Bago ko ikwento ang mga ganap nitong huli naming pagpunta sa Ilocos, gusto ko munang sariwain ang mga eksena noong unang punta namin. Habang buhay pa sa alaala ko at lately eh nagiging ulyanin na akey. My gawd, signs of aging na itey.
Tuwing unang linggo ng Enero, ginaganap ang Miss Gay of the Universe sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte. The first time I heard of it, akala ko ay gaya lang siya ng mga pipitsuging Miss Gay sa mga bara-barangay na sobrang laugh trip, bilang ang mga sumasali ay mga beking lakas ng loob lang ang pinupuhunan. Yung mga beking todo rampa para mapanalunan ang title na Miss Gay Undas. Bilang mukha silang galing sa hukay with their cheap made up and all.
Big mistake! Hindi pipitsugin ang pageant. Powerful ang mga kandidata. Susuhan ito. As in, operadang froglettes ang mga bekz. At ang production, from lighting to stage design, EXPLOSIVE!
“Okay, Nyl and Victor will be judging, at ikaw YJ, will do some hosting backstage,” sabi sa amin ni LOF (yeiz, si Line of Flight na mahilig magpabalinguyngoy sa virginal kong nose) na isa sa mga organizers at producers ng pageant. Siya ang nag imbita sa amin for the all-expenses paid trip to Ilocos. Bongga di vah! Artistang artista ang arrive ko na iniimbayt para mag-appear sa mga piyesta. Chot!
“OMG, anong alam ko sa pagho-host? Pwede makipag switch kay Nyl?” pagmamaka-awa ko.
“Ayoko nga! Gudlak sayo bakla! Bwahahahaha” pang-aasar ni Nelia.
“Don’t worry, mag-iinterview ka lang naman ng mga thank you girls backstage eh. You’ll be having your own cameraman and lightman, at magkakaroon siya ng live streaming sa labas para mapanood ng madlang pipol,” paliwanag ni LOF.
Gusto kong himatayin.
Sa unang araw namin sa San Nicolas, binisita namin halos lahat ng historical sites, churches at bell towers.
Pero later na yan, focus muna tayo sa alindog ng mga bekiz.
Gaya ng sabi ko, highly organized ang patimpalak. Dalawang oras lang ang target nilang runtime. Nagkaroon na pala ng pre-pageant. Kaya rampa nalang ang mga candidates in their national costumes at pagkatapos ay mega announce na ng top ten. From there, back to zero na ang scores at muling maglalaban-laban ang mga bakler sa swimsuit at long gown competition, sabayan pa ng casual interview. At base sa mga scores ay kukunin ang final five beauties for the final question and answer portion na madalas eh nagiging quiz bee.
Sina Victor at Nyl ay prenteng prenteng nakaupo sa kanilang mga puwesto. Samantalang ako ay mais-mais na ang pawis at todo kaba habang hihintay ang eksena ko. Naglagay ng napakalaking tarpaulin sa backstage na naging background ko for the interview ng mga wititit pasok sa banga. Mga Lotlot DeLeon kumbaga. Imperness sa mga coffeebabies eh tinulungan nila akong mag formulate ng mga questions.
Nagsimula ang pageant sa parade of beauties.
Nakakaloka lang. Dito mo makikita ang pagka innovative ng mga beks. Kaya lang ay mukhang hindi na pinag isipan ng iba kung akma ba ang suot nila sa mga bansang nirere-present nila.
Pakak si Miss Jamaica, pati hairline may make-up. Kabugera si Miss Thailand, achieved na achieved.
Bet ko din ang national costume ni Miss Vietnam. Pero itong si Miss UAE, hindi ko alam kung saan niya napulot na naka one-piece bikini ang mga arabiana pag rumarampa sa daan. Sureness, naka persona non grata na yan sa lahat ng arab countries. Hindi rin nag pa-awat si Miss Vatican City na gawa sa kandelabra ang national costume, may dala pa siyang giant silver cross na parang mag ku-krusada lang.
![]() |
| Miss Suriname and Miss Tahiti |
Si Miss Suriname na may dalang pabo. At si Miss Chile na nagwaging best in national costume. Ikaw na magsuot ng kurtinang gawa sa shell at magdala ng sulu with matching layers of banga sa ulo.
