Sa tinagal-tagal mong naghintay, importante pa ba kung magmukha kang tanga? - Miss You Like Crazy
Akala ko kanina end of the world na nang makita ko ang mga tao na nagkakagulo. Yun pala, nagkakagulo sila sa pag-uunahan sa pila para makapasok sa premiere cinema ng MOA. Ngayon kasi ang unang araw na showing ang Miss You Like Crazy nina Bea at John Lloyd. As in sobrang jologs lang ng mga taong to na hindi man lang makapag hintay ng weekend, eh ilang araw nalang naman. Bwisit, nasa dulo tuloy ako ng pila at hindi ako nakahanap ng magandang puwesto sa loob ng sinehan. Hmmmmmmmp.....
Excuse me pero hindi ako fan ng love team na yan. Wala akong napanood kahit alin man sa mga nauna na nilang pelikula. The only time na nakapanood ako ng pelikula ni John Lloyd ay sa In My Life. Siempre kabaklaan yun noh.
Anyways, kaya lang naman ako nanood ng Miss You Like Crazy eh dahil nagbabakasakali ako na baka mawala na ang LSS ko sa theme song na paulit ulit na lang kinakanta sa lahat ng palabas sa channel 2 dahil nga pino-promote ang movie. Idagdag mo pa jan ang walang kamatayang music video ni Erik 'baklita' Santos na panay din ang pagpapalabas sa ere.
At kung itatanong mo ako kung bakit sobra sobra ang poot ko sa kantang yan. Eh kasi nga nakakapikon. Lalo na ang linyang NO MATTER WHAT I SAY OR DO, THERE'S JUST NO GETTING OVER YOU...... dahil diyan ko na-realize na hindi pa nga ako nakakapag move on. Na sa halos isang taon na nagdaan eh, isa lang pala akong dakilang pretensiyosa. Ngayon palang naiiyak na akong isipin na wala akong plano para sa Holy Week. Samantalang nung isang taon....
Yeah. I miss him. So much it's starting to hurt. I swear, the next time he tries to engage me in a conversation with him, uunahan ko pa siya.
Siguro kaya tayo pinagtagpo ulit, not to have a happy ending, but to end things for the second time. - Mia Samonte (Bea Alonzo)
and NO, pagkatapos kong mapanood ang pelikula eh lalo lang tumatak yung theme song sa utak ko. Hmmmmmmmmp
11 comments:
Oh tapos?
Hahaha
How 'good' was the movie?
maganda naman ba yung movie?
hindi ako titingin! HINDEEEHHHH!!! di ko pa napapanood!!!
babalik nalang ako dito sa weekend. lol
hahaha. nag enhoy ka kaya at nakarelate sa movie... feeling ko hindi masyado. nyahahahhaa
oh my u watched it na?
Siguro kaya tayo pinagtagpo ulit, not to have a happy ending, but to end things for the second time. - Mia Samonte (Bea Alonzo)
Panalo! ♥
btw, mas gusto ko yung kantang I LIVE FOR YOUR LOVE. crazy in love na gaga! hihi
gagaH!!! hahaha
Hindi ko pa napapanood pero gusto ko yung nakita ko sa trailer...
"Mia, mahal kita."
"Wag... wag mo na akong pahirapan."
Hahaha! Aylabet!
I usually do Bisita Iglesia kapag Holy Week. Keeps my mind off things.
ayos yan.
hindi ko lang hilig ang ganyang pelikula.
hihi wala naman palang spoilers. :D
kakapanood ko lang. ayus lang naman. mas natuwa ako sa one more chance. oo na, jologs na ako.
Post a Comment