Pages

Tuesday, February 24, 2009

Walang Tayong Dalawa....

Feb22 (Sunday)… Isang araw na puno ng patweetums. Siempre ako yung patweetums. Nagiging kamukha ko na nga si Tweety the Bird (oo “the bird” talaga ayon sa friend kong si Star) sa sobrang patweetums….

After ng NSTP class namin, nagpasama ako kay Maine sa Caloocan para ibigay kay ate Jobel ang papeles na pinapakuha ni pudra. Uuwi na kasi si ate Jobel sa Japan. Since nasa Sangandaan kami (at clearly sanga-sanga nga ang mga daan dun), naisipan kong itext si AG. Ang lalakeng una kong minahal the first time na nagkolehiyo ako eleven years ago. Wiz pa ako thunders, accelerated akez noonchi.

Yj: nasa salon ka ba? (family biznez nila itey na siya ang nagmamanage)

AG: yup… bakit?

Yj: daan sana ako, nasa Caloocan ako eh. (tsaka sobrang miss na kitah, six months na kitang d nakikita)

AG: ok, punta ka lang dito, hintayin kita.

Yj: may ipapabili ka ba?

AG: bakit ano bang meron jan?

Yj: wala naman, malay ko ba kung nanjan si T (anak niya na inaanak ko sa binyag), eh d bibili ako ng merienda.

AG: wala siya dito, pero ako nandito at gusto ko rin ng merienda…. Hahaha

30 minutes later nasa salon na kami ni Maine, bitbit ang mga food from Jollibee…. Nyahahaha, ang cheap. Siempre pinaghintay kami ng loko, naliligo daw kasi. Hmmmmmm akala yata niya mag-isa akong pumunta… d ko pala nasabing may kasama ako. Paglabas niya, sheeeeeeet naloka ako. Ang laki ng katawan niya compared nung huli kaming magkita. Ang mga dibdib parang two-seater sofa, ang sarap upuan. Naka uber-fit pang shirt ang gagoh. Sa kanyang navy green na shirt, camouflage na shorts, at army cut hair, parang nasa harap ko si Jake Cuenca na pinaguapo lang ng one hundred times. Wa echoz. Parang gusto kong iwasiwas ang aking ulo para humaba na ang aking hair at mag-ala Kim Chiu, at gamitin ang magic wand and make NJ appear para may Gerald Anderson… at bonggang bongga… TAYONG DALAWA na ang eksena. Echoz. Oooooooooops pigilan ang sarili bakla… minsan ka ng nasaktan ng sobra-sobra dahil sa kanya. Magkumpare na kayo ngayon…… tumigil ka!!!

Anyways, yun nga. Habang kumakain kami sa kusina nila, mega interview niya si Maine kung ano lagay ko sa skul.

Totoo bang nag-aaral si Yj? Baka bulakbol parin gaya ng dati, hindi naman? May boyfriend ba siya ngayon? Ano?.... Sino si NJ?

Si Maine kasi ang daldal. Pero in fairness sobra naman niya akong inangat sa academic karirs kez. Kaya kampante na ang loko. Natuwa ako dahil hind pa rin talaga siya nagbabago. Madali parin siyang makibagay at makisama kahit kanino. Walang arte sa katawan, hindi mahiyain. Kompident. Hay, kaya ako nainlababo sa kanya noon eh. Habang nag-uusap, panay lang naman ang patweetums ko. Ngiting aso. Matang pusa. Hawi ng bangs na imbisibol. Laugh ng mahinhin. Ganun. Panay lang naman ang ismid ni AG sa mga sagot ni Maine na animoy ayaw maniwala na matino na ako ngayon. Mega encourage nga ang Maine na bumalik na rin siya sa school gaya ko. Kasi naman nagdrop out siya noon, the summer bago kami mag second year. Nabuntis kasi niya ang jowa niya. Shet sixteen lang siya noon. Keri lang naman sakin noon na may jowa siya. Pero yung nabuntis niya? Wititit. Isang malaking error. Nag-drop out din ako at nag-pak-up agad. Fly ng Japan para dun mag-move on…. Bata pa kasi ako noon. Madali pang matuliro ang isip. Years later, nagkaroon ulit kami ng communication. Ok na ako. Napatawad ko na siya. Dahil in all fairness, wala kaming masamang pinag samahan. Mantakin mo, ginawa niya akong ninong ng anak niya ng magbinyag ito. Kahit wala ako dun.

After seven years, umuwi naman ako sa Pinas, this time para naman mag-move on mula sa sinapit ko kay Pierre. Nagkita kami ni AG somewhere in Timog (May last year ito eh). Pakshet. I swear talaga. Kung ano itsura niya nung huli kaming magkita, ganun parin hanggang ngayon. Ampeyr naman ng buhay. Eto ako at libo-libo ang ginagastos para gumanda at bumata, considering galing pa ako sa bansang maganda ang klima. Samantalang siya, effortless. Ganun yata talaga pag anak ka ng diyos. We spent that whole night catching up. Kasabay ng bawat beer na nilalaklak namin, unti-unting nawala ang pitong taon na lumipas na hindi kami magkasama. Pinunan namin ang bawat isa ng mga pinagdaanan namin sa nakalipas na pitong taon. Yung sumunod na tatlong buwan, marami pang pagkakataon na lumabas kami. Nagkaroon din ako ng chance para madalaw yung bago niyang tinitirhan at yung salon na pinatayo ng mommy niya. Naging madalang na lang ang pagsama ko sa kanya mula nung mag-enroll ulit ako. Gusto ko kasing magfocus sa studies. Malabong mangyari yun kung nanjan siya lagi at baka malaglag nanaman ako. Madiskaril pa ang mga plano ko sa buhay. Tama ng nanjan lang siya. Laging handa kung kailangan ko ng kaibigan at karamay. Tama ng maging magkaibigan nalang kami ngayon. Masaya na rin naman ako. At isa pa, ang laki na ng anak niya. Utang na loob…..

Nung pauwi na kami ni Maine…

Yj: so what can you say?

Maine: mare ang guapo. mabait pa. (kinikilig pa ang potah)

Yj: mas guapo pa kay NJ?

Maine: para mo namang kinumpara ang pusa sa tigre….. (si NJ ang pusa)


Ang tanong ko nalang ngayon… sino kaya ang nag-proxy sa akin nung binyag ni T?

And yes... wala ng tayong dalawa.... dahil kaya ko munang mag-isa....

3 comments:

Luis Batchoy said...

ahmmm
ninang po.. hindi ninong
Atchaka... bilib ako sa yo teng
Hands down
Hindi ko kaya makipag friend
Sa isang ex.
Kinakabahan na nga ako sa kasal nitong isang ex ko na to eh.
Haynax!

Aris said...

yj, ang galing mong magkuwento. masaya pero may kurot sa puso. naka-relate ako dahil kaibigan ko pa rin ang mga exes ko. at meron sa kanilang hanggang ngayon hindi ko maitatangging mahal ko pa rin. ay, emote! :)

Anonymous said...

wow naman. alam mo me naaalala tuloy ako sa kuwento mong ito... may isang tao akong na-miss hehehe!

parang me kaparehong kwento sa buhay ko... ex tapos nagkaanak tapos naging magkumpare/magkumare tapos friends haiz... amazing.

love it!