choz!
Kumakain ako nun ng napaka soshyal na pagkain. Isaw. Nang mapadaan siya. Muntik na akong himatayin ng napako ng mga isang segundo ang tingin niya sa kinatatayuan ko.
Nang makalagpas na siya, lumipad ang isaw sa basurahan. Kailangan ko siyang sundan.
Magkandapa-dapa pa ako sa sobrang panginginig ng tuhod.
Eto na ang pagkakataon kong magpaka Angel Locsin.
![]() |
| Kapag lumingon ka..... |
Pero patuloy na naglakad si hottie. Nakakabighani ang mabagal niyang paglalakad. Animo'y nasa kanya lahat ng panahon. Kaya patuloy naman ako sa pagsunod. Binagalan ko din ang paglalakad. Reyna Elena sa sagala ang peg ko ditey.
![]() |
| Sige na please, lingon ka na... |
May teorya ako na kapag tinitigan mo ang isang taong nakatalikod ng sobrang tagal. Mararamdaman niya iyon. At evetually ay titingin siya pabalik.
![]() |
| At yun na, nakaramdam na.... |
Muntik ko ng mabitawan ang camera sa sobrang kaba at hiya. Kitang kita niyang tutok na tutok sa kanya ang 18-200mm lens ko. Nanalangin ako na sana bumuka ang lupa at lamunin ako.
![]() |
| Nang bigla siyang ngumiti... |
Pinanawan na ako ng ulirat.
That's all.




13 ang havey ng Ispluk:
Haha. You're becoming a stalker with your 18-200mm mmm... lens. Galing tumutok ah.
Buti hindi feelingero like last time na nakita natin.
tapos nun? bitin! hahaha
sana inagaw man lang nya cam mo at inapakan! chos!!!
ang lande. email mo sakin yung raw.
ang tamis ng ngiti ni kuya, ang sarap ipanghimagas! :-)
kamusta ang camera???? ahahahahaha
HAHAHAHA
Xall... kaya magpalit ka na ng lens. lol
Mac Callister... you're not gona believe what happened next. wait ka lang!
Nishiboy... ahahahahaha yun lang.
Kenchu... ulam siya. ULAAAAAAAM lol. ah okay, yung ngiti pala ang matamis. yaiy
Nox... sira na. nabagsak nung hinimatay ako. pero okay lang, worth it naman. lol
Yohan... BWAHAHAHAHAHA alam mo yan.
May Part 2 ba ito? Parang na-excite at kinilig ako eh. Hahaha!
Kuwento na....
Ikaw na ang may 18-200mm lens.
Pero ang mata mo... naka- MACRO!
choz!
:)
Sayo na sya, girl! Sayong sayo na! Hehehe. :)
eeeeeeeeeeeeeeeeeee... landeh!
napa-sign of the cross ako hahaha shet may part 2?
Siya na ang yammeh!
Post a Comment