidami ng baklang dumaan sa kanya, ako lang ang na-inlove? Meaning ba nun, mababa ang standrads ko? (may 4)


Yung mga taong nagmamahal sa akin siguradong kakaawaan niyo ako. Tinext ba naman ako, "WINALANGHIYA NA NGA KITA AYAW MO PA RIN AKO TIGILAN!" Tumulo talaga luha ko sa kaliwang mata. (may 5)


Napagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko. Pero miss ko na siya. (may 13)


Nag-miss call ako sa kanya tapos mga 9pm nag text ng HU U? Tapos 12midnight nag text ng PASALOAD NAMAN! Akala ko ba HU U? (may 19)


Hoy tinext na niya ako ng maayos. "Shrek papasaload naman, may extra ka?" At least hindi na HU U??? Kung sana man lang eh kinumusta niya ako bago siya nanghingi ng pasaload, puntahan ko pa siya sa purok sais, para bigyan ng pangload, pangkain, pang-inom, pambisyo. Shet DESPERADO!!! (may 20)


******

okay so nung saturday ay nagkaroon ng volt-in ang mga bombo girls sa bahay ng isa naming ka-bombo. dumating ang Shrek na naka neon green na top at metallic blue na headband. nang medyo lasing na ang potah, more ispluk na siya sa mga pinagdadaanan niyang kadramahan lately, mula nung naghiwalay sila ni Raphy, na ang press release ni Shrek nun eh kamukha daw ni papa P. pero wag ka, nung makita namin sa personal, kamukha ni Berting Labra. 

bilang mabuting kaibigan, siempre mega comfort ko ang bakla. 


"Alam mo friend, marunong kang magmahal, at hindi nakikita ni Raphy yun. You deserve someone better. Kaya move on ka na," sabi ko sa kanya habang more more tungga siya ng Bacardi Apple. 

"Ano ba kasi meron yang lalakeng yan at hindi mo makalimutan?" dagdag na tanong ng friendship na si Kakai.

at sa gitna ng kalasingan ni Shrek, ay ito lang ang nasagot niya.

"Sa lahat kasi ng naging jowa ko, siya lang ang maputi ang singit!"

shrek on the beach

putang ina.... achievement!!!! 

 

 

Monday, May 24, 2010

Da Boy....

maldita ako kung sa maldita pero HUWAW! ang bait bait ko pag sayo ako kinumpara.... joke lang.


Para lang sa mga hindi nakakaalam, siya ang reyna ng texting. At wag ka, hindi yan mahilig mag GM, personalized lahat ang greetings niyan.


dahil sayo naranasan ko maging pokpok... "good morning Magdalena"

dahil sayo naranasan ko maging starlet... "good morning Nini Jacinto"

dahil sayo naransan ko maging bagyo... "good morning Mining"

hindi ka pa nakuntento dinagdagan mo pa ng isang NING.... "good morning Luningning"

as if hindi pa sapat yun, ginawa mo pang tatlo.... "good morning Trining"

dahil sayo naranasan kong maging multi-titlist beauty queen... "good morning Miss Herbal Essence"... "good morning Miss LRT Bambang Station 2010" hayop ka hindi mo man lang ginawang United Nations o Central Station para sosyal, Bambang pa talaga!

dahil sa mga morning greetings mo, narealize ko na inggitera ka sa byuti ko... "good morning YJ at sa imaginary pekpek mo..." hoy tunay to noh! Tse!

dahil sa mga morning greetings mo, narealize ko na adik ka.... "good morning YJ, i-hug mo ako sa mga tambay sa kanto niyo..." like duuuuuuuuuuuh....

dahil sa mga morning greetings mo, napagtanto kong malakas talaga saltik mo.... "good morning YJ, pinupuri ka ng buong Pilipinas sa kadahilanang walang nakakaalam"

dahil sa mga morning greetings mo, napagtanto ko na relihiyoso ka pala... "good morning kuya Victor and tito Nyl. I wish you all a cheerful day. Tamang bonggang araw lang. At siempre magandang umaga sa ating patron, Sta. YJ... napupuno ka ng grasya at bukod kang pinagpala..."

dahil sa mga text mo, nalaman ko na sweet ka rin pla (eeeeeeek)... "you've been a good friend and thanks for that... i wish you lots of angels and million reasons to smile everyday" (gumaganon?)

dahil sa mga text mo, narealize ko kung gaano ka ka-emotera... "Hays YJ, lately I struggle everyday na huwag maging masyadong expressive, pero there are days I'm madly inlove" (hindi ko kinaya)

dahil sa mga text mo, narealize ko na isa kang tunay na Diyosa ng pag-ibig.... "F is so lovey... a dream... a prayer... a wish on a star... he could be anything beyond all aspirations... haaaaaaaaaays" (nasuka na ako diyan)....

but seriously, I am so glad to have met you.... for a lifetime of friendship..... Cheers bakla!!!!

