We spent the entire afternoon at the gym. Culminating activity kasi. You have to understand na itong “honey” ko eh athlete-athletan. Mabilis tumakbo ito kaya naman nagka gold medal sa 100-meter run noong nakaraang sports fest. Hilig din niya ang volleyball. At nakaline-up din siya sa sportsfest to represent our college sa whole wide world ng aming university. Sistema mo, hindi siya nakapaglaro noon. Not once. Kasi naman ang first six ng team eh puro bayot, read- IRON LADIES! Aminin na natin na volleyball naman talaga ang gamay na gamay nating laro, tsaka swimming dahil mahilig din talaga tayo sa sisiran. So noong nakaraang sportsfest eh bench model sa volleyball si NJ as in bangkong bangko ang guapo. Kaya naman sa culminating activity kahapon….Pinaakyat ako ni Maine sa gym around 2:30pm. May laro daw si NJ ng volleyball. Shet, pano yung MOA namin with my friend Ace? Akyat agad ako. Ang gagoh at ngiting ngiti pa ng nakita ako.
“Hon, huwag ka ng maglaro. 4:30 dapat nasa MOA na tayo,” bungad ko.
“Tse! Ano ka? Ngayon na nga lang ako makakapaglaro noh!”
“Bakit? First six ka ba?”
“OO! ANIM LANG KAMI SA TEAM! WALANG SUBSTITUTE!” at pumapalakpak na ang mickey mouse ears niya. Shet. Ang saya-saya niya. Ano pa ba magagawa ko kundi umupo sa bleachers at suportahan siya. Ayoko namang nakawin pa ang moment na ito sa buhay niya. Ngayon na ang pagkakataon niyang mag-serve, mag-toss, mag-jump sabay spike.
“Sino mga ka-team mo?” tanong ko.
“Lahat ng naka-green,” sagot niya.
Halos mamatay ako sa katatawa. Remember yung bading na muntikan niyang jombagin nung napikon siya? Si X? Ka-team niya, at captain ball pa nila. Hahahahaha.
“Kahit matalo kami, ma-jab ko lang ng bola yang mukha ni X.”
“May galit?”
“Joke lang….” ngisi niya.
Okay. Meron akong crush sa college namin. Si Chiz. Kasi naman ang galing sumayaw ng guapong itoh. Dark pa ang skin. Ito pa naman ang bet na bet ko. Witchikels ko kasi pilastra ang mga boylet na uber-tisoy. Feeling ko hindi sila tinitigasan…. Sa akin lang naman yun. Ngayon naglaro din ng volleyball si Chiz, on the red team. Sila ang first game against pink team na college of Nursing yata. Dahil nasa harap mismo kami ng mga bleachers at katapat pa namin yung court nina Chiz, bungga ang aking viewing angle. Shet ang sarap niyang papakin sa paningin. Mega cheer talaga ako for their team habang kinikilig. Panandalian kong nakalimutan ang NJ na nasa tabi ko ng mga sandaling yun. Nang mag seserve ang Chiz, ang gagang si Maine sumigaw,
“CHIIIIIIZ!”
Tingin naman sa amin ang guapo. Para kasing sirena sa lakas ang boses ng bilat na toh.
“MAHAL KA DAW NI YJ!” sabay turo sa akin. Potang ina gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko. Bonggang bonggang hampas sa braso ang binigwas ko sa bilat using her own abaniko. Kahit uber dark ala Naomi Campbell ang skin ko,naramdaman kong nag-rosy cheeks bigla ang aking mukha sa sobrang kahihiyan. Hindi nakatulong ang pagtawa ng mga taong nasa paligid ko including NJ.
Ngumiti si Chiz. Sabay palo sa bola. Sheeeeeeeeeeeeet ngumiti siyaaaaaaaaaaaaaaa!!!! Fuck possibility? Teka lang!!!
Sumunod na ang team ni NJ at X. They played against gray team. Wit ko learn kung anong college sila. Basta pag nakakapuntos ang kalaban, sumisigaw ako….. “GRAY TEAM PURO BAYOOOOOOOOOOOOOOT!!!” deadma na kung kuyugin ako later. Makapang-asar lang. Bwah!
