Feeling ko, ang pic-greet ay naimbento hindi lang para sumaya ang kung sino mang mapagbibigyan nito, kundi para din sumaya ang gagawa at magbibigay.
Nung nakaraang taon, Picture Greetings ang hiningi ni Glentot na ragalo mula sa kanyang blogger friends. Madami pa akong kilalang bloggers na nanghingi din niyan, pero hindi naman sila deserving sa effort ko. Kaya si Glentot lang ang pinagbigyan ko last year.
Dahil mahilig naman talaga sa mga bagay na mahalay si Glentot, dapat lang na mahalay din ang tema ng ibibigay kong pic-greet. Kaya naman dali-dali akong nag pa-schedule ng photoshoot sa mga amateur photographers na friendships. Sila yung mga nagka-SLR cam lang eh feeling photographer na. Madami sa blogosphere niyan. Ang sarap paghahampasin ng tri-pod sa mukha.
Anyways, sa mahigit isan-daang pictures na pinagpilian, ito ang pinadala ko kay Glentot.
Ewan ko lang kung may nagpadala pa sa kanya ng mas mahalay. Hindi na rin naman ako interesado sa mga pinadalang pic-greet ng iba. Bwahahahaha
Two weeks ago, nag request si Mommy Ayie ng pic-greet para sa birthday niya. Dahil isa siya sa lilimang bilat na bloggers na pina-follow ko, siempre pinagbigyan ko. At bilang reyna siya ng kagat-labi, may tinatagong kahalayan din siya sa likod ng kanyang angelic face. (Birthday mo naman eh.)
Sabi ko, mahalay ang tema ng pic-greet ko. Sabi ni Glentot, tatapatan daw niya ang kahalayan ko. Eh competitive ako. Nagtawag ako ng kakutsaba. Yung isang hotness kong friendship. Ni-level up ko ang effort. At ito ang kinalabasan.
Mukha namang na-appreciate ni Mommy Ayie. Pero ang Glentot, hindi ko pa nakikita ang pic-greet. Naisahan nanaman ako ng kumag.
Now the question is, how many times did my friend and I have sex during that photoshoot?
Zero! Nada!
Friends nga lang kami di vah!



