Pages

Wednesday, May 26, 2010

Dahil Sa Lahat Ng Mga Naging Jowa Ko....

emoterang shrek
Kaka-break lang ng friend kong si Shrek sa kanyang boylet na si Raphy. Kaya naman bonggang bongga lang ang mga emote niya sa kanyang mga Face Book status, gaya ng mga sumusunod:

Raphy is always on my mind. (april 11)

Malungkot ginawa sa akin ng taong pinakamamahal ko. Sabi ko may sasabihin ako sa kanya, nag-reply ba naman, "SABIHIN MO NALANG SA IBA!"Finally nagising na talaga ako. Hindi niyo na maririnig pangalan niya mula sa bibig ko!!! (april 17)


PAANO BA ANG MAKALIMOT????? (april 19)




I can't sleep 4am na. Everytime I close my eyes ikaw ang nakikita ko, pag may nagtext, pagtingin ko sa CP ko picture mo ang wall paper ko. Pag nag-iinternet ako, lahat ng account ko, pangalan mo ang password ko. Ano ba pinakain mo sa akin? (april 20 4:55am  )


Unti-unti ko ng tinatanggap na mawawala ka na sa akin. (april 20 11:20pm)


Sabi niya ayaw daw niya akong makita. OUCH! (april 22)


Namimiss ko siya. 1 week ko na siya hindi nakikita. Akala ko kaya ko na. Ngayon nangangati ang daliri ko. Gusto ko siya i-text pero natatakot akong ma-reject ulit. (april 23)


Im proud to say okay na ako. Nagkita kami kagabi. Naupo siya saglit pero umalis din agad. Habulin ko sana pero naisip ko HUWAG NA. "WALA AKONG KAILANGAN SAYO!!!" (april 27)


28 pala ngayon. Magpapainom ako dahil monthsary namin. SHET! (april 28)


Mismong kaibigan na niya nagpayo sakin. Maghanap na daw ako ng iba. (april 30)


Im so happy bati na kami. Sabi ko kahit friends nalang kami okay lang, masaya na ako. Desperado pa rin ba ang dating? (may 1)


Naisip ko, bakit sa dinamidami ng baklang dumaan sa kanya, ako lang ang na-inlove? Meaning ba nun, mababa ang standrads ko? (may 4)


Yung mga taong nagmamahal sa akin siguradong kakaawaan niyo ako. Tinext ba naman ako, "WINALANGHIYA NA NGA KITA AYAW MO PA RIN AKO TIGILAN!" Tumulo talaga luha ko sa kaliwang mata. (may 5)


Napagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko. Pero miss ko na siya. (may 13)


Nag-miss call ako sa kanya tapos mga 9pm nag text ng HU U? Tapos 12midnight nag text ng PASALOAD NAMAN! Akala ko ba HU U? (may 19)


Hoy tinext na niya ako ng maayos. "Shrek papasaload naman, may extra ka?" At least hindi na HU U??? Kung sana man lang eh kinumusta niya ako bago siya nanghingi ng pasaload, puntahan ko pa siya sa purok sais, para bigyan ng pangload, pangkain, pang-inom, pambisyo. Shet DESPERADO!!! (may 20)


******

okay so nung saturday ay nagkaroon ng volt-in ang mga bombo girls sa bahay ng isa naming ka-bombo. dumating ang Shrek na naka neon green na top at metallic blue na headband. nang medyo lasing na ang potah, more ispluk na siya sa mga pinagdadaanan niyang kadramahan lately, mula nung naghiwalay sila ni Raphy, na ang press release ni Shrek nun eh kamukha daw ni papa P. pero wag ka, nung makita namin sa personal, kamukha ni Berting Labra. 

bilang mabuting kaibigan, siempre mega comfort ko ang bakla. 


"Alam mo friend, marunong kang magmahal, at hindi nakikita ni Raphy yun. You deserve someone better. Kaya move on ka na," sabi ko sa kanya habang more more tungga siya ng Bacardi Apple. 

"Ano ba kasi meron yang lalakeng yan at hindi mo makalimutan?" dagdag na tanong ng friendship na si Kakai.

at sa gitna ng kalasingan ni Shrek, ay ito lang ang nasagot niya.

"Sa lahat kasi ng naging jowa ko, siya lang ang maputi ang singit!"

shrek on the beach

putang ina.... achievement!!!! 

 

 

32 comments:

Ayie Marcos said...

Ihihihihihi! Naluluha na sana ako...kaya lang...hahaha, malalim naman pala ang dahilan kung bakit haling na haling si fwend kay raphy.