Dahil nga natatalo kami, “PAGUWAPUHAN NALANG!” sigaw ang Maine.
“Gagah, volleyball toh! Hindi Mr. University! Asarin nalang natin yung kalaban para madistract” baling ko kay Maine.
“Gray team BAYOTS… Gray team BAYOTS!!!”
Shet, walang nagawa pang-aasar namin. Talo kami. Kasi naman sa totoo lang regardless of NJ, puro bayot ang nasa green team. Puro pagirl pa. Tipong Chinese garter ang nilalaro.
*****
Mga 5:30 na yata kami nakarating ng MOA. Bongga, may event. Parade ng kung anik-anik. May ati-atihan. May mga naka costume. Pero dahil nagmamadali kami at baka mainip sa paghihintay si attorney Ace ay hindi na namin tinapos. Pero nakunan ko ng pic yung bonggang bongga nag-costume ng queen Amidala. Tarayful.Buy muna kami ng mga tickets for the movie. Confessions of a Shopaholic. Then naghanap ng makakainan. Burgoo. Sige na nga. What I love about this resto ay yung malaking paper na nakapatong sa mga mesa na pwede mong guhitan with their provided crayons. Siempre pa nag-drawing ako ng mukha ng honey ko. Kaso d nya nagustuhan dahil mukha daw siyang
girl with the red lips. Natuwa naman ako dahil kahit hindi nakasama si Asia, my friend Ace and NJ got along well naman. Hindi awkward ang mga conversations at hindi na-OP ang honey ko. Nagshare kami ni NJ sa isang seafood jambalaya na peyborit ko, at oriental chicken salad na sumablay sa panlasa ko. Wit ko bet ang vinegrette. Basta wa ko feel yung salad. Nang mag-CR si NJ…“Bakla ang cute, at mabait pa… kaya lang ang bata,” si Ace na nandidilat nanaman ang mga spotlight niyang mata.
“Ay naku, twenty na yan. Wit na akes ma-lethal injection noh!” sagot ko. Tawa lang ang bruha.
Fly kami ng watson’s dahil kailangan kong bumili ng napkin. Whisper ultra with wings. Malapit na kasi akong magkaroon. Echoz! Pinapabili ng sisteret ko. Then watch kami ng movie. Masaya naman. Wit trying hard. Pero according to Ace eh mas maganda yung book. Okey. Wit ko naman learn noh. Wa nga ako idea tungkol sa movie na itey. At some point sa movie have ng eksenang may nagtanong “Who will be the next girl in the green scarf?”
“I am!” na-carried away ako eh. Malay ko bang napalakas pala pagkakasabi ko at lahat ng tao nagtawanan.
Dahil saradao na mga stores paglabas namin ng movie house, kapi-kapihan nalang kami sa stervekz. Ang bilat at pinagkukuwento kay NJ kung gano ako kamaldita at kaluka-luka nung highschool at college(abugado na si Ace at college parin ako hanggang ngayon shet!).
“Buti hindi kayo binu-bully ni bakla?” tanong ni Ace kay NJ.
“Anong hindi? Yan kaya ang bully sa lahat ng bully. Walang araw na hindi kami binully niyan. Parang sa kanya nga napunta lahat ng karapatang mam-bully eh.”

“Oy sobra ka naman! Hindi totoo yan…. Mabait na nga ako eh,” sabat ko.
“Sa grupo nga nagkabotohan kami dati kung sino ang pinaka sa lahat ng bagay. Sa kanya napunta ang pinaka-EVIL!” patuloy ng natatawang si NJ.
“Hahaha. Bakla wala kang kupas,” si Ace.
Dahil wala ng patutunguhan ang usapan nagpak-up na kami. Bully daw. Bakla ako, bully? Meron ba nun?
*****
“Cost and worth are two different things… Always!” --- confessions of a shopaholic.
Char lang!
1 comment:
hmmmpp.. huling huling huli na talga ako.. tsk i love to see that movie... and meet NJ also..
bakla watch niyo yung isa pa ha... hahaha... yun He's just not that into you.. from a book din yan..
pag nameet ko si NJ dapat wedding niyo na ha.. (i believe in everything)...
miss yah..
Post a Comment