Ang sama ng loob ko sa sarili ko. Naayos ko naman yung gulong ginawa ko sa pagitan namin ni NJ kahapon bago kami naghiwalay pauwi. Pero hanggang ngayon naiiyak parin ako sa tuwing sumasagi sa isip ko yung itsura niya kahapon na naiiyak na sa galit at sama ng loob.
During lunch time nagkita kami ni NJ sa Tspot. Nagpasama ako sa kanya sa gateway dahil may kukunin ako sa friend ko na dumating galing Japan. Yung digicam na giblab ng sisteret ko. Kahit may klase si NJ ng 1pm at may chance na malate siya pag sumama, go parin siya. Ganun siya kabait. Sumama rin si EllaB dahil wala siyang klase. Fast forward, pabalik na kami ng skul. Nasa LRT station na kami at may dalang dalawang box ng cake na bigay ng friend ko. Pagpasok namin medyo siksikan. Natatawa si EllaB sa sarili niya. ‘Ang sama ko talaga,’ bulong niya sa akin. Tinanong ko kung bakit, pero ayaw niyang magsalita. After two stations, medyo lumuwag na kaya atras kami sa gitna. This time kwento na ang bruha kung bakit siya natatawa. Pabulong. Kaya naman lapit namin ni NJ ang mga mukha namin sa kanya.
‘Kasi kaninang pagpasok natin, una kong napansin yung baba nung guy na yun oh,’ sabay turo sa lalaking nakatayo sa door na kaharap niya kanina. Mahaba nga ang baba, tipong nililisensiyahan.
‘Naisip ko kasi, what if matumba ako at yung baba niya ang makapitan ko,’ pagtatapos ni EllaB sabay tawa. ‘Ang sama ko no?’ pahabol pa ng bruha.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nagtanong. ‘Sa grupo natin, sa buong TL, sino pinakamasama ang ugali?’
‘Ikaw,’ hindi man lang nag-isip si NJ. Natawa si EllaB sa bilis ng sagot ng gagoh. Hindi ako natuwa. Shit. Ako? At talagang with conviction ang pagkakasabi. Hindi man lang nagdalawang isip. Ako! Ako ang pinakamasama ang ugali?
‘Bakit ako?’
‘Nagtanong ka, sinagot ko.’
‘What about Cinder? Si Cinder ang pinakamasama ang ugali. Hindi ako.’ Utang na loob. Of all people ayokong ikaw ang mag-isip na masama ang ugali ko.
To cut the story short, dinamdam ko toh. Naasar talaga ako. Pumasok kami ni NJ sa magkahiwalay na klase. Iniwan ko kay EllaB yung dalawang cake. Pinakain ko sa mga friendships yung isa. After class, Tspot ulit kami. Walang gustong umuwi dahil umuulan. Dumating ang baklang Xena na ka-college namin. Somehow may bond kami ng baklang to dahil pareho kaming Ilocano. Ito ang baklang kinaasaran ni NJ dahil lagi siyang inaasar na pa-mhin daw siya. Sensitibo si NJ sa bagay na ito. Hate na hate niyang pinapansin ang pagka-vaine niya. Naisip ko na pagkakataon ko na para maasar si NJ. Masama pala ang ugali ko ha! Tignan natin. So start kaming mag spluk sa Ilocano. Paminsan minsan binabanggit ang name ni NJ para isipin niyang siya pinag-uusapan. Deadma lang siya nung una. Kaso nakakaintindi sina Gilbey’s at LA ng Ilocano. Nakitawa ang mga damuho. This time, inisip na ni NJ na pinagtatawanan namin siya.
‘Tumigil ka nga,’ sabi niya sa akin. Pero hindi ako nagpaawat. Spluk pa rin kami at tawa. At one point, may gustong itanong si Xena. Sabi ko kay NJ niya itanong.
‘Sige, itanong mo sa akin at babangasan ko yang mukha mo,’ may diin na banat ni NJ kay Xena. Pikon na pala ang gago. Naglabas ng panyo. Shet naiiyak na. Humihikbi na ang fotah. Nangingilid na ang mga luha. Ang pula na ng mukha. Parag bulkang sasabog. Tumahimik kaming lahat.
‘Oh ayan si BBB. D ba pinagkakalat mong bakla siya? Ayan! Sabihin mo sa kanya ngayon na bakla siya,’ si NJ kay Xena. Wa spluk ang bakla. Tingin sa akin na parang humihingi ng tulong.