Mahirap na nga naman makahanap ng bf na maputi ang singit. =P

jayps said...

naloka ako sa singit na puti! sabagay bihira lang naman yun! lol! =)

Jepoy said...

wtf! Kaya pala shrek.

Sobra ka YJ baket mo ginaganyan ang tropa mo, you biatch! Wag ganun.. Nagulat me sa picture ni shrek i didn't see that coming lol

Kane said...

YJ! Alam ba ni Shrek you posted his photo? Nakakaloka ka! Hehehe.

Your story managed to capture both the humor and sadness of a breakup. =)

And of course, you just had to end it by making us laugh, eh?

Kane

LoF said...

now i feel like i regret not having unplugged my fax and getting the memo.

sakpin said...

wahahahaha.... achieve na achieve!

mjomesa said...

wahahaha..

winner again.

sarap yun singit na puti...hmmm

Tristan Tan said...

"teh ang sakit mo sa ulo! haha.

Princess Fiona said...

leche!!!!!

ahahahahaha...

PABLONG PABLING said...

ayaw mag post ng status sa fb.

lols....tungkol sa singit

Yj said...

@ Ayie... lagi akong naluluha sa katatawa pag nababasa ko ang kanyang mga status... bonggang bongga bougainvilla!

@ Jepoy... actually, Princess Fiona na daw itatawag sa kanya, nakita na daw kasi niya ang kanyang Prince Charming Shrek... ikaw Jepoy....

@ JP_Cardinale... oo bihira lang yun, pero duda ako kay Raphy kung totoong maputi ang singit, nuknukan ng itim eh.

@ Kane... you have no idea what a paradox my friend Shrek is...i'm glad it made you laugh hihihihi and yes, i have permission to post his pics, baka daw sakaling sumikat siya hehehe

@ LOF... more of Shrek to come Lance... hahahaha

@ Sakpin... korak!

@ mjomesa... waging wagi si Shrek d vah... papakilala ko nga kay Itembang.... hihihihi joek lang...

@ Tristan Tan... at sobrang sakit sa bangs....

@ Boying.... kelan ka pa naging prinsesa? since ikaw si Fiona, ipapakilala kita kay Shrek hehehehehe

Yj said...

@ Papz... d vah... hate na hate niya mag emote sa FB...

Aris said...

nakakalurkey! ang taray ng pic. in fairness, flawless siya kaya siguro preferred niya rin ang maputi. :)

gillboard said...

ermmm... di ko alam sasabihin ko.. hehehe

casado said...

haha riot!

oo nga nman bka ung iba e merong mga inangit sa singit bwahahhaa :P

... said...

talagang sa kaliwang mata lang tumulo ang luha ha. hahahaha

imsonotconio said...

lol!

Pinoy Adventurista said...

nakaka-aliw naman yung statement na "maputi ang singit"... hehehe!!!! winner!

-Mervs
http://mymervin.blogspot.com

Luis Batchoy said...

PAkshet'

glentot said...

I have to say this is my favorite post sa buong blogosphere for the month of May! Panalo sa research, sa visual aids, sa human interest at sa cartwheel-inducing na ending. Therefore puta ka.

Yj said...

bongga di ba...

@ Glentot... puki you may kuko.... kulay green pa as in lumot!!! ipapakilala ko siya kay jepoy sa personal hihiihihi

macz said...

hahaha...ang galing nung ending,,achievement!! :DD

Désolé Boy said...

haha!!!extinct na ba ang mga mapuputi singit??

andito pa ko!!!!!haha

anyway i feel for shrek...
pero sabi nga ni patrick: everything is going to be alright in the end..if it's not yet alright, then it's not yet the end!

pusangkalye said...

akala ko ikaw yung nasa picture, kako---bat parang slim naman yung nakausap ko kagabi.....tapos nung gumulong---ayun. disasater movie pala....hehe

Jules said...

natawa daw ako bigla sa huling hirit about singit :D

Ewan said...

sigurado ba na dahil sa singit lng kung bakit di nya ma forget si ex????

Mac Callister said...

jusko ko pa naloka ako ng todo sa post na ito!

kawawa naman siya as in truly madly deeply inlove na haha,help nyo naman siya as his friends

Anonymous said...

namputang tanga ni shrek!namutang tanga!namputangina talaga! un lang masasabi ko!hahaha

citybuoy said...

bwahahahaha!!! i remember when you told us this story. kaya naman pala... achievement nga naman yun! haha

Anonymous said...

Good one. ^^

Leo said...

shet, ngayon ko lang nabasa to badet! super winner. nawala ako sa momentum ko sa trabaho. super entertaining na nakakasira ng career! more more! :)

cArLo said...

haha naalala ko nung nakwento mo to samen! hehe ^_^
(ngayon ko lang nabasa, sorry..)