I will be the face to cover up your hurts,
I will be the the wind to wave your gray skies into blue...

kaso hindi mangyayari yun, kasi lagi mo akong inuunahan. Ikaw lagi ang nadiyan para sa akin... Thanks for everything.



Happy Birthday Dabo.... iloveyou muahz

Saturday, May 22, 2010

Kagabi....

rumampa ako with two of my closest blogbuddies.... ay close pala ako sa halos lahat ng nasa link list ko.... charot!

to cut the story short, isa sa kanila eh more ispluk ng mga intriga at iba pang kaganapan sa iba't ibang panig ng blogosphere.... ang dami kong nalamang sikreto tungkol sa dalawang bloggers. yung isa, kilala ko personally, at yung isa naman ay hindi pero kilala ng mga kilala ko.....

malas lang ng dalawang bloggers na ito at sa akin nakarating ang mga kwento....

nasan na ba ang pesteng cellphone ko at ma-SEND TO ALL nga ang chika....

joke joke.....bwah.... yaiy....

Wednesday, May 19, 2010

For The Wicked One....

Dahil ikaw ay isang tunay na mahalay na kaibigan...

At dahil mas mahalay ako sayo!....

Para sayo to......


































Happy 69th Birthday Glenntot Bansot.....

I was thinking of buying you a gift earlier today. Kaso nabanggit mo pala sakin na hindi ka materialistic. Kaya ginawan nalang kita ng bagong picgreet.... yaiy


MUAHCHUPAH...... painom ka na potah!!!

*****
big thanks to Dabo for my hair.....  Adobe Photoshop for my make-up....  Bul-lad optical for my eyewear...... and a very special someone for the dildo nyahahahahahahaha  

Saturday, May 15, 2010

Dati....

madalas kong itanong sa sarili ko, pano kung napalagpas ko na pala yung nag-iisang pagkakataon para lubusan akong lumigaya?

pero nakilala kitA.

nagkaroon ulit ako ng pag-asa.

yaiy.... wala lang.... eh sa kinikilig ako eh!

Sunday, May 9, 2010

Don't You Wish?

This happened about two weeks ago. My mom and I were talking over YM.

Mom: sabi ng uncle mo may bago ka daw boyfriend.

Me: uhum.....

Mom: nasan siya? pag pumunta siya jan mag webcam kayo at ipakilala mo sa akin.

Me: ayoko nga. :P

Mom: eh pano ko malalaman kung sinong hahabulin ko pag nabuntis ka?

Tumbling! Now don't you wish your mom was as cool as mine?

I Love You Mama.... Happy Mother's Day....

Friday, May 7, 2010

From Now On....

I will only do the wrong things....

the right way!!!!

*****
and i am going to become a teacher? nyahahahahahaha

Thursday, May 6, 2010

Sir. Yes Sir!!!

I really thought it would be fun. So I dared him to aim the gun at me and shoot.

Bang!

Now I bleed.

Sunday, May 2, 2010

Umaandar Ang Metro....

Kagabi somewhere in Roxas Blvd.

pagdating na pagdating ko, hingal na hingal akong sumalampak sa upuan sa tabi ni M. Ang hot lang ng boylet na nasa harapan ko, napa-byutipul eyes ako ng wala sa oras. Shet sabi ko na dapat nagsuot ako ng false eyelashes. hmmmmp..... Pinakilala siya sa akin. A daw pangalan niya. Ngumiti siya, Naramdaman kong unti-unting tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Hindi na bilog ang mundo, hugis tatsulok na. Nakita ko na ang dahilan kung bakit walang nag work out sa mga previous relationships ko.... biglang may tumapik sa akin. Putang ina nag iilusyon nanaman pala ako....

M: bakit ang tagal mo?

Yj: ay naku kasi naman wala akong pambayad ng taxi. sinalsal ko pa si manong driver...

G: putang ina mo talaga!!! (habang tumatawa si J at si A ay pangiti-ngiti lang)

M: nilabasan ba naman?

Yj: hindi noh.... 7 strokes lang.... UMAANDAR DIN ANG METRO KO!!!

joke joke.... yaiy.... bwah

Friday, April 30, 2010

Uber-long weekend....

yaiy... i dont have class today and tomorrow  i won't go to school today and tomorrow. kasi naman na-move nga ang holiday sa monday so tuesday na ang pasok ko. tapos yung prof ko sa Panitikan nag self-proclaim na holiday din niya ang friday at saturday. eh yung prof ko sa Economics, masipag. alangan naman pumasok ako ng dalawang araw para sa isang subject lang? sayang sa pamasahe, sayang sa uniform. tsaka yung crush kong kaklase ko nasa Panitikan class, wala sa Eco.

kaya self-proclaimed na din ako. apat na araw ang holiday ko.... yaiy....

ironman 2.... excited na ako.... bwah