![]() |
| early faves Miss Luxembourg and Miss Chile |
Nagpakita din naman ng alindog si Miss Chile pero mukhang nalunod sa takot ang mga judges sa mga suso niyang mas malalaki pa sa ulo niya. Walang nagawa ang pasweet na costume ni Miss Luxembourg, nagdala pa kasi siya ng tuta, eh taga PETA si Nelia, kaya Luz Valdez si bakla.
Hindi mawawala siempre ang mga pasabog na introduction. Wala namang bago dahil madalas ko ng marinig sa mga pageants ang intro ng karamihan sa kanila pero ito ang mga tumatak sa akin.
"Nasa inyo pong harapan ang babaeng minsang nagpatibok sa puso ni Rico Yan. Ang babaeng maligno, Miss Claudine Barreto."
"Bago ko po lisanin ang apat na sulok ng entabladong ito, sisirain ko ang isa para maging tatlo!"
"Standing in front of you... Prisoner from Guam.... Anjanette Abayari!"
May umapila....
"Ladies and gentlemen in front of you is also a prisoner from Guam... Alma Concepcion!"
Winonaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah
![]() |
| in their production number and national costumes |
Bago pa i-announce ang top ten ay nakahanda na ang cameraman at lightman sa backstage. May personal photographer pa ako. Ganda ko lang!
Pagkasala sa top ten, isa-isa nang rumampa ang mga thank you girls pabalik ng backstage kung saan naghihintay na ako para makausap sila.
“5, 4,3,2,1 Actioooooooooooon!” sigaw ng cameraman.
Pumikit ako, happy thoughts, sinabayan ko ng ngiti ang pagdilat ng aking tantalizing eyes….
“Naimbag nga rabii, beautiful people of San Nicolas. Welcome to the search for Miss Gay Universe 2011……” shiiiiiiiiit I was born to do deeeeeeeeeeeeeeeees! I was such a natural baby!
Una kong ininterview si…
Me: Why Australia?
Her: You know rugby right?
Puta ang tagal bago rumehistro sa utak ko na mukha siyang nagra-rugby kaya pinili niya ang Australia para i-represent. Charot! Pero infairness kay bakla, half-Pokwang half-Lucy Liu ang beauty nya. At modil modil din siya mag project.
At some point pala nasa stage lahat ng candidates for the announcement of winners for the special awards. Kaya pasilip silip naman ako from the backstage kasama ang mga baklang PAs ng mga kandidata. At more more chika ang mga dakilang alalay.
Beki 1: ay sure ako na si Miss Australia ang mananalong Miss Congeniality.
Beki 2: bakit naman?
Host: and our Miss Congeniality is............ Miss Austreylieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!
Humagalpak ng tawa si Beki 1.
Beki 2: pano mo nalaman?
Beki 1: Eh kasi noong pre pageant nagkaroon ng kainan pagkatapos ng mga eksena. Eh walang opener kaya hindi makainom ng softdrinks yung mga kandidata. Si Miss Autralia, kinuha yung mga bote at binuksan lahat sa pamamagitan ng ngipin saka pinamudmud. Taray di ba? Tomador si bakla.
Kahit ako ay hindi ko mapigilang mapangiti sa narinig kong kwento. Dapat pala eh naging Miss Talent din si Miss Aussie. Gusto ko tuloy siyang maging ka-close.
Dahil sa dami nilang mga thank you girls, napansin ko na paulit-ulit nalang ang tanong ko.
Is this your first time to join a pageant as prestigious as this?
What is the inspiration behind your beautiful gown?
What would you do differently next time?
At feeling ko eh, hindi na natutuwa ang mga madlang pipol na nanonood ng live sa Ferdinand Marcos Mini Sports Complex. Kaya naman nilevel up ko na ang mga questions. Mga tanong na nangangailangan ng higher order thinking skills. Kiyeme.
I’m sorry you didn’t make it to the top ten. So what do you think is wrong with you?
Have you ever considered suicide?
My gawd! What big boobies you have, can I touch them?
So how did you hide your dick?
Siempre alam niyong malaking joke lang yan at hindi ko naman talaga sila tinanong ng ganyan.
Pero paminsan-minsan naman, pag wala na akong maisip itanong eh pinupuri ko nalang sila.