‘N, binibiro ka lang naman eh,’ sabi ko kay NJ.
‘Putang ina mo manahimik ka jan,’ sabay pakyu. Shet galit nga ang gagoh. Hindi pa ako minumura nito kahit kailan.
‘Pare, lumayo ka muna dito,’ payo ko kay Xena. Tumayo ako para mag CR. Pagbalik ko wala na ang bakla. Sumabay daw sa mga kaklaseng napadaan. Takot maombag.
Usap-usap ulit kami nina LA at EllaB. Si NJ galit na galit parin ang itsura pero hindi na nagsasalita. Alam kong galit ito at hindi lang basta napikon dahil nag-stay. Hindi nagwalk-out. Naguilty naman ako. Hindi ko pala kayang makitang ganun ang itsura ni NJ. After about thirty minutes, mukhang humupa na yung galit niya. Pero malungkot pa rin yung mukha niya. Dumating si Maine at kinuwento ang mga kapalpakan niya sa Science Quiz Bee na sinalihan niya. Tawa kami ng tawa pero si NJ malungkot parin at hindi parin nagsasalita. Umuwi na silang lahat. Si Maine, NJ at ako nalang. Mega ask ang bilat kung bakit malungkot ang hearthrob ng grupo. Nilapitan ko siya. Shet huwag mo akong sasapakin please. Niyakap ko siya sa bewang.
‘Hon, sorry na please.’ Deadma lang siya. Pero d naman umalis sa tabi ko. Hindi rin niya tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.
‘What? Inasar mo nanaman?’ tanong sa akin ni Maine.
‘Sabi kasi niya masama ugali ko eh,’
‘Totoo naman eh,’ bulong ni NJ.
‘Sorry na please. Love naman kitah eh. Hindi na talaga ako uulit.’
‘Oo na.’
‘Smile ka na,’ paglalambing ko. Yun. Nag-smile na siya.
‘Alam mo NJ, kaya ka lang inaasar niyan para may dahilan siyang maglambing sayo pagkatapos,’ si Maine. ‘Mahal na mahal ka niyan eh.’
‘Si Gilbeys nalang mahalin mo,’ baling sa akin ni NJ.
‘Ayoko nga. Ikaw ang gusto ko eh. Alam mo bang nang una kitang makita, at tinignan mo ako, huminto ang mundo ko. Sabi ko sa sarili ko, if I ever fall inlove with that boy, it will be because of the mole,’ biro ko. Okay, pabiro kong sinabi pero seryoso ako.
‘Eh kasi naman, bakit yung nunal ko nanaman?’ pasweet ang gagoh.
Tigilan na nga ang lokohan.
Half an hour later nasa Mcdo na kami. Naglalandian. Nagkukuwentuhan sa mga mamahaling bagay na kailanman eh hindi namin mabibili. Masaya na ulit siya. Hindi na siya galit. Tumatawa na siya. Pero masama parin loob ko sa sarili ko. Promise talaga hinding hindi ko na siya aasarin.
Pagdating ko ng bahay nagtext ako sa kanya.
‘N, I know ur getting tired of me teasing u, hurting u, and saying sorry afterwards. Im sorry 4 wat happened 2day. Wish I could take it bak. But I cant. So again im sorry. I learned my lesson na. D na ako uulit. Labshu.’

6 comments:
tsk tsk tsk.. kaw kasi eh. as in super offensive yun ah. pero ang sweet hahaha..
sweet to the nth power...
hay naman kasi. Yan lang naman. Wag ka kasing nagtatanong ng mga bagay na hindi mo kaya ang sagot. Some people just can't handle the truth. Masama nga talaga ugali mo. Bwahahaha! Eh kung na jombag ang isang baklush, anong gagawin mo? Gaga ka talaga!
@ luis... eh kasi eh.... mabait din naman ako eh... hihihihi
magpapakabait na ako.... pwomiz
Magkahalong inis at pagkakilig... kaya siguro napapangiti. hehehe
bumawi ka na lang sa kanya. bilis! lapit na valentine's day, baka mawalan ka ng date hehe!
ang cute n'yo naman. kinilig ako. palagay ko, love ka rin niya. :)
haaayyy. aw aw aw.
Post a Comment