Pages

Showing posts with label Of Shoes And Bags. Show all posts
Showing posts with label Of Shoes And Bags. Show all posts

Saturday, October 3, 2009

Destined...

It was about three months ago nang una ko siyang makita. Sa Robinson's place sa Ermita. May kataasan, maitim pero makinis ang balat. Maporma. Astig. Panandaliang tumigil ang mundo ko. Pero habang tumatagal ang pagkakatitig ko sa kanya, narealize ko, hindi pwede. Mukhang pang-mayaman lang siya.......

Two weeks ago, muli ko siyang nakita, sa parehong lugar. Sa pagkakataong ito hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nilapitan ko siya. Hinaplos ko ang napakakinis niyang balat. Hindi siya tuminag, pero naramdaman ko ang kagustuhan niyang umalis na sa lugar na iyon. Para ngang narinig kong bumulong pa siya sa akin. Take me home. Take me home.




Ayun, hinawakan ko siya ng bonggang bongga at binaliktad. Sa suwelas niya nakadikit ang dalawang maliit na white stickers. Yung isa sa original price. Yung isa isinisigaw ang sale price. Shet almost fifty percent off. Hindi na ako nagdalawang isip. Akin na siya. Kay tagal kong hinintay to.

Mga ate, mga kuya at mga diyosa ng pagkabitchesa....



Meet my new baby.... KENNETH....










Eh sinubukan kong isuot. Hindi pala siya astig... dahil baklang bakla lang. Bongga!!!




Gift ko sa sarili ko.... naging mabait naman ako the whole year eh.....

Bwah!!!