May komosyong nagaganap. May mga boses akong naririnig. Pero wala akong makita. Ang lamig ng pakiramdam ko.
"Anong nangyari?" boses ng isang babae.
"Hinimatay yata...." boses ng isang lalake.
"Humihinga... baka hinimatay nga....."
Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay sa mga pisngi ko. Bahagyang niyugyog ang mukha ko. At unti-unti kong napagtanto, ako yata ang tinutukoy nila. Pilit kong dinilat ang mga mata ko.
At siya ang una kong nasilayan. Maamo ang mukha, parang anghel. I swear akala ko namatay ako at napunta sa langit. Pero mabilis nawala ang diwang yun. Alam ko namang sa impiyerno tayong lahat magkikita-kita noh!
May katabi siyang lalake, hindi ko din kilala. May nakaburdang Police sa suot niyang golf shirt.
"OK ka lang?" tanong ng pulis.
Tumango ako ng bahagya.
"Iuupo kita ha," sabi ulit niya. At inalalayan niya ako para umupo.
"Okay ka na?" tanong ng isang lalake. May baas ng pag-aalala sa kanyang mukha pero nakangiti na siya. At saka ko naalala. Yung ngiti niya ang huli kong nakita bago nagdilim ang lahat.
Tumango ulit ako. At nanumbalik ang hiya. Napayuko nalang ako.
"Dalhin kita sa clinic," sabi ng pulis.
"Huwag na po, malapit na lang ang hotel ko dito," sagot ko.
"Hatid ko na po siya," pagpiprisinta ni hottie.
Tumango lang ako sa pulis. "Thank you po." Tinapik niya ako sa balikat, tumayo siya at naglakad na palayo.
"Buti nalang nasalo ka nung naglalakad sa likod mo, baka kung ano nangyari sayo," ani hottie sabay abot ng kamay. Inalalayan niya ako patayo.
"Ano bang nangyari?" tanong niya.
Nakaramdam ulit ako ng hiya at panlalamig. Anong isasagot ko? Na ini-stalk ko siya at ninanakawan ng mga pictures? Magkamatayan na, hindi ako aamin.
"Were you taking my pictures?"
Tinignan ko siya. Nakangiti parin. Pero yumuko din agad ako sa hiya.
"Do you wana take more?"
Ang slow lang ng pagrehistro sa utak ko ng sinabi niya. Ano daw? More pics?
Napangiti na din ako. Yung shy smile. Choz. Tsaka tumango.
"Tara lakad tayo..." anyaya niya.
"Nagbabakasyon ka?" tanong ko.
"Hindi. I'm here for a friend's birthday party. Sa Epic mamayang gabi," sagot niya.
Napangiti ako sa sarili ko. Ag liit ng mundo!!!!
At naglakad kami ng naglakad. Nanalangin nga ako na sana hindi na matapos ang paglalakad na yun. Ang dami kasi niyang kuwento. Ang bait niya. Lagi pang nakangiti. At pag tumatawa siya, nakakahawa.
Nakarating kami sa Regency Lagoon.
Pagdating sa pool side, pumuwesto agad siya sa ilalim ng shower.
Naghanap ako ng mauupuan at pinanood ko siya.
"Anong ginagawa mo? Kala ko gusto mo ako picturan?" natatawa niyang tanong. "Dali na, basta i-tag mo nalang ako." At tumawa nanaman siya.
Tumayo naman ako. Dala-dala ang camera. Nanginginig pa.
![]() |
| "Sandali lang. Yung maayos na pose!" |
![]() |
| Yan... ganyan. Wait, isa pa. |
![]() |
| Dahil sa picture na to.... |
Hinimatay ulit ako.
Choz.
![]() |
| with the coolest guy i've ever met.... |
That's all. Yaiy




21 ang havey ng Ispluk:
Gosh! Kinikilig ako! May Part 3 pa ba ito?
Himatay-himatay ka jan.
Technique mo yan noh???
Ma-gaya nga.
Hihihi!
Choz!
:)
part 2 na agad!
-geek
gusto kitang kurutin sa tuwa, sa kilig, sa inggit. hahaha! and then, what happened next? huwag mong sabihing wala. tamaan na lang ng kidlat ang magsisinungaling. halika nga rito at ititirintas ko lang ang buhok mo na sobrang haba! :)
pekpek ka, artista ka talaga!
malaswa! malaswaaaaahhh! hahaha!
lambing lang...
uy nahanap na ni cedes ang kanyang emman!
Nainspire ako sa story mo. I love it. I'll follow your blog from now on.
PS.. may part 3 pa ba?
SF.... mukhang madami daming parts pa hahaha, joke
Miss Chuni... best actress ang lola mo sa mga fainting moments na ganyan teh hahahah
Geek... hindi na kailangan ng part 3 sayo. may access ka na sa buong kwento. go to FB. hahahahaha
Aris... friend, madaming nangyari. but nothing sexual in nature. lol
John Stanley... mana ako sayo teh. bilang ikaw ang tinitingala ko pagdating sa kalaswaan at pagiging celebrity. nyahahahahaha
Kuri... akala ko nga dati daddy, ikaw ang emman ko. hindi pala. lol
JohnM... thanks. i hate to disappoint you pero wala na. :)
sana may part 3! kinilig ako ng very mild ha :)
huwawwwww shet na shet un... san na part 2.. hotie naman ni kuya beki din bah?
Yung huling pic, yung lower part ng face niya na kita, para siyang si Diether Ocampo. Happy pekpek ka ha! Hahaha!
syet! kinilig ako!hahahahaa
kelan to naganap? doctor ba yung mai birthday sa epic? hmmmm... parang alam ko tong event na toh kung eto nga yun. what a small world.hehehehe
ang hot ha!
Langya ang tumatak sakin dito eh yung talagang hinimatay ka pa, naalala ko tulyo si Sunshine Dizon sa Anna Karenina ba yun? pag nakikita si Polo Ravales, Hinihimatay ren hahahaha pakshet jologs ko lolz
-Gripen
Miss na sana kita. Kaso nagbago ang isip ko dahil sa post nito. >:P
buti at hindi natakot nong nahimatay ka? mukha syang masarap adobohin!
mukhang marami pang part na kasunod ito!! ahahaha
boooooooraaaaaaboooooyyyyy!!! lol
oh may gulay!!! kakainggit ka!!!! haha
naku magkita na nga tayo at ng mabahagian at maturuan mo ako ng tips kung paano mang-akit! haha :)
edi ikaw na talaga! LOL! hahaha...
ang lande! napakahospitable naman ni hottie. bitchin' in the beach ang drama mo?
Echoserita's latest blog post: Nasaan Ka, Ursula?
Post a Comment