You are so beautiful Miss Kiyeme… you look like aaaaaaaaaah… uhmmmmm… you look like a PEACOCK!
True story. Sinabi ko talagang mukhang peacock yung kandidata. Wala na akong maisip na word eh.
At siempre sa final question and answer, halos bumula ang bibig ng final five sa pagsagot sa katanungang “If you were stranded in an island, how did you get there?”
At kaya nag title si Miss Luxembourg ay dahil sa napaka brief and futuristic niyang sagot:
“Bluetooth…”
Choz!
![]() |
| Reigning Miss Gay Universe San Nicolas and her runners up |
Tungkol talaga sa RH Bill ang final question. At kaya nanalo si Miss Luxembourg ay dahil siya ang may pinakamaraming I BELIVE sa kanyang sagot.
![]() |
| 2nd runner up Miss Tahiti, Miss Gay Universe Miss Luxembourg, 1st runner up Miss Chile |
Thanks LOF and Joseph for this wonderful experience. Don't take this post too seriously, okay. Hihihihi :P
Up Next: Churches and Bell Towers
That’s all… Yaiy.










18 ang havey ng Ispluk:
you, nyl and victor in a pageant in ilocos? i can just imagine kung gaano kayo kasaya! :)
ang saya-saya naman nitey! aylavet! aylav beauconeras! choz :))
panalo ang mga gown at costume. pero gusto ko rin tanungin yung hindi mo itinanong. paano nga nila itinatago ang pututuy?
gandaaaaaaaa. panalo lahat ng anggulo. at walang keme sa pagrampa. hehehe. nice read.
Naimagine ko na nalunod ka sa mga susey ng mga ate natin.
Winner ang ngipin ni Miss Congeniality. Kaya lang katakot kapag ano... Kapag basta... Yun na yun.
Aris.. sobrang saya friend.. sa January nga eh ako na ang sasali hahahaha
Nox... sali ka din sa January hahahaha sabay tayo....
Sean... I swear may nakita ako sa backstage na electrical tape ang ginagamit pang tali hahahaha
Desperate Houseboy... kuya, kaya mo kaya silang sabayan sa rampahan?
Kuya Mugen... susey talaga? dami kong tawa... :)) na-inspire nga ako eh... gusto ko na tuloy magpa-joga...
Xall Perce...ano yun? di ko alam sinasabi mo kuya... hihihi
Tawa ako ng tawa dun sa mga imaginary questions mo, YJ. Haha. Mukhang enjoy na enjoy naman kayo. Hihi.
Welcome back! :)
*faints*
wahaha! batayan na pala ngayon ng pagiging ms.congeniality ang pagbukas ng softdrinks via ngipin! panalo!!! =)
taray ng mga candidates teh. mas makikinis pa sakin. lahat kabugera!
wait lang, diba punta kayo boracay? tapos na ba to?
Bwahahaha! Fun read iteychiwa
hahaha. natawa naman ako kay ms. australia! hahahaaha!
Yj, gay beauty pageants are really interesting no? Especially the interviews.
I love the bluetooth answer! Hahahha. Did your jaw drop? Hahahaha. Ang taray. Bluetooth talaga. HAhahaha.
Kamusta ka? May work ka na?
Louie... thanks friend.. sobrang enjoy talaga ang mga ganyang eksena.. :)
LOF... lol, i'm serious about joining next year, if Victor won't. yaiy
Chyng... aaaaaaaaaaay per kilo ang labanan sa body foundation teh.... kaya bulagan yan hahahaha... we'll be in iloilo on the 25th and bora on the 26-28th.... yaiy
Carrie... da vah. mas fun pag sumali tayo hihihi. bet?
Wiwik... kuya pag sumali ako next year, watch ka ha.
Kane... kelan tayo iinom? hahahaha... wala pa akong work friend. i'll be reviewing for the board exams pa... :)) kaya madami pang time rumampa bilang september pa ito hahahaha
taray ng LOF productions!
so payat that ms australia
Hahaha the best! lalo na yung bluetooth, ang witty!
ang shoshoray ng outfits! di ko kinaya si ms australia, parang naka rugby na, nakipag boxing pa ata sa kangaroo!
Post a Comment