Pages

Showing posts with label Saying Goodbye. Show all posts
Showing posts with label Saying Goodbye. Show all posts

Tuesday, December 8, 2009

Shey....

1st year high school, nakilala ko siya. Isa sa pinakamagandang babae sa school. Malaking bulas kasi sa edad na trese. Tisay pa. Kaya naman madaming nagkaka-crush. Madaling makagaanan ng loob, mabait kasi at hindi isnabera.

Naalala ko pa na lagi siyang may hawak na panyo. At sira lagi ang apat na dulo. May manerism kasi siyang ngatngatin ang dulo ng kanyang panyo. Natuwa ako noon, kasi akala ko, ako lang ang gumagawa nun. Siya rin pala. Minsan pinakita ko sa kanya yung panyo ko na sira din ang mga dulo kasi nga kinakagat ko, nagkatawanan lang kami.

4th year high school na kami nung maging super close. Naging magkagrupo kasi kami para sa ballroom dancing competition. Araw-araw ang practice namin noon. Masaya kasi sa dalawang contest na sinalihan namin, kami ang nanalo. Sasali pa nga kami dapat noon sa regional, kaso hindi na pumayag ang school administration namin. Napapabayaan na daw ang academics, pero feeling namin ayaw lang maglabas ng pondo.

Bago kami nagtapos ng high school, sumali sila ng pinsan niyang si Annaliza, na kagrupo din namin sa ballroom, sa isang beauty contest sa Dagupan. Miss ABS-CBN Northern Luzon pala. Lahi talaga sila ng magaganda. Dahil madalian at walang masyadong preparations, ballroom dancing ang naging talent nilang magpinsan. Ako ang partner nila. Televised yun. Kaya naman nung pinalabas yung special sa channel 2, hindi kami pumasok para lang mapanood. Kung hindi ako nagkakamali, si Shey ang naging 2nd runner up.

Nagkahiwa-hiwalay na kami after graduation. Nabalitaan ko na nagpunta siya ng Canada.

Sa lahat ng namimiss ko, yung maamo niyang mukha. Yung kanyang tawa na nakakahawa. At ang boses niyang kay lamig sa pandinig kapag siya'y kumakanta.

Kahapon, nabalitaan ko na namatay si Shey sa isang car accident.

Sherilyn Sabiniano, i'm grateful i had the chance to dance with you. You will surely be missed. May God bless your beautiful soul. Enjoy your journey to heaven. Rest in peace now friend... rest in peace.

Sunday, July 5, 2009

The Voice.....


Eric Gerald Soriano
October 8, 1981 - July 3, 2009

Rest in Peace Brother......

You will be remembered through your songs..... thank you for the music....

Wednesday, January 7, 2009

Ang Libing.... December 23



Alas-nuwebe palang ng gabi ng Dec22 ay nakabalik na ako sa Tenement. Pinakilala agad ako ni Bob sa mga anak niyang panganay at bunso. Pinakilala din niya sa akin ang kanyang ‘estranged wife’ na madalas kong makausap noon sa telepono dahil kay Superman. Pinakilala din sa akin ang ilan sa mga pamangkin ni Bob na talaga namang mga anak ng diyos. ‘Eto si Yj, siya yung nagpakasasa sa mga murang katawan namin ni Superman,’ natatawang pakilala sa akin ni Bob sa mga kapamilya niya. Hinampas ko nalang siya sa balikat. Hindi narin ako nagtanong kung bakit wala si Superman. Nakipaglaro ako ng tong-its at nanalo naman ng 700php. Dahil sa antok nakatulog na ako sa sofa, alas-siete na ng umaga ako ginising ni Bob. Nasa tabi ko ang panganay niyang anak, tulog din. Pagkatapos magkape, dali-dali akong naghilamos at nagsepilyo. Binigyan ako ni Bob ng puting t-shirt na isusuot para sa libing. Ginanap ang misa sa katabing simbahan ng Tenement. Siempre kahit hindi ko naman kilala yung namatay, pamilya naman ang turing ko sa mga naiwan niya, kaya naiyak ako sa tuwing nakikita kong umiiyak sila. Yung sakit nila, sakit ko rin. Sumakay kami sa mga nirentahang jeep papunta sa Tipas Catholic Cemetery para sa huling hantungan. Habang sinesemento ng sopulturero yung libingan, nag-aasaran naman kami ni Jojo kung sino ang susunod sa amin. Pagbalik namin sa Tenement, nag-lunch lang kami at pagkatapos ay nagpaalam na kami ni Jojo, para makapagpahinga na rin sila. Kitang-kita na sa mga mukha nila ang pagod na sanhi ng mga nagdaang araw. Nakakalungkot isipin na magkikita-kita kami ulit sa ganitong pagkakataon pa. pero wala naman kaming magagawa, ganyan talaga ang buhay eh.